Chapter 14

6 2 0
                                    

Chapter 14: Diamond Island


Samarah's POV

Napatanga ako ng malaman ko yung sinabi ni headmaster, hindi ko alam kung nagbibiro ba sya or pinagtitripan lang nya ako. Pero ang hindi ko akalain na makakasama ako sa magiging misyon ng mga Royalties.

Mahirap ang gustong gawin ni Headmaster para sa amin lalo na sa akin. Palabasin ang aking tinatagong kakayahan? Imposible ang sinasabi nya! Hindi ako isang nilalang na kayang magpapabuga ng apoy sa bibig kung yun ang ibig nyang sabihin. Pero, god! Pagpapatunog ng daliri lang ang alam ko.

" Bukas ng umaga na tayo magsisimula sa ating paglalakbay, bago dumating ang unang kabilogan ng buwan. " Panimula ni Shaniel.

Tahimik lang akong nakatayo sa gilid nya at nakayuko. Hindi ko masuklian ang tingin nila sa akin lalo na kay Fixie.

Dahan dahan kong hinawakan ang sleeve ng damit ko, at pilit na itinago ang markang naiwan sa pagkakahawak ni Fixie sa akin, ilang minuto lang ang nakakalipas. Bakit kasi ipinanganak akong maputi? Sa sobrang puti nito, tinalo ko pa si snow white sa kaputian ng balat nito.

Nasa dormitoryo kami ngayon at naghihintay kung sino ang unang babasag sa katahimikan ng paligid.

" Why she kasali our mission? She doesn't meron ability and she's not maharlika. " Sabat bigla ni France at tinignan ako ng masama.

Kahit na iba ang classroom ang pinasukan nya, parte parin sya ng Royalties. Hindi ko alam kung bakit sya lang ang nakahiwalay sa kapwa nya maharlika!?

Mas lalo akong napayuko sa tinuran nya sa akin. Tinignan naman sya ni Shaniel at tinaasan ng kilay.

" Don't you think, France! Sabit ka rin dito. You are not a pure blood Royal, so! shut your alien mouth, will you! " Madiing sabi nito na nagpatahimik sa pakialamirang bruha.

Buti nga sayo!! Bleeh!!

" Pack your things, and be ready for tomorrow. " Shaniel.

Tumayo naman ang iba at lumabas sa pinto ng dorm, sina Anura at Fixie naman ay pumasok na sa kani-kanilang kwarto. Tumayo narin si Shaniel, sinulyapan lang nya ako, at nagtuloy-tuloy sa kanyang kwarto. Naiwan nalang akong nakatayo at inisip ang nangyari. Oo nga pala, wala nga pala akong mga gamit dito sa mundong ito. Mga damit lang na pinaglumaan na ni Bessie ang ginagamit ko ngayon, okay lang naman sa akin dahil lahat ng ibinigay nya na damit ay hindi naman nya sinusuot. Talaga lang na marami ang mga damit nya dahil sa mahilig bumili ang kanyang Ina ng mga bago sa paningin nito.

Bigla kong naisip ang ginawang disesyon kanina ni Shaniel para bukas, bagay sa kanya ang maging leader, alam nya ang dapat at hindi dapat gawin. Bakit kaya hindi sya tumakbong bilang presidente ng pilipinas?

Nagulat ako at napaangat ng tingin ng may biglang humila sa akin, at mas lalong nagulat ako kung sino ang nilalang ang tumambad sa harapan ko. Teka! Akala ko nakaalis na sya.

Saan nya ako dadalhin?

" A-a-anong g-ginagawa mo? " Nauutal na sabi ko at hihilain ko na sana ang kamay ko ng bigla syang humarap sa akin.

Napalunok ako ng makita ang pagkaseryoso ng mukha nya. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano!? Basta plain lang ito at walang reaction na makikita. Humakbang sya palapit sa akin, paatras naman ako palayo sa kanya, hanggang sa tuloy-tuloy ang ginagawa namin. Nakatitig lang sya sa mga mata ko, biglang lilipat sa kabuoan ng mukha ko pabalik ulit sa mata ko at mukha na naman. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'to?! Ewan ko din bakit kinakabahan ako sa kanya!?

Napadaing ako ng tumama ang braso ko na may pasa sa may pader. Ininda ko iyon ng makalapit at macorner na talaga nya ako.

" Don't you think you safe here!? " Malamig na sabi nya.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now