Chapter 3

16 2 1
                                    

Chapter 3: Unexpected Visitors

Samarah's POV

Sa paggising mo sa umaga, ang lagi mong nakasanayan ang bubungad sayo. Pero sa sitwasyon ko ngayon, kakaiba.

" Bessie, waaaahhh!! Saan ka na?! " Ngawa ko sa loob ng bahay.

Napatingin ako sa buong bahay.

Ang tahimik, walang tao sa loob kundi ako lang. Walang Shamae na gigising sa umaga na may kasamang sigaw kapag, late ka na sa school. Walang Shamae na pagagalitan ka, kapag may ginagawa kang kalukuhan. At Walang Shamae na tatabi sayo matulog kapag natatakot ka.

She's gone.

" Huhuhu... Ang sakit!! " Iyak ko.

Iniwan ka na nga, nadulas ka pa, pati yata kapalaran inaaway na ako. Huhuhu!! Na saan si San pedro dito? (Ayaw ko sabihing nasaan ang hustisya, uso na yun eh! Wag na kayong papalag, nasabi ko na eh!)

Tinignan ko ng masama yung stuff toy na nakaharang sa dinadaanan ko kahit alam ko naman hindi yun nagsasalita ay sinigawan ko parin yun. Nababaliw na talaga ako.

" Walangyang stuff toy ka, patayin kit.... "

*dingdong*

Napatigil ako sa pagsigaw ng may nagdoorbell sa labas ng bahay.

" Sino naman taong iisturbo sa kabaliwan ko? " Nagtatakang tanong ko.

Hindi ko na e-dideny na baliw ako. Bakit? Matagal na kaya akong baliw! Baliw kay my loves Ivan ko. Hehehe... Speaking of Ivan! Ilang araw na rin akong absent. Sunday ngayon kaya walang pasok, apat na araw na namiss ko ang lahat ng subject ko sa school. Paniguradong tatanungin ako ng mga teacher ko kung bakit ako wala sa klase, at anim na araw na din pala, na hindi ko nakikita si Ivan ngayon.

Nabalik lang ako sa realidad ng tumunog ulit yung door bell.

" Oo na, andyan na. Wag mong gahasain yung door bell ko. Bw*set! Huhuhu!! Aray! Ang sakit ng likod ko, nabali yata yung buto ko sa balakang. "

Tumayo na ako habang hawak-hawak yung balakang ko.

Pagbukas ko ng gate tumambad sa akin ang nakatalikod na lalaki?!

Alam ko ang ganyan eh!

Yung bang bigla nalang may taong magdo-doorbell sa bahay nyo, (ang problema nga lang hindi ko bahay ito.) tapos pupuntahan naman ng babae yung taong yun at pagbubuksan sya ng gate, tatambad sa kanya ang nakatalikod na napakagwapong lalaki at kapag tuluyan na mabuksan ng dalaga ang gate, haharap na yung lalaki sa kanya pa-slowmosyon at mapapapogi sa harap ng dalaga. At boom! Malo-love at first sight yung babae sa lalaki.

Napangiti ako sa iniisip ko. Kakaiba talaga ang imagination mo Samarah!!

" Excuse me!? Ano po ang kailangan nyo? " Tanong ko sa lalaking nakatalikod parin sa akin habang yung ngiti ko abot hanggang tenga.

Ay! Dedma lang ang beauty ko teh! Hindi man lang lumingon. Ay basta! hindi ako titigil hanggat hindi natutupad ang pinapangarap ko na makajowa ng isang gwapong mala-prinsepe ang itsura.

Lalapitan ko na sana sya ng marinig ko na parang may kausap sya.

" Not now grandma. " Sabi ng lalaki.

May kausap ata sya sa phone nya. Pangalawang kahihiyan na ito sa buhay ko, yung una-- nevermind. Nawala yung ngiti ko ng humarap yung lalaki sa akin.

Hindi pala sya gwapo. At hindi rin sya mukhang prinsepe. Hampaslupang kapre pala... -__-

" What are you doing here? " Malamig na sabi ko sa lalaking kaharap ko.

Kapag ako nagalit at nainis sa isang tao, lalabas talaga ang kabilang side ko. The cold Samarah. Ewan ko ba, sa t'wing magtatagpo ang landas namin ng lalaking ito, parang nagdadala sya ng bad vibes sa sistema ko.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now