Chapter 46

3.6K 144 5
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 46

Zouie's POV

Nagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw kaya tinignan ko ang oras at mag-se-seven o clock na pala.

Agad naman akong napabangon ng mapagtanto ko kung anong oras.

Tangina! Malelate na ako!

Agad akong tumakbo papuntang banyo at nagmadaling maligo. Pagkalabas ko ay nagulat pa ako ng madatnan ko si Ysa sa mesa.

"Oh. Gising ka na pala. Ayos ka lang?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Oo naman syempre. Bakit naman ako hindi magiging maayos?" tanong ko at taka naman niya akong tinignan.

"Hindi mo ba naaalala yung nangyari kagabi? Hinimatay ka at sobra ang pag-aalala ng mga kaklase mo kaya dinala ka nila sa clinic pero dinala ka na lang nila dito dahil sabi ng nurse ay kulang ka lang daw sa pahinga." sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Oo nga pala! Nakalimutan ko agad.

Naalala ko na ang mga nangyari kagabi.

"Okay ka na ba?" tanong niya at tumango naman ako.

Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtantong malelate na nga pala ako.

"Hindi ka pa papasok?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya.

"Mamaya muna kasi may gagawin pa ako. 8:30 din naman yung schedule ko dahil wala kaming first subject ngayon." sabi niya at tumango tango naman ako.

"Oh sige. Mauuna na ako kung ganun." sabi ko at agad na kumuha ng sandwich sa mesa at agad na lumabas.

Malapit na sana ako sa room namin ng biglang may humarang sa aking isang nerd na babae kaya nagtaka ako.

"M-may kailangan ka miss?" tanong ko sa kanya pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko.

"Makinig kang mabuti sa akin. Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa'yo. Ang mundong kinagagalawan natin ay puno ng mga mapanlinlang at mapagpanggap. Kaya huwag kang madaling magtiwala." sabi niya at iniwan akong tulala.

Kingina. Ano yun?

Ewan ko pero bigla akong kinilabutan sa sinabi niya at saka kinabahan din ako.

Pero totoo naman ang mga kaibigan ko sa akin diba?

Umiling iling ako para mawala sa isip ko iyon at dumiretso na ako sa room.

Nagulat naman ako ng bigla nila akong lapitan.

"Zouie, okay ka lang?"

"Nag-alala kami sa'yo!"

"Oo nga! Bigla ka na lang hinimatay!"

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Ayos na ako. Huwag kayong mag-alala." sabi ko at bigla naman nila akong sinugod ng yakap.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon