Chapter 12

7 1 0
                                    

Chapter 12: Meet The Royalties

Samarah's POV

Napabusangot ako ng makita ko kung anong ginagawa ng mga kaklase ko, lahat sila nagtri-training para maihasa ang mga kakayahan nila samantalang ako, ito nakaupo at nakahalumbabang pinapanuod sila.

Napatingin ako sa paligid at napakunot noo ako ng makita ko yung Antipatikong hilaw nayun sa 'di kalayuan sa kinauupuan ko, ang pinagkaiba nga lang nakapikit sya, samantalang ako nanunuod sa mga kaklase namin.

Akala ko nga ngayon ako magti-train kung paano makipaglaban or let's just say! Paano magtekwando, karate or ano pang tawag sa iba. Tungkol sa kung paano mo depinsahin ang sarili mo sa kalaban at paano makikipaglaban, na hindi kailangan ng kakayahan at weapons sa kalaban. ( wag nyo ng itanong kung sinong nagsabi -_-||) Umalis si Sir Niro at iniwan kami dito -__-. Walang kwentang guro!

Dahil hindi ko pa DAW alam kung anong klase akong Wizarlemian, kailangan ko DAW manood muna at obserbahan ang bawat kilos at galaw ng iba ko pang kaklase, kailangan ko matutunan ang bawat galaw at alalahanin ang bawat kilos nila sa insayo o pakikipaglaban.

Napatingin ako kina Anura at Fixie na busy sa kani-kanilang page-insayo, mas lalo na si Bessie na para ng teacher na pinapagalitan si Prince Leo dahil accidentally napunta ang putik nito sa likod nya, gamit ang kakayahan nyang Lupa. Pero sa totoo lang ang cute nilang tignan, para silang mag-jowa na mag-aaway dahil nagseselos si girl kay boy dahil may kasama itong babae, pero ang pinag-kaibahan lang, hindi sila mag-jowa at hindi nag-seselos si Bessie. Kundi isang tegring nangangain ng tao, pero charot lang! Patay ako nito kapag nalaman nya kung ano ang nasa-isip ko.

-----

" Oh! Ito uniform mo, para naman hindi ka pagtitinginan ng mga nandito sa suot mo, pasalamat ka pinahiram pa kita ng damit. "

Napanguso naman ako sa sinabi ni Bessie. Ako pa talaga ang maga-adjust. Tsk!!

Hindi ko naman alam na hindi pala uso ang damit ng mga tao sa mundong ito, ang arte-arte pero puro naman susyalin ang mga nandito. Kulang nalang gawin silang Mara Clara sa suot nila, at pagkamalang haliwood ang mga tao dito. Nagmukha akong modelo sa suot ko ngayon.

Napatingin naman ako sa limang uniform na hawak ko, mamaya ko na lang tignan, baka kung ano pa ang sasabihin ng babaetang nasa tabi ko. Buti na lang at kaming dalawa na lang ang andito, kung hindi! Lagot na talaga ako.

Natapos na ang klase at nagsi-uwian na ang lahat sa kanya-kanya nilang dorm.

Naglakad na kami papunta sa dorm namin, galing kami sa Head Office or Head Quarter para kunin yung uniform ko at Alam nyo na kapag transferee. Ang Head Office ay opesina ng nagpapatakbo sa eskwelahan na ito --at sila Shaniel at Raiko, ang Head Quarter naman ay kung saan dito nagme-meting ang mga guro o kahit na sino na may kinalaman din dito sa school.

Ang nakakatakot pa doon, nandun si HM, at muntikan na talaga akong mabiktima nya sa pagtitig nya sa akin. Nagpapasalamat na lang talaga ako at sinamahan ulit ako ni bessie sa Head office.

" May sasabihin ka? "

Nagulat naman ako ng nasa harapan ko si Bessie at nakakunot noong nakatingin sa akin.

" H-hah? "

" Nakatingin ka kasi sa akin. " Sabi nya ng makita nya ang pagtataka sa mukha ko.

Nakatingin lang may sasabihin na, hindi ba pweding nagkataon lang na nakatingin ako sa kanya dahil nasa unahan ko sya habang naglalakad?!

" Hmm.. W-wala. " Sabi ko nalang.

Tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa, ( para naman may virus na nakakapit sa katawan ko kung makatingin sya sa buong katawan ko hah!? ) at tinaasan ako ng kilay. Agad naman sya naglakad na para bang nagmo-modelo dito sa hallway. Hindi ko talaga alam kung paano ko sya naging best friend? P'ano nga ba?

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now