Chapter 48

3.6K 147 7
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 48

Zouie's POV

Ayaw ko pa sanang pumasok pero no choice ako.

Masakit pa rin at sariwa pa rin ang sugat sa puso ko pero kailangang tiisin.

"Talagang papasok ka na ba?" tanong sa akin ni Ysa kaya napalingon ako sa kanya.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Oo. Kailangan din. Hindi naman pwedeng magmukmok lang ako dito sa loob ng dorm." sabi ko at lumapit naman siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Alam kong magiging okay ka. You're not okay today but I know that soon, you will be okay and the  wound on your heart will be healed." sabi niya at ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Alam ko. Thank you nga pala kagabi ha. Hindi niyo ako iniwan at pinabayaan lalo na at kailangan ko ng masasandalan." sabi ko at ngumiti naman siya.

"Syempre naman. Kaibigan ka namin kaya hindi ka namin iiwan." sabi niya at ngumiti naman ako ng malungkot.

Ganiyan din ang sinabi nila sa akin pero hindi pala totoo iyon.

Parang nakakatakot na tuloy magtiwala.

"Oh siya. Tara na't pumasok na tayo at baka malate pa tayo." sabi niya kaya naman tumango ako at isinukbit na ang bag ko.

Nagsabay kaming pumasok at nang nasa tapat na siya ng room niya ay nagpaalaman na kami.

"Ingat ka Zouie ha! Kung may kailangan ka, puntahan mo lang ako." sabi niya at tumango naman ako.

"Thank you! Ingat ka rin!" sabi ko at tinahak na ang building namin.

Nang malapit na ako sa room namin ay napatigil ako at napatingin ako sa pinto namin.

Parang ayaw kong pumasok dahil baka hindi ko kayanin.

Tumunog naman na ang bell kaya huminga ako ng malalim bago pumunta sa room namin.

Napakapit ako ng mahigpit sa door knob at tila ba'y ayaw kong buksan ito.

Pero dahil kailangan ay pinihit ko ang door knob ng pinto at pumasok.

Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik pero hindi ko na sila nilingon pa at umupo na lang ako sa upuan na malapit sa pinto.

Hindi na ako umupo sa dati kong upuan dahil masyado akong malapit sa kanila.

"Zouie..." tawag nila sa akin pero hindi ko sila nilingon.

Nanatiling blangko ang mukha ko kahit na konting konti na lang ay maiiyak na naman ako.

Ramdam ko ang presensya nila na tila ba'y pupunta sila sa akin pero hindi natuloy dahil pumasok na ang prof namin.

"Good morning class."

Nagdiscuss lang siya ng nagdiscuss at doon ko na lang binaling ang atensyon ko kaysa sa nangyari sa amin.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon