Enjoy Reading!!!
CHAPTER 6
Zouie's POV
Nang tumunog na ang bell hudyat na break time na ay agad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo.
Nakakagutom kasi yung mga pinaggagagawa nung hudas na iyon.
Agad ko naman siyang nakita malapit sa pinto na hanggang ngayon ay matalim ang tingin sa akin. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin niya ay kanina pa ako nakabulagta dito sa sahig.
Nang matapos ko ng ayusin ang mga gamit ko ay agad na akong tumayo at naglakad.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay bigla na lang humarang ang hudas sa gitna kaya hindi ako makadaan.
"Excuse me."
Pero tila yata wala siyang narinig dahil hindi man lang siya lumingon sa akin. At hindi man lang siya umalis.
"Excuse me!" malakas ko ng sabi ngayon.
"What? May narinig ba kayo? Parang may nagsasalita atang dwende." sabi ng hudas kaya agad na umusok ang ilong ko.
Ano raw? Dwende? Ako?
Agad ko naman siyang tinulak pagilid kaya agad niya akong tinignan. Nameywang naman ako sa gilid niya.
"Hoy hudas! Sinong tinatawag mong dwende? Ako ba? Hindi ako dwende!" sigaw ko at bigla na lamang siyang tumawa.
"Wala naman akong binabanggit na pangalan ah. Baka natatamaan ka lang." sabi ni Hudas at nagsitawanan naman ang mga kasama niya.
Nag-iinit na talaga ang ulo ko sa lalaking ito e. Wala ng magandang naidulot sa araw na ito kundi puro pambwibwisit.
"E di wow. Hudas!" sigaw ko sa kanya at agad ng umalis pero tanginamers lang talaga.
"Aray ko!" daing ko dahil pinatid ako ng walang hiyang hudas na ito.
"Ops. Hindi ko sinasadya. Nangawit lang ang paa ko kaya inunat ko lang. Sakto namang dumaan ka." pangisi-ngisi niyang sabi at nagsitawanan naman ang mga kaklase ko.
Tangina niyo! Diyan kayo magaling!
Kahit masakit ay pinilit kong makatayo. Ramdam kong dumudugo ang sugat ko dahil sa impak ng pagkakadapa ko.
Bwisit kasi itong hudas na ito!
Nang makalapit ako sa kanya ay pangisi ngisi pa rin siya pero agad itong nawala ng suntukin ko siya sa mata.
"Fuck!"
Kita ko ang gulat sa mga kaklase ko at ang iba pa ay napasinghap pa dahil sa gulat.
Peke naman akong humingi ng tawad sa kanya tulad ng sinabi niya sa akin kanina.
"Ops. Sorry. Hindi ko sinasadya. Nangawit lang ang kamay ko kaya inunat ko. Sakto namang nandiyan ka at paharang harang." sabi ko at agad niya akong sinamaan ng tingin.
"You! I will kill you!" sigaw niya at susugudin na sana niya ako ng bigla akong lumayo sa kanya.
"Go on! Wala akong pakialam gago!" sigaw ko sa kanya at paika ikang umalis.
Rinig ko pang tinanong siya ng mga kasama niya kung okay lang siya at puro mura lang ang sinagot niya.
Napangisi naman ako dahil kung akala niya ay hindi ko siya uurungan, nagkakamali siya. Baka akala niya. Palaaway ako dati 'no.
Nasa bukana pa lang ako ng cafeteria ng agad akong daluhan ni Ysa nang makita niya ang kalagayan ko.
"The heck! What happened to you?!" sabi niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
Nag-iwas naman ako ng tingin.
"May nagtisod lang sa akin na depungal sa room." sabi ko at napa-tsked na lang siya.
"Tara. Punta tayo ng clinic para magamot yang sugat mo. Ang laki pa naman." sabi niya at agad akong inalalayan patungong clinic.
Nang makarating kami doon ay agad na nilinis ng nurse ang aking sugat at iniwan na.
Umupo naman sa gilid ko si Ysa at tinignan ako ng seryoso.
"Sinong gumawa niyan sayo? Ang mga tagasection októ ba?"
Tumango naman ako at napabuntong hininga naman siya.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Hindi pa rin talaga sila nagbabago." sabi niya at bigla na lamang akong napaisip.
May alam kaya si Ysa sa history ng tagasection októ kung bakit galit na galit sila sa akin?
Matanong nga.
"Uhm-Ysa, bakit ba galit na galit sa akin ang mga tagasection októ lalo na yung hudas na iyon?"
Agad namang napakunot ang kanyang noo.
"Ha? Sino ba yang hudas na kanina mo pa binabanggit?" takang tanong ni Ysa sa akin.
Bumuntong hininga naman ako dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya. Apelyido lang.
"Hindi ko alam ang pangalan niya, apelyido lang. Eliezar daw ang apelyido niya." sabi ko at napa-tsked naman si Ysa.
"Si Hance 'yan! Siya lang naman ang kilala kong Eliezar ang apelyido at hari ng mga room nila. Sila kasi ang nagsisilbing hari nila doon." sabi ni Ysa at napatango-tango naman ako.
Hance pala ang pangalan ng hudas na iyon. Bagay sa kanya.
"Kaya galit na galit sayo ang section októ dahil ayaw na ayaw nila ng may new transferee." dagdag niya kaya nagtaka naman ako.
"Ha? Bakit naman?"
Nagkibit balikat naman siya.
"Hindi ko rin alam pero ang alam ko lang ay ayaw na ayaw nilang nagkakaroon ng new transferee sa room nila. Lahat daw ay ginagawa nila, mapatalsik lang ang mga nagtratransfer sa kanila. Binubully, sinasaktan o kung ano ano pa na makapag-aalis sa transferee. At nagtatagumpay naman sila." kwento niya at napaisip naman ako.
Bakit naman ganun na lang nila kaayaw sa mga new transferee?
"Kakatransfer lang namin last month kaya hindi ko alam ang rason. Basta ang alam ko lang ay puro kalalakihan lang ang mga nandoon."
"Ha?! Walang babae maski isa?" gulat kong tanong at tumango naman siya.
Bakit? Akala ko pa naman ay absent lang. Ibig sabihin ay wala akong magiging kakampi doon. Malas!
"Ayun nga, kilala sila bilang basagulero at wala silang sinasanto. Naparusahan na sila ng ilang beses pero hindi sila nadadala kaya ang mga guro na mismo ang sumuko sa kanila. Hindi rin sila naeexpelled dito dahil tinotolerate nila ang mga ganoong ugali. Pero ayaw na ayaw talaga nila sa mga new transferee. Ang kwento kasi ay may dati raw diyang nagtransfer at may nangyari raw at ayun ang hindi ko alam. Masyado raw atang natrauma ang mga tagasection októ." sabi niya at napatango tango naman ako.
Ano kaya iyon at ganoon na lang ang pakikitungo nila sa akin? Ganoon ba kalaki ang ginawa nung transferee na iyon para maging ganito sila sa iba pang transferee.
"Kaya mag-iingat ka okay. Hindi mo alam kung anong kaya nilang gawin sayo." sabi ni Ysa at ngumiti naman ako.
"Salamat sa pag-aalala." sabi ko at ngumiti naman siya. Ngayon ko lang kasi naranasang may mag-alala sa akin at masarap pala sa feeling.
Sana lang talaga ay kayanin ko ang mga section októ lalo na sa mga nalaman ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Misterio / SuspensoZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...