Chapter 14

4.2K 166 18
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 14

Nyl's POV

Pagkalabas na pagkalabas ni Zouie dahil break time ay siyang paglapit ng mga kaklase ko kay Hance maliban na lamang kay KN na tahimik na lumabas.

"Kýrios, ano ng plano? Kapatid pala nung mga lokong iyon si Zouie." sabi ni Alex kay Hance. Tinawag niya itong kýrios dahil greek word iyon na ang ibig sabihin ay master.

I saw the anger and lividness from Hance at masyadong nakakuyom ang kamao niya. He gritted his teeth while calming himself.

I can't blame him dahil ganun din ang nararamdaman ko sa ngayon pero pinipigilan ko lang. Masyado talagang malaki ang impact na ginawa ng kambal na iyon sa amin.

It's been a year pero parang kahapon lang nangyari ang mga iyon.

Dati kasi naming kaibigan si Khendick. Matalik na kaibigan. Pero may hindi inaasahang nangyari.  

FLASHBACK

Training namin ngayon dahil gusto naming matuto kung paano matutong makipaglaban kung may mangyari mang hindi inaasahan.

Kaming tatlong ay nasa loob ng training room at ngayong araw ay sword ang gagamitin namin.

We're so excited that time and you will see the excitement and the happiness in our eyes.

"Excited na ako!" sabi ni Khendrick at natawa na lang kami.

"Let's get started!" sabi ni Hance at silang dalawa ang naglaban.

Sangga dito. Sangga doon. Puro tunog lang ng sword ang maririnig mo at talagang seryoso ang dalawa.

Tumalikod noon si Hance para umikot pero may hindi inaasahang nangyari.

'Nagkamali siya ng hampas.'

Nagulat na lang kami ng biglang matusok ni Hance ang mata ni Khendrick. Pati ako ay nataranta ang nabitawan ko ang hawak kong sword.

Nanginginig ang kamay ni Hance kaya nabitawan niya ang sword niya at dali daling dinaluhan si Khendrick na hanggang ngayon ay sumisigaw dahil sa sakit.

We're so afraid that time because of the blood flowing from Khendrick's eye. Hawak hawak niya ito para pigilan ang dugo pero patuloy pa rin siya sa pagdaing.

"Tumawag ka ng doctor!" sigaw ni Hance sa akin at nagmadaling tumakbo palabas para tumawag ng doctor dahil may doctor kaming kasama.

Nadala namin si Khendrick sa hospital pero kinailangang alisin ang mata niya dahil sa nangyari. Nabulag ang isang mata niya at pinalitan na lang ng artificial eye.

END OF FLASHBACK

At nang dahil sa nangyari ay sobra ang galit ni Khendrick sa amin. Hindi rin namin inaakalang maghihiganti siya sa amin.

Ilang beses namin siyang sinubukang lapitan at kausapin pero nagwawala lang siya at tinataboy kami. Galit na galit siya sa amin.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon