Chapter 16: FRITZONSamarah's POV
Naglalakad na kami patungo sa Death Forest kung saan nabubuhay ang mga zombie.
" Hindi halatang takot sya ano?! "
Napalingon ako sa dalawang nilalang na nag-uusap.
Ako ba ang pinariringgan nila?
" Sino ba hindi matatakot sa mga nilalang na patay na?! " Saad ni Anura sa sinabi ni Fixie kanina, sabay na natawa sa sinabi nya.
Hindi ko na lang sila pinansin at kumapit ng tudo sa braso ni Shaniel.
Sino ba ang taong gustong makaface to face ang zombie? Sige nga kung matapang ka, titigan mo ng harapan ang zombieng nabubulok na ang katawan at nangangamoy lupa!? Tignan natin kung sino ang masusuka.
Nagkausap na rin kami ni Fixie tungkol sa nangyari doon sa Pixies Tree. Iyak sya ng iyak nang humingi sya ng tawad sa akin.
Kahit ganon ang nangyari at hindi parin 100% ang tiwala nya sa akin at may pagdududa parin sya sa pagkatao ko. Okay na sa akin ang ganoon kaysa iniiwasan nya ako habang unti-unti ng nauubos ang oras ko dito sa mundong ito.
Hindi ko pinagsisihan na naging kaibigan ko sila at nakilala. Kasi minsan lang sa buhay natin ang makaranas na maging masaya, kaya bakit hindi nalang natin sulitin ang mga araw na yun kasama ang mga tao/nilalang na nagpapasaya sa atin!?
Napabuntong hininga ako at napatingin sa harap.
" Wala na bang ibang daan? " Tanong ko ng makita ko ang nasa harap ko, may ilang hamog sa daan kahit maaraw at maliwanag pa ang paligid.
" Malapit na. Napapalibutan ito ng nagtataasang pader sa paligid ang Death Forest, kaya iisa lang ang daan, ang gitna nito. " Pahayag nya.
Napalunok na lang ako at napatango-tango.
Para yatang gustong magback-out ng katawan ko.
Ilang minutong nakalipas ay narating na rin namin ang gate kung saan papasok kami sa loob nito, ang tinatawag nilang 'Death Forest' inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sobrang taas ng pader at mas mataas pa ito sa mga punong nandito sa kagubatan.
" Mag-ingat kayo, lahat ng makikita nyo sa loob ay maaaring isang ilusyon lamang. Anytime pwede kayong linlangin ng Forest. " Tumingin sa akin si Shaniel at hinawakan ang kamay ko na nasa braso parin nya. " Walang hihiwalay. Dahil sa isang iglap, hindi na kayo aabutin ng umaga. "
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan sa narinig.
Napalunok ako ng ihakbang na namin ang mga paa namin sa loob nang nakabukas na malaking tarangkahan. Kinalibutan ako ng maramdaman ko ang kakaibang hangin sa Death Forest. Parang hinihila ng hangin ang kaluluwa mo palabas sa katawan mo.
Bakit ba ako nasama dito!?
Mas lalo akong kinalibutan ng may mga kakaibang ingay akong naririnig.
Ako lang ba ang nakakarinig nito o kaming lahat?
" Don't listen to the noises, Arah. " Mahinang sabi ni Shaniel, kaya mas lalo akong napakapit sa braso nya.
Every time that I hear this crappy sounds, parang hinihigop ang kaluluwa ko.
" Aahh!! "
Sabay kaming napalingon sa direksyon ni Fixie ng marinig namin ang impit nitong sigaw.
" Sh*t! " Narinig kong mura ni Prince Leo.
Lumapit sila kay Fixie at inalam ang kalagayan nito.
" Aarghh! Ang sakit sa tenga! " Sigaw ni Fixie at parehong tinatakpan ng kamay nya ang magkabilang tenga nito.
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
RandomWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...