Enjoy Reading!!!
CHAPTER 17
Zouie's POV
Kakausapin ko sana kanina si KN dahil mukhang may iba dahil hindi rin siya tumabi sa akin ngayon.
Kakausapin ko na sana siya pero biglang dumating na yung prof namin kaya wala akong nagawa kundi manatili sa pwesto ko.
Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay KN dahil kung dati ay puro siya nakangiti, ngayon naman ay napakablangko ng mukha niya.
Hindi niya ako binati nung pumasok siya, hindi rin niya ako tinignan kahit saglit lang at mas lalong hindi niya ako tinabihan sa upuan.
Anong nangyayari?
Pagkatunog ng bell hudyat na break time na ay aalis na sana si KN pero nagmadali akong humarang sa daraanan niya.
Tinignan niya lang ako at aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"KN, may p-problema ba?" takang tanong ko pero inalis niya lang ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"Get out of my way." malamig niyang sabi kaya hindi ko maiwasang masaktan.
Nasaan na ang KN na kilala kong masaya?
"May ginawa ba akong masama? Sabihin mo naman oh." halos magsumamo na ako sa kanya pero hindi nawawala ang lamig sa tingin niya sa akin.
"Hindi ka ba nakakaintindi? I said get.out.of.my.way." madiin niyang pagkakasabi pero umiling ako.
"Hindi. Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung anong problema." sabi ko at narinig ko namang nagsalita si Vin.
"Zouie, pabayaan mo muna si KN. Baka wala lang siya sa mood." sabi ni Vin pero hindi ko siya pinakinggan.
"KN naman..."
"I don't want to see your face so just get out of my sight." malamig niya pa ring sabi.
Puno naman ng pagtataka ang isipan ko. Bakit ba ayaw niya akong makita o kaya'y kausapin?
"Ano nga ba kasing ginawa ko at ayaw mo kong makita o makausap? Okay naman tayo diba? Wala naman akong maalalang ginawa ko para ikagalit mo ng ganyan." naiiyak ko ng sabi dahil sobra na talaga ang kaba at kalituhan sa buong katawan ko.
"I said I don't fvcking want to see your face! Just get out of my sight! Ano bang mahirap intindihin doon ha?! Tanga ka ba?!" galit na galit na sabi niya kaya napaigtad ako sa sobrang lakas ng sigaw niya.
Ang sakit masabihan ng tanga kahit ilang beses ko na itong narinig sa pamilya ko.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at wala akong nagawa kundi umatras dahil nakakatakot siya. Kitang kita mo sa mga mata niya ang nag-aapoy na galit na hindi ko alam kung anong dahilan nun.
Kinulong niya ako gamit ang dalawa niyang braso at tinignan ako ng malamig.
"Shit, awatin niyo!"
"Baka anong gawin ni KN kay Zouie."
Rinig kong bulungan nila pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at tinignan ko lang ang pinaghalong malamig at nagbabagang apoy sa mata niya.
"Ayaw na kitang makita o kaya'y makausap pa. Kung dati ay kaibigan ang turing ko sa'yo ngayon ay asahan mong tinatapos ko na iyon. Ayaw na kitang makita but too bad, kaklase ka namin kaya wala akong magagawa kundi iwasang makita iyang pagmumukha mo. Ayokong makita iyang pagmumukha mo kaya kung pwede, pakialis ng mukha mo." sabi niya at tuluyan ng umalis.
Ang sakit naman ng sinabi niya. Wala akong maalalang may ginawa akong mali para saktan niya ako ng ganoon.
Nakita kong nakatingin ang mga kaklase ko sa akin at puno ang awa ang makikita mo sa mga mata nila.
Umiwas na ako ng tingin at lumabas na. Namalayan ko na lang na nasa garden pala ako dinala ng mga paa ko.
Umupo ako sa may damo at doon humagulgol. Ang sakit. Parang tinusok ng ilang libong karayom ang puso ko.
Bakit ko ba ito nararanasan? Akala ko ay dito ko mararanasan ang pagmamahal na matagal ko ng gustong maramdaman pero nagkamali ako.
Naiiyak pa rin talaga ako lalo na't kapag naaalala ko ang mga pinagsamahan namin ni KN.
Ano ba talagang ginawa ko?
Habang abala ako sa pag-iyak ay may biglang tumabi sa akin at nagulat ako kung sino ang tumabi sa akin.
Si Hudas.
"Oh. Punasan mo yung luha mo." sabi niya sabay abot sa akin ng panyo.
Pinaningkitan ko naman siya kaya nagtaka siya.
"Why are you staring at me like that?" takang tanong niya at mas lalo ko siyang pinaningkitan ng mata.
Kanina pa ito ah. Ano ba talagang nangyayari?
"Hindi ba magkaaway tayo? Eh bakit kung makalapit ka sa akin ay parang feeling mo napakaclose natin sa isa't isa?" tanong ko sa kaniya at bigla na lamang siyang ngumiti.
Sandali akong natigilan sa ngiti niya dahil ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti at ang gwapo niya pala kapag nakangiti.
"I know that I was too harsh to you at the beginning but I want to say sorry for all the bad deeds that I did. I have my reasons why I did that." seryoso niyang sabi.
Hala! Bakit bumait ang hudas at si KN naman ang may galit sa akin? Hindi kaya nakapagsoul switching sila? Pero malabo dahil hindi naman iyon totoo.
"I'm sorry, Zouie." sincere niyang sabi at tinignan ko lang siya.
Dapat ko ba siyang patawarin?
"I will do anything just to get your forgiveness." seryoso niyang sabi at bigla na lamang akong may naisip.
A-huh. Anything pala ah.
"Anything?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Yeah. Anything." sabi niya kaya napangisi ako.
"E di maging slave kita for one month." nakangisi kong sabi na ikinalaglag ng panga niya.
"What? You've got to be kidding me." hindi makapaniwalang napailing siya kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko.
"Seryoso ako. Ano? Deal?" tanong ko habang nakangisi.
Bakas naman sa mukha niya ang gulat at hindi niya talaga inaasahang ito ang kapalit ng kapatawaran niya sa akin.
Magdusa ka, gago!
"D-Deal." sabi niya at mukhang napipilitan pa.
Napahagalpak naman ako ng tawa sa aking isip dahil nawala ang mukhang siga sa mukha niya. Nagmukha siyang natalo sa isang pustahan.
Hindi ko akalaing magiging slave ko ang hudas hahahaha!
Nabawasan tuloy ang sakit na nadarama ko kanina. Witwiw. Hudas as my slave is coming!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Gizem / GerilimZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...