Chapter 21

3 1 0
                                    

This story is unedited, so expect typographical errors, grammatical errors, wrong spellings and any errors. If you're looking for a perfect story, don't continue reading this.

Happy Reading! Thanks!!

**********

Chapter 21: Natsue ( Her new Friend )

Samarah's POV

Hindi maalis sa utak ko ang pagkabanas ko sa lalaking iniwan ako sa gitna ng kagubatan. Hindi na talaga sya bumalik matapos nyang sabihin ang katotohanang hindi na ako makakalabas sa lugar na ito.

Langyang lalaking 'yun!!

Kapag ako nakalabas dito, ipapasampal ko sa pagmumukha nya ang pet monster ko makikita nya!!

Pero nakakabilib din dahil sa pagkakaalam ko, hindi masyadong nagsasalita si Raiden sa ibang nilalang --yung iba nga nyang salita laging Ingles, nakakanosebleed na nga eh! -- lalo na kung hindi sya interesado sa mga bagay-bagay.

Lumipas na ang kalahating minuto, pero wala parin akong nahuhuli kahit ni isa. Bakit kasi ang lalakí nila at nakakatakot ang hitsura!! --maliban sa pet monster ng antipatikong hilaw na iyon, na isang pusa na may maraming buntot. May mas maliit pa kaya iyon?

Saan kaya nahuli 'yun? May iba pa bang lahi ang ganoong uri na halimaw?

Napatigil ako ng may sumalubong sa akin sa nilalakaran ko, nakita ko ang gulat sa mga mata nila ng makita ako.

" Samarah!! "

Napatakbo sa akin si Fixie at mahigpit na yakap ang isinalubong nya sa akin.

" Akala namin nawala ka na naman!! " Sabi nya at kumalas sa yakap.

Napatingin ako sa kasama nya at nakita ko rin ang pag-alala sa mga mukha nila, pero nabawasan din ito ng makita na nila ako. Sina Anura, Leo, at Shaniel.

" Okay ka lang ba, Samarah? " Tanong ni Prince Leo.

" Ayos lang ako. " Ngumiti ako sa kanila at biglang napakamot sa ulo sa katotohanang wala pa akong nahuhuli kahit ni isa sa Monster. " Pero, wala pa akong nahuhuli. Hehehe. " Sabi ko at nagpeace sign sa harap nila.

Sabay silang napabuntong hininga at tinignan naman ako ni Anura.

" We can't help you, Samarah. Tanging ikaw lang ang pwedeng makahuli sa kanila, dahil ikaw ang pipili at kumalaban para mapasunod mo sila. " Sabi nya.

Hinawakan naman ako sa balikat ni Fixie at nagsalita rin.

" Wag kang mag-alala, nasa paligid lang kami para bantayan at suportahan ka. " Nakangiting sabi niya.

Bigla naman nag-init ang mga mata ko sa sinabi ni Fixie sa akin. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganitong mga kaibigan, yung hindi ka kayang iwan at handa kang suportahan --kahit pinagsakloban ka ng langit at lupa at Destiny mo si ginoong Lampa at kaaway mo naman si Binibining kapahamakan.-- kahit na anong mangyari.

" Guys humanda kayo! " Biglang sabi ni Shaniel at nakatingin ang mga mata nito sa likod namin ni Fixie.

Napatingin na rin ang tatlo at gulat na nakatingin sa likuran ko.

Ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa takot at kaba ng lingunin at makita kung anong uring nilalang ang nasa harapan namin. Para syang dinosaur na may pakpak ng paniki, at sobrang nakakatakot ang itsura nito.

" Pero Aqua, wala tayong laban dyan! Pinagsamang yelo at apoy ang kakayahan nito. Tanging si Flame lang ang makakatalo sa halimaw na 'yan. " Kabadong sabi ni Prince Leo.

Sabay napatingin Sina Shaniel at Anura sa gawi ko, at bakas sa mukha nila ang pag-alala para sa akin.

" We don't have a choice but, RUN!! " Biglang sigaw ni Anura.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now