Chapter 8

1 1 0
                                    

Chapter 8: New Day

Samarah's POV

Naglalakad ako ngayon sa mahabang pasilyo, patungo sa bago kong matitirhan. Psh! Kailangan ko na yatang sanayin yung dila ko sa salita nila. Huhuhu!! Dyosmiyo lord dudugo yata ang ilong at bibig ko sa kanila.

Ano ba ang kasalanan ko at pinarusahan nyo ako ng ganito?! Hindi ba sapat yung pagiging mabait at pagiging masunurin ko?

Kailan pa? - mind

Pag-in born ko.

" Bakit ang lampa mo? "

" In born. " Sagot ko.

" Eh! Bakit ang tanga-tanga mo? "

" In bor--- waaahh! Bessie naman eh! Kinakabahan na nga ako ngayon diba?! " Pagmamaktol ko.

" Para kang zombieng lasing maglakad. " Natatawang sabi nya.

Napasimangot ako sa sinabi nya.

" Duh! Sino bang baliw ang gigising sayo ng hating gabi, hah? " Inis na sabi ko at nagcross arm.

Kayo kaya gisingin ng 2 am ng madaling araw hah?!

" Samarah, alam mo naman hindi pwedeng malaman ng lahat na may nakapasok na mortal dito, hindi ba? " Paalala nya.

Napanguso na lang ako sa pahayag nya, napailing-iling na lang ito at naglakad ulit.

Oo na lang! Langya mapapasabak yata ako dito.

Bigla naman ako nadapa sa hindi malamang dahilan.

" Hahahah!!! Hanggang dito ba naman, Arah! Dala-dala mo pa rin yang pagiging lampa mo!?! Ayusin mo nga yang sintas ng sapatos mo, kaya ka nadadapa eh! " Sabi nya sabay tawa.

Napanguso nalang ako at inayos ang sintas ng rubber shoes na suot ko. Bweset kang sapatos ka pinahiya mo pa ako sa best friend ko?!

Ang hirap palang sanayin ang nakasanayan mo noon, iba pala dito sa lugar na ito, kaisa sa nakasanayan ko sa mundo ng mga tao. Haaay!

Naalala ko tuloy yung kanina.

*Flashback*

Naglalakad kami ngayon sa hallway, papunta kami ngayon sa Head Quarter, para daw ma-enroll ako sa School na ito.

Para akong zombie maglakad, nakapikit ang mga mata ko habang hila-hila naman ako ni Shaniel gamit ang paghawak nya sa braso ko. Gustohin ko mang humilata na lang dito sa hallway, hindi ko naman magawa, ang lakas ng pagkakahila sa akin ni Bessie kulang nalang humiwalay ang braso ko sa katawan.

Pagdating namin sa HQ, matutulog na sana ako sa Sofa ng biglang may nagsalita.

" I warning you, Arah. Don't you dare sleep here or else, magbye-bye World ka na. " Pananakot nya.

Nakita ko naman ang talim ng pagtitig nya sa akin, kaya napatayo ako ng maayos at lumapit sa kanya, umupo ako sa upuang na nasa harap nya. Nakaupo sya ngayon sa upuan ng Head? Teka! Diba ang mga Headmaster or Headmistress ang uupo dyan? Bakit d'yan sya nakapwesto?

May kinuha syang papel at sinusulatan ng kung ano-ano, ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na rin sya.

" There, I'm done. " Nakangiting sabi nya na nakatingin sa papel na sinulat nya kanina.

" Your name now, is...  SAMARAH SHELLA. " Sabi nya at binasa ang nakasulat sa papel.

" Teka bakit wala yung surname ko dyan? " Nagtatakang tanong ko.

Tinignan lang nya ako sandali at ibinalik ulit ang tingin sa papel.

" Meron naman pero pinalitan ko ng Helton. Kahit pa sabihin mo pa ang surname mo sa lahat, walang sinong may paki. Walang pakialam ang mga nilalang dito kung sino ang mga magulang mo. Pwera nalang kung isa kang maharlika!? " Saad nya at sumandal sa sandalan ng upuan.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now