Chapter 49

3.6K 151 1
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 49

Third Person's POV

Nang lumabas si Zouie matapos tumunog ang bell hudyat na break time na ay napabuntong hininga na lang sila.

Halata kay Zouie na lumalayo siya sa kanila lalo na ng lumipat ng upuan si Zouie at mas pinili na lang na tumabi malapit sa kanilang pinto.

Kita mo rin ang pagiging cold sa mukha ni Zouie.

Alam naman nila na sila ang may kagagagawan nun dahil nga nasaktan nila 'to.

"Paano na iyan? Hindi man lang siya lumilingon sa atin?" malungkot na sabi ni Seth.

"Eh 'di huwag tayong sumuko. Susuyuin natin siya hanggang sa maging maayos na ang lahat." sabi ni Vin at tumango naman silang lahat.

Sa gilid naman ay makikita mo ang pagiging tahimik ng tatlo. Sina Hance, Nyl at KN.

Nasa malalim silang pag-iisip kung paano sila makakapag-explain kay Zouie.

'Namimiss ko na si Zouie.' bulong na sabi ni Vin sa kanyang sarili.

Nagsisisi sila dahil kung sinabi na nila ng maaga ay hindi na siguro hahantong sa ganito.

'Pero paano kaya nalaman ni Khezia iyon?' Ang nasa isip ni KN habang nakakunot ang noo.

Alam kasi nilang sila lang ang nakakaalam kaya nakapagtataka na nalaman iyon nila Khezia.

'Sana mapatawad mo na kami, Zouie.' sabi ng mga section októ sa kanilang mga sarili.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Zouie's POV

Hindi ko na alam kung anong dapat kung gawin.

Ang sakit. Ang sakit sakit na parang gusto ko na lang magbigti pero alam kong mali iyon.

Alam kung pagsubok lang 'to at ang pagbigti ay hindi dapat ginagawa.

Mahal ko pa ang buhay ko at gusto ko pang mabuhay kahit na gaano kahirap.

Pero ang sakit sakit pa rin! Parang namamanhid na ang sarili ko sa sobrang sakit.

Putangina lang talaga.

May dapat pa ba akong malaman? Sana malaman ko na ang lahat para isang bagsakan na lang.

Nagpatuloy akong umiyak dito sa garden habang yakap yakap ang mga binti ko.

Habang umiiyak at sakto namang bumuhos ang malakas na ulan pero hindi ko inalintana iyon.

Hinayaan ko na lamang na mabasa ako ng ulan.

Ang ganda ng timing dahil parang dinadamayan niya ako sa sakit na nararamdaman ko.

Gusto ko munang manatili sa gitna ng ulan para kahit papaano ay walang makakita sa sakit na nararamdaman ko at sa luha kong patuloy na umaagos sa mata ko.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon