Chapter 18: Magnegon
Samarah's POV
" MAG-IINGAT kayo sa inyong paglalakbay, mga bata! " Paalala ni tatang Hektur sa amin, ang pinuno ng Dragon Tribe kasama ang asawa nitong si Nanang Belyn.
Kumaway naman silang dalawa sa amin bilang pamama-alam, tumango lang yung iba, pero ako?! Ginamit ko na ang dalawang kamay ko para kumaway at ngumiti para magpaalam sa mag-asawa.
Naglakad na kami palayo sa bayan at ipinagpatuloy ang naudlot naming paglalakbay.
" It is amazing guy! Samarah's saved that Land. I thought that Dragoland is gone, but -- "
Naputol ang paglilitanya ni Araku ng sumabat si Shaniel.
" Shut up, Vampire jerk! Hindi ka ba marunong tumahimik? " Plain na sabi nito.
Tumingin naman sa kanya si Araku at ngitian sya ng pagkatamis-tamis.
" Nah ah! I'm born like thi-- "
" You're born to be a Jerk. Yeah! I already know that. " Walang ganang sabi ni Shaniel at tinuon na lang ang pansin sa mapang hawak nya.
Sasabat na sana si Araku ng akbayan sya bigla ni Parker.
" Wag mo nang patulan, kasalanan mo rin naman at nagkaganyan yan diba?! " Mapang-asar na sabi ni Parker at ngisihan si Araku.
Ano bang nangyari sa kanila bago ako nawala?
May nangyari bang hindi ko alam?
Kanina, I mean ilang oras lang iyon, pero hindi parin ako makapaniwalang sa nasaksihan ko.
Hindi ko akalaing, yuyuko ang lahat at magpapasalamat sa malaking nagawa ko sa kanila!! Sa nagawa kong pagpalaya sa kanila sa sumpa. Pero kahit na! Nakakagulat parin iyon, hiyang-hiya nga ako sa harap nila. Alam kong nadagdagan na naman ang pagdududa sa akin nina Parker at France sa nagawa ko, pero kahit gan'on hindi ko naman pinagsisihan ang nagawa ko para sa Grupo ng mga Dragon, kusang loob ko lang yung ginawa.
Nabigyan ako ng clue ng larawan at lalo na sa Heart Stone. Kahit na hindi ako katalinuhan, alam ko naman ang ginagawa ko. Kaya lang may times na sa sobrang pagka-adventurous ko minsan napapahamak ako sa pagiging pangingialam ko --ika nga 'curiosity kills you'. Siguro ito ang dahilan kaya ako nakapasok sa mundong ito. Ewan?! Baka nagkataon lang, dahil hawak ko 'yung kwentas, at tsaka dahil siguro may pwersang humila sa kwentas at nasama ako habang hawak ko 'to, kaya ako napasok sa mundong ito.
Hindi ko man alam ang puno't dulo ng pagsumpa sa kanila na maging parang Zombie, may natutunan din naman akong isang bagay.
Yun ay ang makatulong sa iba na walang kahit na anong kapalit. Kapag kusa mo itong ibinigay, parang pakiramdam mo nasa alapaap ka at nakalutang ng hindi mo maintindihan, gumagaan bigla yung pakiramdam mo. Ganon yung pakiramdam ko ngayon. Kaya nga ang laki ng ngiti ko sa nagawa ko.
Achievement yun ano! Para kang nanalo sa lotto.
Nasabi ko na rin kay Shaniel kung bakit nasa akin ang Heart Stone, maliban sa nakita ko sa loob ng kweba. Pero sa iba, iba ang kinuwento ko, ibang kwento ang ibinigay ko. Nagsinungaling ako, dahil hindi ko pweding sabihin na isa akong tao at hindi katulad nila. Kapahamakan ang maidudulot once na sabihin ko ang totoo. Mas gusto ni Shaniel na sya nalang at ang kanyang Mage na si Augora ang nakakaalam sa pagkatao ko, para iwas gulo.
At ang pinagtataka ko!? Bakit hindi ko nakita si Fritzon sa Dragon Tribe, sa pagkakaalam ko kasama ko pa sya sa kweba!?
" The Hidden Forest, ito na ang huling pupuntahan natin. Dito na natin makikita ang hinahanap natin. " Sabi ni Shaniel at binalik na ulit ang mapa sa bag na dala nya.
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
RandomWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...