Chapter 2: The Pilosopo King
Samarah's POV
Nagising ako ng may maramdaman akong basa sa pisngi ko. Napamulat ako ng maalala ko yung nangyari sa bestfriend ko, pero agad din ako napapikit ng biglang sumakit yung ulo ko. Umikot din ang paningin ko dahil sa biglaan kong paggalaw.
" Gising ka na pala. "
Napamulat ulit ako at tinignan yung nagsalita.
" S-sino ka? "
Yan agad ang sinabi ko sa lalaking kaharap ko, may dala syang tray na may dahon? Gamot ba yun? O drugs?
" Hindi ako sinuka, iniri ako. "
Abat! May gana pang pilosopohin ako.
Tinaasan ko sya ng kilay.
" Who are you? Yan hah! English na 'yan, kaya sagutin mo na yung tanong ko! " Maawtoridad na sabi ko.
Lumingon sya sa akin at tinitigan ako.
" Bakit? Niligawan mo ba ako, para sagutin kita!? "
Napanganga ako sa sinabi nya. Kung pwede lang sumayad sa sahig, baka kanina na ito sumayad.
" Itikom mo nga yang bibig mo, baka pasukin yan ng mga bubuyog, baka akalaing lungga nila. "
Hampaslupanginiringkanding! P*St*ng Antipatiko! Namumuro na sya hah!?
Hampasin ko kaya sya ng alarm clock sa tabi ko. Kukunin ko nasa yung alarm clock, pero natigil ito sa ere ng may nagsalita.
" Oh! Iha gising ka na pala, apo ilagay mo na 'yung tray sa bedside table. " Sabi ng isang babae na kararating lang.
Nung malapit na yung hampaslupang Antipatiko, tinigna ko sya ng masama, pero ang gago, nagsmirk lang. Pasalamat ka dahil nandito yung nanay nya, kung hindi, baka kanina ko na sya pinatay. Aarrgghh!!
" Aarrff!! Aarrff!! "
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko yung napakamaliit na aso, mabalahibo yung buhok nito na kulay itim, hindi ko alam kung ano tawag sa kanya. Pero waahh! Ang cute nya, sya siguro nagpagising sa akin kaya basa ang pisngi ko. Pwede ko ba ito iuwi sa amin.
" Kamusta nga pala ang pakiramdam mo iha? " Tumabi sa akin ang babae at nakangiting nakatingin sa akin habang hinihimas naman nya ang mabalahibong buhok ng aso.
" Naayos na po yung pakiramdam ko, pero medyo sumasakit lang yung ulo ko! Nasaan po ba ako? " Tanong ko.
Bigla naman lumapit sa akin yung aso at humiga sa lap ko. Dinidilaan ng maliit nyang dila ang hintuturo ko.
" Nasa bahay kita iha! Nakita ka ng apo ko. " Sagot nya.
Napasinghap ako! Napatingin ako sa kanya, head to toe.
Weeh! Di nga!?
Seryoso?!
Narinig ko ang mahinhin nyang tawa. Hindi halatang may apo na sya.
" Nasa lahi namin ito, iha. Basta mahirap ipaliwanag. Paano ka ba nakarating doon? "
Paano nga ako napunta sa kalsada? Eh! Sa pagkakaalam ko nasa gubat ako at sinundan ko si Bessie at biglang may mga itim na ninja ang dumating, nang nasa gitna na kami ng kagubatan. Tapos may sumulpot na isang ninja sa likod nya at sinaksak sya nito ng espada sa dibdib. May kakaibang na liwanag ang biglang lumitaw, then ang huli kong naalala ay may puting ninja ang kumuha kay Bessie.
Waaahh! Huhuhu.. Nasaan na yung Bessie ko?!
" Iha okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? " Nagaalalang tanong ng katabi ko.
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
De TodoWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...