Chapter 24

7 0 0
                                    


Chapter 24: The new Classmate.


Samarah's POV

Minsan ba sa buhay mo, napapaisip ka kung ilan na lang ang natitira sa buhay mo? Napapaisip ka rin ba kung may iiyak ba kapag nawala ka na sa mundo?

Yung buhay mo ay parang isang bulaklak. Sa bawat petals nito, dito nabibilang ang buhay natin, maghihintay kapag may malalagas. Kapag lumanta hindi mo alam kung hanggan kailan na lang ang buhay mo, pero kapag naubos naman, hindi mo alam kung may maghahanap ba sayo o wala, hindi nila alam kung gaano ka kahalaga sa buhay nila, pero kapag nawala ka na, doon lang nila pahahalagahan ang existence mo sa mundo.

" Your here. "

Napatalon ako sa gulat at nabitawan ang bulaklak na hawak ko.

Lumingon ako sa nilalang na 'yon at nakita ko syang nakapamulsa ang magkabilang kamay. Bumaba ang tingin nya sa nahulog na bulaklak, pinulot nya iyon at sinuri.

It's a sunflower. Nagiging kulay rainbow kapag nasisinagan ng buwan tulad ngayon, kumikislap kasabay ng mga bituin sa langit. Kapag naman araw nagiging kulay dilaw, pero kapag daw umulan nagiging kulay abo.

Sa ilang araw ko na nandito, hindi ko parin nakikitang umalan dito sa mundo nila.

" It's already night. " Aniya habang nasa bulaklak parin ang atensyon nya.

Ibinaling nya ang tingin sa akin nung hindi ako nagsalita. Tinagilid ko ang ulo ko para iwasan ang sobrang lalim nyang pagtitig sa akin. Hindi ako makatagal sa pagtitig ko sa mukha nya, dahil nakikita ko ang mga mata nyang kulay pula, dahilan para mag-flashback sa utak ko ang napanaginipan ko.

Brain naman wag ganon!

Bumuntong hinanga ako at tumalikod sa kanya para hindi nya makita kung paano ko sampalin ng mahina ang sarili ko para magising sa katotohanan. Ang bilis din nang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano.

Kailan nga ba ito nagsimula!?

Bigla akong napabahing ng tatlong beses.

Napasinghap ako ng may jacket na biglang dumapo sa balikat ko, napatingin ako sa lalaking nagpatong no'n, sa sobrang lapit nya sa akin nagkadikit na ang aming mga katawan.

Hindi ko mabasa ang nasa isip nya, hindi ko rin alam kung bakit nya ibinigay sa akin ang jacket, dahilan para maamoy ko ang bango nito.

Amoy Rosas.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, at hindi ko ma-explain kung bakit ako napapangiti sa ginawa nya.

" You need to sleep! "

Napatingin ako sa kanya ng makita kong umupo sya sa damuhan. Nakatingin sya sa kawalan at pinagmamasdan ang mga insektong lumilipad sa himpapawid na nagbibigay sa amin ng liwanag.

Kita ko sa mukha nya ang pagkaseryoso. Umupo din ako, pero ilang metro lang ang layo ko sa kanya. Kapag kasi naglalapat ang mga balat namin, parang nakukuryente ako na hindi ko mawari kung bakit. May kung anong insekto ang nasa loob ng t'yan ko kapag nakikita ko sya.

Napatingala ako sa langit at pinagmasdan ang buwan. Napangiti ako ng may nakita akong iilang shooting star sa langit. Pareho kaming tahimik ni Raiden at pinagmamasdan ang paligid.

" Hindi ako makatulog. " Sabi ko ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Tumango lang ito at hindi na nagsalita.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa Jacket ng maramdaman ko na ang lamig sa balat ko. Gabe na at nakikita ko na rin ang iilang hamog sa paligid.

" Gusto ko lang damhin ang sariwang hangin dito. Dahil hindi ko na ito mararanasan ulit. " Sabi ko hanggang sa bulong na lang ang lumabas na salita sa bigbig ko.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now