Chapter 1

8.6K 265 24
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 1

Zouie's POV

Kanina ko pa tinatahak ang matalahib na gubat na ito. Ito kasi ang nakalagay dito sa mapa. Sa gubat daw matatagpuan.

Astig din ang utak ng may-ari nito diba? Ang daming lugar na pwedeng pagtayuan sa gitna pa ng gubat.

Hindi na sana ako tutuloy pero may nag-uudyok sa akin na tumuloy. Nang dahil sa kuryosidad ko ay tumuloy ako kahit na medyo natatakot ako.

Kanina pa ako palakad lakad pero hindi ko pa rin ito mahanap. Hindi ko rin alam kung naliligaw na ba ako o hindi.

Ang sakit na ng paa ko!

"Arrgh!" sipa ko sa isang bato pero kung minamalas ka nga naman.

Napasplit ako. Tangina!

Kahit masakit ay sinikap kong tumayo. Ang sakit kingina!

Pero pag-angat ko ng tingin ay may nakita akong isang gate na hindi kalayuan sa pwesto ko.

Hindi ko masyadong makita dahil madilim kaya kahit masakit ang paa ko ay naglakad ako palapit.

Pero nagulat ako nung makalapit ako.

Tangina! Eskwelahan ba iyan?! Bakit mukhang haunted school?!

Yung itsura niya kasi ay makalawang na gate na napapalibutan ng mga matataas na pader. May isang malaking karatula rin na may nakalagay na Hades Academy pero malapit na ring mabura.

May nag-aaral pa ba dito? Paano kung may multo dito?

Pero hindi ko makita yung loob kaya lalapitan ko muna para makita kung ganoon din sa loob kasi hindi ko nga makita.

Maglalakad na sana ako palapit doon ng tangina...

Natisod ang putik!

May isang bato pala sa dadaanan ko at hindi ko nakita kaya ang ending ay natisod ako.

Ang malas ko naman ata ngayon?!

Nilibot ko muna ang tingin ko kung may nakakita at nagpapasalamat ako na wala.

Pagkalapit ko ay agad akong lumapit sa gate para silipin pero wala talaga akong makita.

Aalis na lang ata ako?

Mali ata kasi ang ginawa ko. Dapat hindi ko ito pinuntahan.

"AHH TANGINA!"

Napasigaw ako sa gulat dahil may bigla akong narinig na parang huni ng isang... wolf?

Jusko po! Aalis na po ako! Sana at makalabas ako dito dahil ayaw ko pang mamatay! Palaaway ako pero ayoko pang mamatay!

Ngunit pagpihit ko paalis ay napasigaw ulit ako dahil sa gulat.

"TANGINA!" sigaw ko pero agad akong napatakip sa bibig ko.

"Sorry po." hingi ko agad ng tawad sa isang manong na biglang lumitaw sa likod ko na siyang ikinagulat ko.

"It's okay. I'm sorry if I scared you." sabi niya at nagpilit naman ako ng ngiti.

Pinagmasdan ko naman ang kabuuan niya at mukha siyang janitor. Yung suotan niya kasi ay pangmukhang janitor tapos may dala siyang walis tingting at may nakasabit na tuwalya sa balikat niya. Madungis na rin siya.

"So, what are you doing here?" biglang tanong niya na ikinakurap ko.

Tinignan ko naman ang academy na ito na mukhang haunted na at wala ng nag-aaral pa.

Humarap naman ako kay manong at ngumiti.

"May nakita po kasi akong mapa na nagsasabing mapa ng Hades Academy. Sinubukan ko pong puntahan ito at nagbabakasakaling mag-enroll kahit na hindi ko pa ito nakikita. Naexpelled po kasi ako at gusto kong mag-enroll at magbagong buhay na. Pero nagulat ako na mali ata ako ng pinasok dahil mukhang haunted na pala ang eskwelahang ito." paliwanag ko at nakita ko naman siyang natawa.

May nakakatawa ba?

"No. You're wrong. Hindi haunted ang academy na iyan. Actually, galing ako diyan sa loob at may tinapon lang ako sa labas. Maraming estudyanteng nag-aaral diyan." sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Talaga po? Eh mukhang haunted na po e. May gumusto pa rin pong pumasok diyan?" takang tanong ko at tumango naman siya.

"Of course. Ganyan lang talaga ang itsura niyan sa labas but actually, maganda at maluwag sa loob." sabi niya at napatingin naman ulit ako sa academy na ito.

So, sa labas lang ganito?

"So, you want to enroll in this academy? Tara. Sasamahan kita sa loob para makapag-enroll ka na. Tumatanggap din kasi ang eskwelahan na ito ng mga naexpelled na." sabi niya.

Wow. Tumatanggap talaga sila ng mga expelled tulad ko?

Medyo nag-aalinlangan pa ako nung una pero pumayag din naman na ako.

"Come with me. I'll bring you to the dean's office." sabi niya at tumango naman ako.

Kanina ko pa nga napapansin ang pag-eenglish ni manong eh. Hindi halata sa kanya pero english siya ng english at tama rin ang grammar.

Samantalang akong nag-aaral ay bihirang makapag-english. Sana all na lang.

May pinindot si manong sa may gate at di kalauna'y bumukas ito. Pagkabukas ay sumalubong sa akin ang isang preskong hangin.

Ang sarap sa pakiramdam.

Pagkapasok namin ay puro puno ang mga nakita ko. Parang ganito lang sa labas.

Naglakad naman si manong at sinundan ko siya.

Academy ba talaga ito? Bakit parang gubat pa rin.

Pero makalipas lang ng ilang minuto ay namangha ako sa bumungad sa akin. Isang malawak na field at maaliwalas na tanawin.

May nakatayo ring office na may nakalagay na dean's office.

Naglakad si manong patungo doon at sinundan ko naman siya.

Tama nga si manong. Sa labas lang ang ganoong itsura pero malayo yun sa itsura sa loob. Parang kadiliman sa labas pero dito ay napakaliwanag.

Ang ganda at ang luwag ng lugar. Pero ang problema ay wala pa akong makitang mga eskwelahan. Para kasi itong soccer field. At ang luwag pa ah. Hindi rin naman mainit ngayon dahil medyo nagtatago si amang araw.

Sinenyasan naman ako ni manong na pumasok na raw sa dean's office.

Sana ay makapasok ako dito. Gusto ko na talagang magbagong buhay. Gusto kong patunayan ang sarili ko na nagbago ako. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para maipagmalaki na ako ng pamilya ko.

Pagkapasok ko sa loob ay may nakita akong isang babae na sa tingin ko ay nasa 30 years old pero maganda siya. At ang kinis din ng balat.

May binulong doon si manong at tumango naman ang babae at tumingin sa akin.

Medyo nahiya pa ako nung una dahil feeling ko ay napakahaggard ko ngayon.

"Have a sit."

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon