Enjoy Reading!!!
CHAPTER 4
Zouie's POV
Kasalukuyan kaming abala ni Ysa sa pag-aalmusal dahil papasok na kami.
Ang ganda rin pala ng uniform namin dahil long sleeves na white ang pang-itaas at may black necktie tapos may black coat pa. Pati ang palda namin ay color black na twon inches above the knee at white shoes na may nakalabas na white ring medyas na two inches lang.
Ang ganda lang talaga.
Napatingin ako kay Ysa na abala sa pagkain.
"Ano palang section mo, Ysa?" tanong ko at napabaling naman siya sa akin.
Nilunok niya muna ang kinakain niya bago ako sinagot.
"Section tría. Tría is a greek word means three. How about you?"
Oh. Greek word pala ang mga section dito. Greek din kaya ang may-ari nito?
"Section októ." simpleng sagot ko at napatango tango naman siya.
"Not shocking."
"Alam mo ba yung meaning ng októ?" tanong ko dahil ang alam ko lang ay last section iyon dahil nga ilang beses na akong naexpelled.
Napatingin naman siya sa akin.
"Októ means eight. Last section iyon at doon napupunta ang mga taong basagulero at mga palaaway."
Kaya napunta ako doon. Tss.
"Tara na! Malalate na tayo." sabi niya at agad na kinuha ang bag.
Kinuha ko na rin ang bag ko at nakisabay sa kanya.
"Mamaya pala, ipapasyal kita dito para malaman mo ang pasikot sikot dito." sabi niya at tumango naman ako.
Naglakad kami ng ilang minuto hanggang sa bumungad sa amin ang isang gate at nandoon lahat ng mga building. Tinapat ni Ysa ang kanyang I.D at bumukas ng kusa ang gate. Ganun din ang ginawa ko at bumukas din ito.
Nakakamangha ang ganda!
Pagkapasok namin ay agad na lumingon sa akin ang mga estudyante doon kaya medyo nailang ako.
"Don't mind them." bulong sa akin ni Ysa at tumango naman ako.
Naglakad kami hanggang sa tumapat kami sa isang room.
"So, dito na ako ah. Ayun yung room mo oh. Pero mag-iingat ka dahil puro basagulero ang mga nandyan." sabi ni Ysa at tumango naman ako.
"Hindi na kita mahahatid sa room mo dahil may irurush pa ako dito ah. Pero sabay tayo kapag break time. Kita na lang tayo sa cafeteria. Ayun lang naman yung cafeteria oh." sabi niya sabay turo sa isang bahagi nito.
Agad ko naman itong nakita at tinanguan ko si Ysa.
"Sige. Pasok na ako." sabi ko at tumango naman siya.
Agad ko namang tinahak ang tinuro niyang room sa akin. Walang mga nakasulat na section sa mga room kaya hindi ko alam kung anong ibang section dito.
Pagkarating ko doon ay agad akong pumasok at agad kong nadatnan ang isang napakagulong room.
Ano 'to? Hindi ba uso dito ang linis?
Agad namang napatingin sa akin ang mga kalalakihan doon kaya agad akong nailang.
Lahat sila ay masama ang tingin sa akin kaya napataas ako ng kilay.
Anong ginawa ko?
Napansin ko rin na puro lalaki ang mga kaklase ko. Nasaan yung mga babae? Absent ba sila? Mukha pa namang mga siga ang mga kaklase ko.
Agad namang tumayo ang isang lalaki na nakapoker face at naglakad palapit sa akin. Medyo napaatras pa ako dahil sa kanyang aura.
"What are you doing here?" poker face niyang tanong.
Napatikhim naman ako dahil parang napaos ako. Kahit kinakabahan ay pilit akong nagsalita.
"Dito raw yung section ko e. Section októ raw ang section ko." sabi ko at kita ko ang pagpalitan nila ng tingin.
"This is not section októ. So get out!" sigaw niya at tinaasan ko naman siya ng kilay.
"E dito yung tinuro sa akin. Alangan namang niloloko niya ako. At saka bakit ka ba sumisigaw diyan?"
Wala naman akong ginagawa tapos makasigaw wagas. Galit na galit? Gustong manakit?
"Wala kang paki! I said, this is not section októ! Sa kabilang room yung section októ so get out!" sigaw niya at mas lalong lumapit sa akin kaya sa sobrang takot ko ay agad akong tumakbo palabas.
Medyo hiningal pa ako sa pagtakbo at nilingon ko ang room na pinanggalingan ko.
Tangina mo, Mr. Hudas!
Nagpalinga linga ako at nakita kong wala ng mga estudyante sa labas. Kainis!
Talaga bang niloloko ako ni Ysa o sila yung nanggugulo?
Habang abala ako sa pag-iisip ay may nakita akong isang prof na naglalakad papunta sa direksyon ko kaya sa kanya na lang ako nagtanong.
"Good morning, ma'am. Pwede po bang malaman kung saan po dito yung section októ?" tanong ko at napatingin naman siya sa akin.
"Good morning too. So, you're the newbie. Ayan yung section októ oh. Come on, i'm the adviser of that section." sabi niya sabay turo sa room na pinanggalingan ko.
Talagang umusok ang ilong ko ng dahil sa sinabi ni ma'am.
Bwisit! Doon nga talaga at niloko ako ng mga kaklase ko! Tangina! Tama nga yung sinabi ni Ysa.
Uto-uto ka kasi self!
Sinundan ko naman si Ma'am at nakarating kami sa loob. Pagkarating ko sa loob ay nakita ko ang mga nakakalokong ngiti ng mga kaklase ko.
Sinamaan ko naman sila ng tingin lalo na yung hudas na hanggang ngayon ay nakapoker face. Sinamaan ko naman siya ng tingin para damang dama niya na galit ko sa kanya pero hindi man lang nagbago ang tingin niya.
"Good morning class. By the way, I'm Miss Ariela your adviser." sabi niya habang nakaharap sa akin.
"So you have a new classmate. Introduce yourself in the front." sabi ni Ma'am at agad akong pumunta sa harap.
"I'm Zouie Raine Martinez. 16 years old. Nice to meet you." sabi ko at nakita ko naman ang pagpapalitan nila ng tingin at mas lalong tumahimik na parang tanging kuliglig na lang ang naririnig.
"That's all?" tanong sa akin ni Ma'am at tumango naman ako.
"Yes ma'am." tanging sabi ko.
"So, just find and take your sit." sabi ni ma'am at agad naman akong naghanap ng mauupuan.
Pero kung minamalas ka nga naman, iisa na lang ang bakante at sa harap iyon ng hudas. At dahil wala akong choice ay agad akong naglakad palapit doon.
No choice kasi.
Kita ko naman ang pagngisi niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.
Anong nginingisi ngisi mo diyan?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Misteri / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...