Enjoy Reading!!!
CHAPTER 34
Third Person's POV
Pagkapasok ng dalawa sa clinic ay hindi nila alam na kanina pa pala may nakikinig sa kanila.
Napangisi ang lalaki ng dahil sa narinig niya.
"So, may plano pala ang mga section októ sa babaeng newbie. Ano kaya ang mangyayari once na malaman niya ito. Hahaha. Paniguradong magkakagulo sila." tatawa-tawang ani ng isang lalaki.
Lingin sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa nakikinig ang lalaki at narinig niya mula umpisa hanggang dulo.
At dahil may nakaalam sa plano ng section októ ay hindi malabong masiwalat ang plano nila kapag nagkataon.
Ngumisi ang lalaki at sinuot niya na ang hood ng suot niyang hoodie jacket at umalis na.
++++++++++++++++++++++++++++++++
Zouie's POV
Pagkagising ko ay inadjust ko muna ang paningin ko hanggang sa lumingon sa tabi ko.
Nakita ko si KN na nakangiti sa akin habang nakatitig.
"Are you okay?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.
Hindi naman na makirot ang sugat ko tulad kanina.
Napalingon ako sa pinto ng biglang may pumasok at si Vin lang pala na may dalang pagkain.
"Oh. Buti gising ka na." sabi niya at agad na lumapit sa amin.
Naramdaman ko naman ang paghilam ng tiyan ko dahil kanina pa ako nagugutom.
Agad akong bumangon at agad naman akong inalalayan ni KN.
"Careful." sabi niya at tumawa naman ako.
"Chill. Hindi naman na bubuka ang sugat ko 'no." sabi ko pero sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Huwag ka na ngang matigas ang ulo. Kanina nga dumugo iyan tapos ang tigas pa ng ulo mo." sabi niya kaya naman sumimangot ako.
Agad naman naming nilantakan ang pagkaing dala ni Vin at agad din naming naubos.
"Ang sarap." sabi ko at sumandal sa unang nasa likod ko.
"Tumila na ba ang ulan sa labas, Vin?" tanong ni KN kay Vin.
"Hindi na siya malakas tulad ng kanina. Ambon na lang." sabi ni Vin at tumango naman si KN.
Bumaling naman siya sa akin kaya nagtaka ako.
"Pwede ka na raw lumabas sabi pala ng nurse kanina. Sa dorm ka muna namin kung gusto mo para magpalipas tayo ng oras." sabi ni KN kaya agad ko silang tinaasan ng kilay.
"Hindi na tayo papasok?" tanong ko at tinuro nila ang orasan.
Napatingin naman ako at 2:10 na pala ng hapon.
BINABASA MO ANG
Hades Academy ( Completed )
Misteri / ThrillerZouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel and always got into fight in their school. And because she's always got into fight in the students i...