Chapter 27

19 0 0
                                    

Chapter 27: Blue Moon Fiestival

Princess Aqua's POV

PINAGTITIGAN ko ang mga kilos ni Anura. Para syang uod na hindi mapakali. Pabalik-balik sya ng lakad na para bang hindi alam kung anong gagawin.

" Hoy! "

Tawag pansin ko sa kanya, lumingon lang sya sa gawi ko pero ipinagpatuloy parin nya ang naudlot nyang ginagawa.

Anak ng! Dedma!

Biglang tumayo si Fixie na nasa kabilang sofa sa katabi ng inuupuan ko.

" Magtigil ka nga! Ako ang nahihilo sayo sa ginagawa mo eh! " Inis na sigaw ni Fixie at sapilitang pinaupo si Anura sa tabi nito.

" Ano ba ang nangyayari sayo at parang hindi ka mapakali? " Tanong nito sa seryosong mukha ng matalik na kaibigan.

Napagbuntong hininga muna si Anura bago ito humarap sa amin at biglang nagsalubong ang dalawang kilay.

" I-I don't know! " Wala sa sariling sagot nito at mas lalong nagseryoso ang mukha. " Parang kinabahan ako bigla na hindi ko mawari. " Sabi nya at tinignan kami.

Kita ko sa mga mata nya ang pag-alala at pagkabahala.

Kilala ko si Anura simula pagkabata namin, sa tuwing ganito ang mararamdaman nya ay nag-alala kami sa posibleng mangyari sa mga kakaibang nararamdaman nya. Likas sa mga bampira na magkaroon ng malakas na pakiramdam at makaramdam ng kakaiba, lalo na sa pagkilatis nila sa mga nakakaharap nila. Pero mas malakas pa ang sense of feeling ng Fire user, at yun ay si Prince Flame. Ang kakambal ko.

Napaisip ako sa mga tinuran nya.

Bukas na ang Blue Moon Fiestival at Blue Moon Ball. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas. Pero sa mga ikinilos ni Anura ngayon, parang nag-alala ako sa mangyayari.

Sinyalis ito na may hindi magandang manyayari. Isa itong babala para sa aming lahat!

Naalala ko yung naging balita ni Raiko at Binibining Rena, nung pinag-uusapan namin ang tungkol sa Fiestival sa Canteen at bigla silang sumulpot. Kung bakit nakasuot sila na kulay itim.

*FLASHBACK*

Nang makaupo kaming dalawa ni Kuya Flame sa sofa sa loob ng Head Office, panay na ang pagbuntong hininga ni Raiko. Sobrang seryoso ng mukha nito at hindi makatingin sa amin. Pareho silang nakatayo sa harap namin, hindi man lang ito nag-aksayang umupo sa kabilang sofa na nasa likod lang nila. Hindi ko alam kung bakit kami lang dalawa ni Kuya Flame ang pinatawag nila.

" What's up!? Anything happen? " Tanong ko para basagin ang katahimikan sa bawat sulok ng kwarto.

Napatingin ako kay Raiko na napahimas sa batok nya, sa inakto nya parang hindi nya alam kung anong unang bibigkasin na hindi namin ikakagulat o ipag-alala. Bawat paglabas na mabibigat na paghinga nito ay katumbas ng kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.

I don't want to hear what they want to say, but I need to. I'm sure na mas importante ito sa mundo namin, kung ano man itong ibabalita nila.

" There's bad news and good news, Your Highness. " Mahinang sabi ni Rena at tinignan kaming dalawa ni Kuya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Binibining Rena. Mas lalong nakadagdag sa kaba ko ang diretsong tingin nya sa amin.

" T-Then why are you acting like that!? What is that faces? " Nauutal na sabi ko. Pareho silang natahimik.

Hindi ko gusto ang mga ikinilos nila sa harap namin, lalo na sa nakikita kong pagpigil ni Raiko ng emosyon nya. Napalingon ako sa Kapatid ko pero nakasandal lang ito sa sandalan ng sofa habang hinihintay ang karugtong ng sasabihin nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now