Chapter 31

3.9K 153 0
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 31

Zouie's POV

Ramdam ko ang tila pamamanhid ng katawan ko lalo na sa likod.

Ramdam ko rin na tila ba'y may bagay na nakasakop sa ilong at bibig ko.

Ramdam ko rin na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kaliwang kamay ko.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at medyo nasilaw pa ako sa liwanag pero nang mag-adjust ang paningin ko ay bumungad sa akin ang puting kisame.

Huh? Nasaan ako?

Agad kong nilibot ang paningin ko sa loob at napagtanto kong nasa clinic na naman ako.

Na naman.

Pero bakit ako mapupunta sa clinic? Wala naman akong maalala para mapunta ako sa clinic.

Ramdam ko na may nakasakop sa bibig ko at ilong ko at doon ko lang napagtanto na may oxygen mask ako.

Napatingin ako sa kamay ko at may nakasipit na isang bagay sa hintuturo ko.

Doon ko lang din napansin na may nakahigang tao sa kaliwang kamay ko kung saan may nakatusok na IV.

Pinagmasdan ko ang lalaking hindi ko mamukhaan dahil nakasubsob ang mukha niya sa kamay ko habang hawak niya ang kamay ko.

Brown hair?

Doon ko lang napagtanto sa kulay brown niyang buhok na si KN pala ito!

Nakakapanibago! Pero akala ko ba ay galit siya sa akin.

Unti-unti kong inangat ang kamay ko at agad na hinawakan ang ulo niya at nagulat naman ako ng bigla siyang gumalaw.

Tuluyan na siyang nagising at papungas pungas pa siya.

Nag-inat pa siya at nanlaki naman ang mata niya ng makita niyang gising na ako.

"Zouie! I'm glad that you're awake!" sigaw niya at bigla akong sinugod ng yakap.

Agad naman akong napadaing ng maramdaman kong bigla na lang may kumirot sa tagiliran ko.

"A-aray.."

Agad naman siyang bumitaw sa yakap at humingi ng sorry sa akin.

"I'm sorry. I'm just glad that you're finally awake." sabi niya.

Nagtataka naman ako dahil sa inaasta niya.

Ano ba talaga ang nangyayari? Diba dapat galit siya sa akin? Diba ayaw niya akong makausap o makita man lang.

Nakita niya ata na bakas sa mukha ko ang pagtataka kaya natawa siya.

"I know that you're confused. I'm sorry. I just want you to know that, I'm not mad at you, anymore." sabi niya at mas lalo akong nagtaka.

Wala naman kasing dahilan para bigla na lang mawala ang galit niya.

"I'm not mad at you anymore because I already realized that I shouldn't be mad at you especially that, it is not your fault. By the way, thank you for saving me. But, why did you saved me?" tanong niya.

Ah kaya pala hindi na siya galit sa akin. Pero masaya ako na hindi na siya galit sa akin.

"Ah, yun ba? Hindi ko naman kasi kayang makita kong nasa panganib ang isang tao tapos hahayaan ko lang. Alam ko naman na meron akong magagawa kaya niligtas kita." sabi ko at bigla na lang siyang nainis.

"By sacrificing yourself? Mas hahayaan mo na isakripisyo mo ang buhay mo para sa iba kahit na hindi mo kadugo?!" inis niyang tanong kaya nagtaka naman ako.

Ang bipolar naman ata nito.

"Alam mo, KN... mas gugustuhin kong ako ang mapahamak kaysa ang iba lalo na kapag nasaksihan ko 'to. Hindi kasi kaya ng konsensya ko na masaktan ang iba lalo na kapag saksi ako sa insidenteng iyon. Kaya kong isakripisyo ang buhay ko alang alang sa iba." sabi ko at lumambot naman ang mukha niya.

"What if you die because you sacrifice yourself?"

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Eh di mabubuhay ako ng masaya. At least, alam kong may nailigtas ako, masaya na ako doon." sabi ko at bigla na lang siyang sumimangot.

"Bakit ba hindi ko ito nakita sa'yo? Kaya tuloy galit na galit ako sayo kasi akala ko parehas mo ang kambal." sabi niya at napatingin naman ako sa kanya.

"Ganun ba talaga kasama sina Ate at Kuya dito?" tanong ko sa kanya at bigla na lang nandilim ang mukha niya na muntik ko ng ikaatras.

"Yeah. Mas daig pa nila ang mga demonyo sa sobrang sama. Kaya nga lahat ng tao ay niyuyukuan sila o kaya'y takot na makabangga dahil alam nila ang kaya nilang gawin." sabi niya habang nakatiim bagang.

Tumingin naman siya sa akin at nagtaka.

"Bakit? Iba ba ang pinapakita nila sa'yo sa iba? Mabait ba sila sayo?" tanong niya at hindi ko naman maiwasang hindi makagat ang pang-ibabang labi ko.

Dahil alam ko sa sarili ko na mas masama ang ginagawa nila sa akin pero kahit ganun ay mahal ko pa rin sila.

Mahal na mahal.

Baka kasi may rason lang sila kaya nila ginagawa sa akin iyon. Siguro nakaranas ako ng tampo sa kanila pero ang galit... wala ata.

Ganun ko kasi sila kamahal at handa akong patawarin at mahalin sila sa kabila nun.

"Bakit hindi ka nakasagot? Ganun ba rin ang ginagawa nila sayo?" tanong niya sa akin at napayuko naman ako.

"Oo, ganun din ang turing nila sa akin." sabi ko at nagtaka naman siya.

"But why? Hindi ba pamilya kayo? Hindi ganun ang trato ng isang pamilya." sabi niya at hindi ko maiwasang hindi sumang-ayon sa kanya.

"Hindi ko rin alam ang dahilan nila. Pero kahit ganun, mahal ko pa rin sila." sabi ko at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Hindi ko alam pero hindi ko akalaing ganun din ang trato nila sayo samantalang pamilya ka nila. Ibang iba ka nga sa kanila lalo na sa pag-uugali dahil kahit na hindi maganda ang ginawa namin sa'yo, hindi mo man lang kami kinagalitan o kaya'y binawian. Hindi ka man lang gumanti sa amin." sabi niya at ngumiti naman ako.

"Hindi ko naman kayang bumawi o kaya'y maghiganti e. Alam ko kasi na masamang maghiganti kahit na masama o masakit ang ginawa niya sa'yo. Lahat naman ng tao ay may rason kung bakit sila gumagawa ng masama pero sana, kahit na may rason sila ay hindi sila gumagawa ng masama. Hindi ko lang talaga kaya na maghiganti kasi mas gugustuhin kong ako na lang ang maapi kaysa gumanti." sabi ko at kumalas naman siya sa yakap.

"You're so unbelievable. You're making me amaze with you." sabi niya at napangiti naman ako.

Sana maging close na rin kami ni Ate at Kuya.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon