Enjoy Reading!!!
CHAPTER 5
Zouie's POV
"Okay class, I forgot to get my phone in the office. I'll just get that and please, behave okay." sabi ni ma'am.
"And you Ms. Martinez, just sit already in the vacant seat."
"Yes ma'am."
Pinaalis ko muna si ma'am bago ako umupo. Inilapag ko muna ang bag ko sa upuan at umupo na.
Paupo na sana ako ng tangina!
"ARAY! TANGINA!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit.
Lagapak ang pwet ko!
Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko at sinamaan ko naman sila ng tingin pero mas lalo silang tumawa.
"Ouch!"
"Siguro nasaktan yung sahig."
"Kawawa naman yung sahig."
"Hahahahaha!"
Tawa ng mga ugok kong kaklase. Ang saya niyo diyan!
Nakakatangina naman kasi! Paupo na sana ako pero may talipandas na biglang humatak sa upuan ko kaya ang ending ay sa sahig ako napaupo.
Ang sakit ng pwet ko at umabot pa sa balakang ko!
Tinignan ko naman ang hudas at nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin. Kaya pala nakangisi kanina dahil may katarantaduhang gagawin!
Kingina mo kang hudas ka! Tangina mo sagad!
Kahit masakit ay pinilit kong tumayo para lang maupakan ang lalaking ito. Pagkatayo ko ay agad ko siyang kinuwelyuhan.
"Problema mo ba, ha?! Kanina ka pa e! Wala naman akong ginagawang masama sayo ha!" sigaw ko sa kanya habang hawak ko ang kwelyo niya.
Bigla na lamang siyang nagseryoso at dahan dahang tumayo kaya nabitawan ko ang kwelyo niya at napaatras.
Ano bang nangyayari sa akin at naduduwag ako? Hindi naman ako ganito dati ah?
Unti-unti naman siyang lumapit at ako naman ay tuloy sa pag-atras hanggang sa pader na ang nasa likod ko.
Iniharang niya rin ang dalawa niyang braso sa magkabilang balikat ko. Sobrang tahimik na rin ng paligid napatingin naman ako sa mga kaklase ko. Lahat sila ay nag-aabang ng susunod na mangyayari.
Magaling kayo diyan! Di niyo man lang awatin itong hudas na ito.
Napatingin naman ako sa hudas at seryoso siyang nakatingin sa akin.
"L-lumayo ka nga s-sa akin!" pilit kong pinatapang ang boses ko at sinubukan siyang itulak pero parang pader ang itinulak ko dahil hindi man lang siya natinag sa kanyang tayo.
"You're asking me if what is my prblem with you?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.
"O-oo! Wala n-naman kasi akong ginagawang ma-sam-ma sa inyo!"
Nakita ko naman siyang nagseryoso.
"You! You are my problem!" sigaw niya sa akin at medyo napatalon pa ako sa lakas ng boses niya.
Agad namang napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.
Anong ginawa ko? Wala naman akong ginawa ah.
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Mystery / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...