Prolouge

11.8K 309 34
                                    

Warning: It contains a lot of profanities and some violent content in this story, so beware. If you don't want that kind of story, feel free to leave. Thank you.

PROLOUGE

"Arghhh!!! Sasabunutan kitang babae ka!"

Tinignan ko lang siya at humalukipkip.

"Eh di, gawin mo. Hindi ka nga makatayo diyan e."

Susugod na sana sa akin ang isa sa mga kasama niya ng biglang may sumigaw sa amin.

"ALL OF YOU! TO THE GUIDANCE OFFICE! NOW!"

Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko roon ang dean namin na napakasungit.

Palibhasa'y matandang dalaga.

Agad na tinulungan nila ang babaeng nakasalampak sa sahig at sinamaan ako ng tingin.

Tinaasan ko lang sila ng kilay at naglakad na papuntang guidance office.

Parang alam ko na ang mangyayari.  Wala ng bago. Tss.

Pagkarating namin sa guidance office ay agad na akong umupo sa upuan.

"May sinabi na ba akong umupo ka?" masungit na tanong ng dean namin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"May sinabi ka rin bang tumayo lang ako?" balik kong tanong at mukhang nainis naman siya.

Sasagot pa sana siya pero dumating na ang mga nakaaway ko na akala mo'y biktima samantalang ako dapat ang biktima dito.

Ako lang naman ang pinatid nila at syempre bumawi lang ako. Alangan namang hindi ako bumawi, ano sila, sinusuwerte?

"So, bakit kayo nag-aaway doon sa hallway?" agad na tanong ng dean namin.

"Dadaan lang po sana kami dean pero agad kaming sinabunutan niyang babaeng iyan!" turo sa akin nung isang bruha na sinabunutan ko at sinang-ayunan naman siya ng mga kasama niya.

Diyan sila magaling, ang magpanggap na biktima at mag-imbento ng kwento.

Sana pinublish nila iyan at baka bumenta.

"Is that true?" baling sa akin ng dean at tinignan ko siya.

"No, dean--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang makisabad ang isa sa mga bruha.

"Liar!"

Napabuga na lang ako ng hangin dahil alam kong walang maniniwala sa akin.

Ganun naman sila e. Tatanungin nila ako pero hindi naman sila maniniwala. Para saan pa ang tanong nila, diba?

"Alam mo naman na marami ka ng records at ang usapan ay kapag nakagawa ka ulit ng isa pa ay expelled ka na." sabi ni dean pero hindi man lang ako kinabahan.

Sanay naman na akong maexpelled at hindi ko alam kung pang-ilan na ito.

Rebelde kasi e.

"So sorry, Ms. Martinez. Whether it's your fault or not, you're expelled. You may now leave." sabi ni Dean at agad akong tumayo.

Wala namang kwenta ito e. Hindi naman kasi nila ako pinapakinggan or pinapaniwalaan.

At sabi nga nila, 'whether it's my fault or not, expelled daw ako.'

Agad kong kinuha ang bag ko at rinig ko ang mga bulung-bulungan sa tabi tabi.

Parang mga bubuyog.

Alam kong gustong gusto na nila akong mapaalis dito kaya tuwang tuwa sila na ngayon ay nagtagumpay sila.

Lahat ng tao dito ay ayaw ako kaya ganun.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng isang sampal na nakapagpatumba sa akin.

Wow. Nakarating na agad sa bahay.

"Wala ka talagang kwenta! Hanggang ngayon ay hindi ka man lang nagbabago! Puro ka na lang expelled!" sigaw ni Mommy sa akin.

Wala akong nagawa kundi yumuko at pakinggan ang mga masasakit na salitang itatapon niya sa akin.

Nagrerebelde ako para kahit man lang ay mapansin nila and tama ako, dahil napapansin nila ako pero puro sakit nga lang ang kapalit.

"You're such an idiot! You are disgrace to my family! Leave child! Leave and never come back!" dagdag ni Mommy habang pinagtatapon sa akin ang mga damit ko at panghuli niyang tinapon ay ang bag ko at sumapol pa sa mukha ko.

Kingina. Ang sakit.

Hindi na ako nagsalita o nagpaliwanag pa at kinuha ko na lang ang bag ko at inilagay doon ang mga damit ko.

"I don't wanna see you face so leave now!" sigaw ni Mommy at sinipa ako bago umalis.

Pinulot ko ang mga damit ko at ipinasok sa bag ko.

Tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinunasan.

Ganyan naman ang trato sa akin ni Mommy e. Kahit sina Daddy at sina Kuya at Ate ay ganyan din ang trato sa akin.

Ewan ko ba at parang hindi nila ako pamilya kung ituring.

Ano bang nagawa kong mali para tratuhin nila ako ng ganun?

Palagi nila akong sinasaktan o kaya'y iniinsulto.

Puro hirap at sakit ang naranasan ko sa kanila at kailanman ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila.

Kabilang ba talaga ako sa kanila?

Paalis na sana ako ng biglang may lumipad na isang pirasong papel papunta sa akin.

Pinulot ko ito at ibabalik na sana sa lagayan ng may mahagip ang mata ko.

Nang dahil sa kuryosidad ay binuklat ko ito at bumungad sa akin ang isang mapa.

Hades Academy's Map

Isang academy?

May address ding nakalagay sa likod.

Ito ba ang pinagkakaabalahan nila Mommy?

Hmm. Kung Academy ito. Subukan ko kayang pumasok dito?

Kahit siguro bobo ako ay qualified pa rin naman ata ako.

Kung ganun, mag-eenroll ako dito.

Dito ko papatunayan ang sarili ko at magbabagong buhay para atleast maging proud sa akin ang pamilya ko.

Narealize ko kasi na panahon na siguro para magtino.

Tinago ko ang mapa sa bag ko at lumabas na.

That's my final decision, mag-eenroll ako sa academy na ito tutal expelled naman na ako.

So here I come,

Hades Academy.

-elyjnxx.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon