Chapter 22

1 1 0
                                    

Chapter 22: The Battle

Samarah's POV

" Aaaahh!! Ayaw ko na talaga!! "

Napagulong-gulong ako sa kama ko at mas lalong idiniin ang mukha sa unan na hawak ng magkabila kong kamay, kulang nalang mawawalan na ako ng hininga sa ginagawa ko.

Bweset na buhay to oh!!

Sobra talagang nakakahiya!

Bakit ba sya lagi ang nagliligtas sa akin? At bakit kasi sya lagi ang sumasalo sa akin?

Simula ng makapasok ako sa mundong ito, dumadalas na ang pagkawa ng malay at pagkakahimatay ko. Iniwaksi ko sa isipan ko kung ano man itong negatibong nasa utak ko. Ayaw ko nang maabala pa at dagdagan ang iniisip ni Shaniel para sa kaligtasan ko. Malaki na ang tulong na ibinigay nito sa akin, kaya mas gusto ko nalang sarilihin ang iniisip ko ngayon.

" Hayaan mo na 'yon Samarah. Hindi naman big deal 'yon eh! " Natatawang sabi ni Anura at hinila ang unan na hawak ko.

Nabaling ang tingin ko kay Anura nang magsalita ito na nagpasimangot sa mukha ko sa narinig.

Hayaan? Paano ko hahayaan kung alam kong may mga hindi natutuwa? Lalo na at nakita ng lahat ang nangyari kanina. Nagkalat na naman ako sa harap ng mga estudyante, at lalo nila akong pagchi-chismisan.

Mabuti na lang talaga at pinayagan ako ng healer or nurse o kung ano man ang tawag dun, para makauwi dito sa dorm namin --para iwas na rin sa usap-usapan-- n'ong nagising na ako. Paniguradong kalat na sa buong school ang nangyari.

Bumalik sa isip ko ang sinabi nila kanina na kaya pala bigla silang nawala sa Unknown Island, dahil limang minuto lang ang ibinigay na palugit ni HM sa kanila para hanapin ako.

" Pero-- " Naputol ang pagsasalita ko ng biglang pumasok sa kwarto ko si Shaniel.

" Dinner is ready. " Sabi nya.

Nagkatinginan ang dalawang sina Fixie at Anura at sa isang iglap bigla na silang naglaho. Buti na lang sanay na ako sa kanila sa bigla-bigla nilang paglalaho, lalo na at tungkol sa pagkain ang usapan.

" Ikaw hindi ka ba nagugutom, Arah? " Napatingin ako kay Shaniel na nakasandal sa may pinto, habang nakacross arms at nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at nagsalita. " Bababá din ako maya-maya. " Sabi ko.

Tinitigan nya lang ako at nagpalabas ng malalim na buntong hininga.

" Baby Natsue is a rare Monster. Hindi ko alam kung paano mo sya napaamo, but.. " Binitin muna nya ang sasabihin  at ngitian ako na alam kong totoo ang ngiting ito. Ibinaba nya ang kamay nya, lumapit sya sakin at umupo sa tabi namin ni Natsue na nakatulog na sa tabi ko. " I'm so proud of you, Samarah. You did a great job today. " Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Binaling nya ang tingin kay baby Natsue at hinawakan ang ulo nito dahilan nang pagmulat ng cute nang mga mata nito.

Sabi nila, wala pang kahit na sino ang nakakita sa Legendary Darknamyt, pero sa katayuan ko ngayon hindi kapani-paniwala na nakita ko ito at napaamo na hindi gumagamit ng ano mang mahika at abilidad.

Lagi daw itong nanatili kung saan man ang tirahan nito, sabi din ni HM baka may gumambala sa kanya kaya ito napalabas sa pinanggalingan nito.

Tinitigan lang sya ni Natsue at inalabas ang dila nito na para bang nag-aasar sa kaharap. Pero napangiti lang si Shaniel sa ginawa ni Natsue dahil mas lalo syang nagiging cute sa paningin namin.

" Please, Protect her. " Bulong ni Shaniel na hindi ko masyadong narinig.

---------

Ito na ang unang araw ko sa Special Class. Pero kahit pa isang buwan na ako dito sa school na ito, pakiramdam ko parang first day ko pa lang pumasok, at feeling ko para akong transferee na lumipat sa napakagarang school at nagkataong naipasa ko ang exam nila.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now