Enjoy Reading!!!
CHAPTER 3
Zouie's POV
"Sino ka?!"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na kulay red ang buhok habang may hawak na isang baseball bat.
"Sino ka sabi! Paano ka nakapasok sa dorm ko?!"
Napangiwi na lang ako sa lakas ng boses ng bahay na ito.
Hindi ba nito alam ang salitang mahinahon?
"Chill." sabi ko at mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.
"Huwag mong sabihing chill dahil makakatikim ka talaga sa akin. Ang sabi ko, sino ka at paano ka nakapasok sa dorm ko?!"
Binaba ko naman ang hawak kong sandok at humarap sa kanya ng maayos.
"Ako si Zouie Raine, pero Zouie for short. Ako yung kahati mo ngayon sa dorm na ito kasi kakatransfer ko lang kanina."
Nangunot naman ang noo niya pero di kalauna'y inibaba niya ang baseball bat niya.
"Totoo? Bakit hindi man lang ako nainform?" nakakunot niyang noo pero nagkibit balikat naman ako.
"Malay ko sayo." sabi ko at sinamaan naman niya ako ng tingin kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya dahil kung nakakamatay lang ang tingin niya, kanina pa ako nakabulagta.
"Kung gusto mo, sasamahan kita kay Madam Sapphire para mapaniwalaan mo yung sinasabi ko." sabi ko sa kanya habang abala sa pagluluto.
Naramdaman ko naman na naglakad siya sa kabilang side at umupo.
"No need. Nagulat lang naman ako dahil alam kong mag-isa lang ako dito tapos hindi man lang nila ako ininform na may makakasama na ako ngayon sa dorm na ito. And sorry kung nasigawan pa kita." sabi niya at tumango naman ako.
"I'm Ysabelle Kim by the way. Just call me Ysa." sabi niya at nilingon ko naman siya at nginitian.
"Nice to meet you."
"Same." sabi niya at lumapit sa akin.
"Ano yang niluluto mo? Bakit hotdog lang?" tanong niya sa akin habang nakasilip sa niluluto ko.
Nilingon ko naman siya.
"Ito kasi yung mas mabilis lutuin e." sabi ko at inagaw naman niya sa akin ang sandok.
"Ako na. Upo ka muna doon." sabi niya at tumango naman ako. Umupo ako sa pwesto niya kanina at tumingin sa kanya.
"Paano ka pala napadpad dito?" biglang tanong niya sa akin.
"Aksidente kasing may lumipad na papel sa akin nung nasa bahay ako. Nang buksan ko iyon ay isang mapa pala ng isang academy. At dahil sa kuryosidad ko at sinubukan kong puntahan ito kung totoo nga ba yun. Naghahanap din kasi ako ng school kasi naexpelled ako dahil sa pagiging palaaway at rebelde ko." sabi ko at napatango naman siya.
"E ikaw? Paano ka napadpad dito?" tanong ko at humarap naman siya sa akin.
"Actually, dalawa kami ditong napadpad. Kasama ko yung pinsan ko. Sakto kasing nasa bahay kami ng isa kong kaklase hanggang sa biglang may nakita kaming papel na kakaiba. Nang buklatin namin yun ay nakita namin na mapa pala. At dahil mahilig kami sa mga adventure, sinubukan namin hanggang sa dito kami mapadpad. Kakatransfer lang din namin dito nung nakaraang buwan." sabi niya at tumango naman ako.
Lumipas ang ilang minuto at nakahanda na ang mga pagkain at agad na kaming kumain.
Matapos naming kumain ay pumunta kami ng sala para doon pababain ang kinain namin.
"Alam mo, hindi ko akalaing once na nakapasok ka na dito ay hindi ka na makakalabas pa hangga't hindi ka pa nakakapaggraduate." sabi niya.
Kahit ako ay hindi ko akalain.
"Nagulat ako nung malaman ko yun. Pero naiintindihan ko rin naman kung bakit nila ginawa yun. For safety natin. At saka, napakamysterious din kasi ng academy na ito e. Hindi ka ba nagtataka? Matatagpuan mo lang ito sa gitna ng gubat tapos kailanman ay hindi ko alam na may eskwelahang nag-eexist pala dito." sabi niya at napaisip naman ako.
Totoo naman kasi yung sinasabi niya.
Pero binalewala ko na lang dahil kailangan ko ng papasukan na eskwelahan. Malabo na rin kasing may tumanggap pa sa akin. Nagpapasalamat nga ako na tinaggap ako dito e.
"Inaantok na ako. Sige, tulog na tayo at bukas may pasok pa." sabi ni Ysa at naunang tumayo.
"Sige. Good night."
"Good night din." sabi niya at pumasok na siya sa kwarto niya.
Ako na ang naghugas ng pinggan dahil siya naman na ang nagluto. Napatingin ako sa orasan at 9:00 na pala ng gabi.
Ang bilis ng oras. Hindi ko akalaing 9 na pala.
Nang matapos kong ligpitin ang mga gamit sa kusina ay pinatay ko na ang ilaw at pumunta na rin sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay naghalf bath muna ako. May sari-sarili rin kasing banyo at cr dito sa kwarto namin kaya dito na ako naghalf bath.
Pagkalabas ko ay pumwesto muna ako sa bintana dahil ang lakas ng hangin at nililipad ang kurtina.
Ang presko ng hangin dito.
Habang nagsusuklay ako ng buhok ay may naaninag akong mga tao na naglalakad sa malagubat na parte, malapit sa dorm namin.
Palinga linga sila at nagmukha silang suspicious. Nakakatakot sila kaya agad kong sinarado ang bintana ko pati kurtina at umupo na sa kama ko.
Bakit may mga pagala gala pa sa labas ng ganitong oras?
Ibinaba ko na ang suklay ko at humiga na sa kama.
Bigla akong napaisip kung kumusta kaya ang magiging first class ko bukas? Maayos kaya yung mga kaklase ko? Last section daw kasi ang section ko dahil nga sa ilang beses akong naexpelled.
Hindi ko rin natanong kay Ysa kung alam niya ba yung mga tao doon sa section na yun.
Kinakabahan ako sa magiging first day of class ko bukas. Sana dito na talaga ako makapagbago. Gustong gusto ko na talagang magbago. Pra mapatunayan ko ang sarili ko sa pamilya ko.
Sana mahalin na rin ako ng pamilya ko kasi ako, mahal na mahal ko sila. Gusto kong maranasang mahalin ng isang pamilya dahil matagal nilang ipinagkait sa akin iyon.
Nakakainggit nga yung mga masasayang pamilya diyan e. Kasi ako kailanman ay hindi ko naranasan iyan.
Napatingin ako sa orasan at mag-te-ten na kaya umayos na ako ng higa at natulog.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Misteri / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...