Chapter 38

3.5K 142 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 38

Zouie's POV

Lumipas na ang mahigit isang linggo at sinasabi nilang nagdadrugs daw ang babae.

Pero hindi raw nila alam kung saan niya nakukuha kaya pinaiimbestigahan pa rin ngayon.

Lumalabas din na suicide raw ang nangyari base na rin daw sa mga laslas niya sa pulso na itinanggi ng mga kaibigan niya.

Base sa kanila ay napakalabong ginawa niya ang mga sinasabi sa kanya dahil hindi naman daw yun ugali ng kaibigan nila.

Pero syempre, walang naniwala sa kanila.

Mabilis na bumalik sa normal na gawain ang mga estudyante rito matapos malaman ang nangyari.

Pero kami nila Ysa at ang buong section októ ay hindi naniniwala dahil napakalabo ng mga ipinaratang nila sa babae.

Unang una na yung drugs na napakaimposibleng meron dito lalo na't walang nakakalabas sa eskwelahan na ito.

"Woi. Kanina ka pa diyan tulala." siko sa akin ni Vin na ikinaingos ko.

"May iniisip lang." sabi ko.

"Sino? Yung crush mo?" tanong niya na ikinalingon ko sa kanya.

May crush ako? At sino naman? Di man lang ako nainform.

"At sino naman ang crush ko? Hindi ko alam na may crush pala ako." sabi ko at sumeryoso naman siya.

"Hindi ba, si Hance?" tanong niya na ikinatigil ko.

Ewan ko pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa narinig ko ang pangalan niya.

"See? Hindi ka nakaimik." sabi niya na ikinabalik ko sa ulirat.

Agad naman akong umiling at nag-iwas ng tingin.

"Hindi ah. Hindi ko yun crush at wala akong crush." sabi ko pero hindi naman siya naniwala.

"At sino naman ang niloko mo? Halata sayo." sabi niya pero umiling ulit ako.

"Wala nga akong crush sabi. Ito, ang kulit!" inis kong sabi.

"Sige lang. Deny pa. Pero binabalaan kita, huwag na huwag mong hahayaan na mahalin mo si Hance." seryoso niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya.

Totoo talagang seryoso siya na ikinataka ko.

Bakit naman ganun ang sinabi niya?

"Bakit naman?" tanong ko pero nag-iwas lang siya ng tingin.

"Basta. Basta sundin mo na lang ang sinabi ko." sabi niya kaya mas lalo ko siyang kinulit.

"At bakit? Sabihin mo kasi ang reason mo at baka masunod pa kita." sabi ko pero umiwas lang siya ng tingin.

Kukulitin ko pa sana siya ng biglang dumating na ang prof namin.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon