Chapter 17

1 1 0
                                    


Chapter 17: The Lost City ( Dragoland )


Samarah's POV

Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko ng unti-unting humihina ang liwanag. Nakita ko ang ilang mga larawan na nakaukit sa digdig ng kwartong pinasukan ko --kweba, pero ang talagang pumukaw sa pansin ko ay ang nasa ginta nito.

May isang statue na napapalibutan ng kakaibang shield. Kuryente! Yun ang nakikita ko sa palibot nito. Inilibot ko ang paningin sa mga larawan.

Ito na nga! Ito na nga ang karugtong ng mga larawan na daanan namin kanina. Ang ibig sabihin nito ay isa lang iton--

" Anong ginagawa mo? Umalis na tayo, bago pa tayo makita. " Mahina pero madiing sabi ni Fritzon.

Tumingin ako sa kanya at umiling, nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay nya sa kanyang noo.

" Matigas talaga yang ulo mo ano? " Nagpipigil sa inis na sabi nya.

" Nagkamali ka. Hindi talaga sila mga patay. " Sabi ko at napatingin sa mga larawan at ang nag-iisang statue.

Mas lalong kumunot ang noo nya at tinignan ako ng matalim na tingin.

" Ano bang pinagsasabi mo hah? Matagal ng nandito ang mga nilalang na 'yun at lalong matagal na silang patay. " Galit na sabi nya.

Umiling lang ako at seryosong tumingin sa kanya.

Naintindihan ko na ang mga larawan, kahit hindi ko naintindihan ang mga simbolo at ang mga nakasulat, alam kong tama ang calculation na nasa isip ko. Na isa lang itong sumpa.

Kahit hindi ko alam ang buong kwento at ang pangyayari, may karapatan din ang mga nilalang na iyon, na mabuhay at makalaya sa sumpang ito.

Gusto ko mang ipaliwanag sa kanya ang lahat na nalalaman ko, alam kong hindi parin nya maintindihan. Tinalikuran ko sya at lumapit sa mga larawan at hinawakan ito, naglakbay ang mga daliri ko sa bawat imahe. Sinubukan intindihin ang lahat ng nakaukit.

" Why they have like this? A statue? Maybe this is they're God. " Sabi ni Fritzon at naglakad paikot sa estatwa.

Kahit hindi ko na sya lingunin, alam kong ang estatwa ang tinitignan nya.

" Dragoland! " Bigkas ko. " This is a Curse Land or The Lost City. " Dugtong ko.

May iilang simbolo akong nakita na katulad ng simbolong nakita ko sa libro. Sabi ng nakasulat sa libro, libong taon ng naninirahan ang mga Dragon Tribe sa isang bayan malayo sa Wizarlem World at Evo. Mas pinili nila ang manirahan dito at makalayo sa gulo. Pero nang magsimula ang huling digmaan sa pagitan ng Wizarlemian at Evo, wala ng nakakaalam kung saan na talaga ang daan patungo sa Dragon City. Kaya bilang lang ang nakakaalam na nage-excist sila sa mundong ito.

Kaya anong nangyari sa kanila at bigla na lang silang naglaho na parang bula?

Tumigil ako sa isang larawan at tinitigan ito. Napakunot ako ng noo at napatingin sa estatwa at ibinalik sa larawan, hanggang paulit-ulit ko itong ginagawa.

" Dragoland?! I'm always hear that name, but never knew if they real. " Seryosong sabi nya at sa ibaba naman ng estatwa ang inobserbahan nya. Narinig nya pala ang sinabi ko.

Humarap ako sa estatwa. Napahawak ako sa baba ko malapit sa labi at napaisip.

" Ano 'to? "

Napatingin ako kay Fritzon ng bigla itong magsalita, napasinghap ako ng hahawakan nya ang isang switch doon sa kinatatayuan ng estatwa, pipigilan ko na sana sya pero huli na ang lahat at napindot na nya ito. Isa itong bottom na may mga maliliit na simbolo. Naging flat ito at parang may hugis na isang bagay na maaaring magkasya dito. Mas lalo akong naguluhan. Napatingin ulit ako sa larawan.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now