Chapter 53

3.6K 140 1
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 53

Zouie's POV

Ramdam ko ang pangingirot ng ulo ko kaya unti-unti kong dinilat ang mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame kaya agad akong napabalikwas ng bangon.

"ZOUIE!" sigaw ng kung sino man kaya agad akong napalingon sa pinanggalingan nun.

Napahinga naman ako ng maluwag ng makitang si Kuya Kurt pala ang biglang sumigaw sa akin.

Agad naman akong napahawak sa ulo ko dahil sa naramdamang kirot.

"Lay carefully." sabi ni Kuya Kurt sa akin at inalalayan ako.

Napabalikwas ako ng bangon dahil akala ko ay nandun na naman ako sa lugar kung saan kung ano anong kinabit nila sa katawan ko.

Puti rin kasi ang kisame na bumungad sa akin nun.

"Zouie..."

Napatingin naman ako sa tumawag sa akin at agad kong nakita ang buong section októ na malungkot na nakatingin sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin ng makita ko sila.

Anong ginagawa nila dito?

Napatingin naman ako kay Kuya Kurt ng maramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.

"Labas muna ako." sabi niya pero agad akong umiling.

"Huwag mo akong iwan." bulong ko sa kanya pero ngumiti naman siya sa akin.

"You should try to talk to them and hear them out." sabi niya at hinalikan ako sa noo at nagpaalam na umalis.

Napayuko naman ako dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang mga kaklase ko na nanakit sa akin.

Agad namang tumabi si KN at Vin sa akin.

"Kumusta ka na? Okay ka na ba?" tanong nila at napakagat naman ako ng labi.

Naiiyak ako sa paraan ng pagtatanong nila. Ganyan na ganyan sila dati e pero hindi naman pala totoo.

Natatakot na akong magtiwala.

Pero tama rin siguro si Kuya Kurt na pag-explainin ko sila. Tutal nanganib na ang buhay ko at isa sa kanila ang lumigtas sa akin.

Si Hance.

Napatingin naman siya sa akin at seryoso siyang nakatingin sa akin pero tumayo siya at lumabas.

"Nag-alala kami sa'yo." sabi ni Vin kaya napatingin ako sa kanya.

Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita.

"Binibigyan ko na kayo ng chance na mag-explain tungkol sa ginawa niyo sa akin." sabi ko at agad namang nanlaki ang mata nila dahil sa gulat pero agad naman silang bumawi.

Tumikhim naman si Vin bago nagsalita.

"Sorry, Zouie.. sa ginawa namin. Actually, alam namin pero hindi namin nasabi sa'yo. Hindi kami sumama ni KN sa plano nila kasi lahat ng pinapakita namin sa'yo ay totoo. Hindi lang iyon palabas na inaakala mo. Totoo lahat ng pinapakita namin sa'yo. Alam kasi namin na totoo ka kahit na nung umpisa ay medyo nagduda kami sa'yo kasi nga yung mga kapatid mo ay magaling umarte. Inakala naming ganun ka rin dahil kapatid mo sila. Pero habang tumatagal ay napatunayan naming hindi mo sila katulad." sabi niya at bigla ko tuloy silang naisip.

Nang dahil sa kanila ay nakaranas ako ng ganito. Nang dahil sa ginawa nila.

"Hindi ko naman kasi sila kapatid." wala sa sarili kong usal kaya naman nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si KN at Vin.

"Ano?! Hindi mo sila kapatid?" tanong niya at tumango naman ako.

"Paanong nangyari yun?" takang tanong ni KN.

"Narinig ko silang nag-uusap tapos tinanong ko sila kung totoo ba iyon at doon sila umamin." sabi ko at bakas pa rin ang gulat sa mukha nila.

"Sa tingin ko ay si Kuya Kurt ang kuya ko dahil sa mga parehas naming features at saka, may mga memorya akong naaalala sa tuwing may sinasabi siya sa akin."

"The hell! Ang dami palang nangyaring hindi namin alam." sabi nila at tumango naman ako.

"So all this time, mali ang ginawan nila ng plano. Sorry about that, Zouie." sabi ni KN at ngumiti naman ako.

"Oo na." sabi ko at sinugod naman nila ako ng yakap kaya napangiti ako.

"Zouie... pakinggan mo rin kami oh." sabi ni Seth kaya agad akong napalingon sa kanila.

Nandito pala sila kanina pa pero hindi man lang namin napansin.

Hinayaan ko naman silang mag-explain. Iniexplain nila at sumali nga sila sa planong iyon pero habang tumatagal ay nawala na rin iyon at naging totoo na raw ang pinapakita nila dahil tingin nila ay hindi raw ako nagpapanggap.

At humingi rin sila ng tawad tulad ni KN at Vin.

Pinatawad ko na rin naman sila at agad nila akong sinugod ng yakap.

Pinatawad ko na sila dahil gusto ko ng matapos ang sakit na 'to. Gusto ko ng maging maginhawa ang pakiramdam ko at wala ng kinikimkim pang sakit.

Habang nasa panganib ako ay naisip kong walang magagawa kung mananatili akong malamig sa kanila.

Kasi paano na lang kung namatay ako diba? E di hindi man lang naging maginhawa ang pakiramdam ko.

Tama si Kuya Kurt na dapat pakinggan ko sila at saka ako magdedecide kung patatawarin ko sila o hindi.

Pero kahit pinatawad ko na sila ay hindi muna ako masyadong magtitiwala ng ganun.

Nakakatakot kasing masira na naman ang tiwala mo e.

Pero kahit ganun, naging maluwag na ang pakiramdam ko dahil nagpatawad ako. Nawala na yung parang harang sa dibdib ko.

Napagtanto kong pare parehas lang kami ng pinagdaanan. Nang dahil sa sakit na dinulot nila Ate sa kanila ay gumawa sila ng plano pero mali nga lang sila ng pinaggawan ng plano.

Lumabas naman sila at nakita kong pumasok si Hance habang nakapamulsa.

Umupo naman siya sa tabi ko at tumikhim.

"I'm sorry..."

"Thank you..."

Magkasabay naming sabi kaya nagkatingin kami.

"Ikaw muna mauna." sabi ko at tumango naman siya.

"I'm sorry for what I've done. Believe it or not, habang tumatagal ay nawala na ang planong ginawa namin sa'yo. Everything that we did to you and showed to you was real. So, i'm sorry." sabi niya at tumango naman ako.

"Inexplain na nila sa akin. Naiintindihan ko naman kahit na masakit pa rin yung ginawa niyo sa akin." sabi ko kaya namayani ang katahimikan sa amin.

"Thank you nga pala sa pagligtas mo sa akin. Kung hindi dahil sayo ay baka nahuli na naman nila ako ulit." sabi ko at ngumiti naman siya.

This time, it was genuine smile.

"Wala yun. I will do everything just to protect you and keep you safe." sabi niya at naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kahit kailan ay napakatraydor nitong puso ko.

Bakit kasi ang rupok ko?!!!

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon