Chapter 4

9 2 0
                                    

Chapter 4: Encounter

Samarah's POV

~~~~~~~~~~

Napatingin ako sa paligid. Nasaan ako?  Saang lugar ito? At bakit pakiramdam ko parang nanggaling na ako dito noon?

" Umalis na kayo pakiusap! Iligtas nyo sila! "

Napalingon ako sa likod at may nakita akong babae, pinapaalis nya ang isang babae, isang lalaki at may kasama itong batang lalaki na may kargang batang babae, nakasuot ang dalawang bata na isang royal clothesline. Umiiyak sila na nakaharap sa babaeng nagpapaalis sa kanila habang ang lalaki naman ay hawak ang braso ng batang lalaki para pigilang makalapit sa babaing nagpapaalis.

Hindi ko masyadong makita ang itsura nila, dahil masyadong malabo ang mga mukha nila. Sino sila? At bakit hindi ko man lang maigalaw ang katawan ko sa kinatatayuan ko? Bakit ko pinapanuod ito? Anong nangyayari?

" Hindi! Hindi kami aalis ni Princess na wala kayo Ina. " Sigaw ng batang lalaki.

Habang umiiyak ito at karga-karga ang batang babae. Mukhang nasa 2 or 3 years old lang ang batang babaeng natutulog na nakayakap sa batang lalaki, nasa 7 or 8 years old naman ang batang lalaki. Magkapatid yata sila.

" Hindi maaari anak, papatayin ka nila at lalo na ang kapatid mo. Hindi ako makakapayag na mangyari 'yun. " Sabi ng babae, seguro nasa 20's or 30's sya.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko na may bumaon na pana sa likod ng babae, napaubo ito ng dugo dahilan para umiyak lalo ang batang lalaki. Kahit nahihirapan na ang Ina nito ay sinikap parin nitong magsalita.

" Patawad aking mga anak, pero kailangan kong gawin ito. "

Napahawak ako sa pisngi ko ng may dumaloy na tubig dito.

Why? Why I'm crying?

Biglang hinila ng babae ang kwentas na suot nya at may binulong sa bagay na hindi ko maintindihan. Sa isang iglap biglang nawalan ng malay ang batang lalaki, agad naman ito nasalo ng lalaki na kasama nila at kinuha naman ng isang babae sa mga kamay ng batang lalaki ang kapatid nito. Bigla din nawala ang kwentas na hawak ng ina ng mga bata.

" Pakiusap, ilayo nyo ang mga anak ko dito, lalo na si Princess, ayaw kung mapahamak sya. " Pakiusap ng babae sa dalawa.

Tumango naman ang mga ito, at yumuko bilang paggalang sa kanilang kaharap.

" Tara na mahal, wala ng oras. " Sabi ng babae sa lalaki. Kahit masakit sa kanila na iwan ang babae ay umalis parin sila.

Lumisan sila sa lugar at pumasok na sa portal. Napaluhod ang babae at napaubo uli ng dugo.

Bakit ganon? Bakit ako ang nasasaktan? Sino ba sila? At anong lugar ito?

" Sa takdang panahon makikita ulit tayo princess, anak. Sa ika-labingwalo ng iyong kaarawan, ikaw ay isa na sa amin. At ako ang iyong magiging.....

gabay. " Sabi ng babae.

" Hindi mo maitatakas ang mga anak mo, habulin sila. " Sigaw ng isang boses na lalaki.

Tumakbo sa direksyon nung apat ang mga alagad nito.

Natakot ako ng makita ko ang itsura nya. May sungay sya sa noo at may pangil sa bibig nito. Para syang demonyo kung titignan.

" D'yan ka nagkakamali, hindi mo sila makikita, ito na ang oras. " Nakangiting sabi ng babae at tumingala sa napakalaking buwan na naging kulay asul. Tika? Blue moon?!

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now