Enjoy Reading!!!
CHAPTER 45
Zouie's POV
Ang kaninang masayang nagsasayawan ay napalitan ng gulo at awayan.
Tangina...
"Ikaw! Kanina pa ako nagtitimpi sa'yong gago ka!" sabi ng isang lalaki habang pilit siyang inaawat ng iba niyang kaklase.
"Tangina mo! Papatayin kita!" sigaw naman ng isang lalaki sa kabilang section.
"Oo. Kukunin ko na ang bag mo." sabi ng isang babae na para bang robot.
Marami silang nagkakaganun at hindi ko alam ang dahilan.
Base rin sa itsura nila ay parang wala sila sa tamang isip dahil mukha silang mga zombie.
Maputla ang mga mukha nila at ang mata nila ay parang hindi kumukurap.
Kung posible man 'yun.
Pilit silang inaawat ng mga nasa matitinong isip habang kami ay nandito at nakatunganga at hindi alam kung makikiawat ba kami o hindi.
Ano bang nangyayari at nagkakaganyan sila?
Ang daming umiiwas dahil sa takot at ang iba naman ay naglakas loob na makiawat.
Hinatak naman na paalis lahat ng mga nagwawala at kaming mga nagulat sa pangyayari ang naiwan.
Bigla namang umakyat sina Ate at Kuya sa stage para kuhanin ang atensyon namin.
"Good evening everyone, I'm sorry for that chaos. Huwag kayong mag-alala at lulutasin namin kung ano mang nangyari. Again, I'm really sorry and just continue the party." sabi ni Ate at umalis na sila.
Napuno naman ng bulungan ang buong gymnasium.
"The hell?! Ano ba talagang nangyari?"
"Pagkatapos lang nilang inumin ang wine ay nagkaganun na sila."
"Anong meron sa wine na 'to?"
"Huwag na nating inumin 'to!"
"And they just tell us that we should continue the party?"
"Oo nga. Magpapatuloy tayo na parang walang nangyari?"
Mga bulungan nila pero mababakas mo sa mukha nila na nagulat at natakot din sila sa nangyari.
Napatingin naman ako sa wine na nasa mesa namin at hindi ko maiwasang hindi magtaka.
Ano bang meron dito sa wine na ito at sinasabi nilang nag-umpisa iyon matapos nilang inumin ito?
Napatingin naman ako kay Hance at seryoso lang siya habang nakatingin sa wine.
"May alam ka ba sa nangyari Hance at kaya hindi mo kami pinayagang uminom?" tanong ko sa kanya kaya napatingin ang mga kaklase ko sa akin at sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Mystery / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...