Chapter 6

4 2 0
                                    

Chapter 6: Moor Falls Garden

Samarah's POV

Holly Sh*t!

Bakit may mukhang kabayo dito na may hugis pakpak ng paniki? May pakpak din na hugis paru-paro at may hugis ng pakpak ng anghel!?

May malalaki ding hayop na kakaiba ang itsura na ngayon ko lang nakita.

Anong lugar ba ito?

Napatingin ako sa paligid, para yatang nasa ibang planeta ako.

Teka? Patay na ba ako? Kukunin na ba ako ni San Pedro? O baka naman nasa mundo ako ni doremon, at napasok ako sa bulsa nya? Shutangina Samarah! Bakit naman nasali sa tapic mo yung pusang gala na 'yun?

At bakit parang kakaiba ang atmosphere dito? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko, parang hinuhugot ng hangin dito ang paghinga ko?

Kung edi-describe mo ang lugar, para kang nasa loob ng paraiso, may mga puno na nakabilog, sa pina-gitna ng mga puno ay may falls na dumadaloy hanggang sa malaking fountain? Teka! Weird. May lumalabas talagang tubig sa ere, pababa sa malaking fountain!

" Binibini, anong ginagawa mo dito sa Moor Falls Garden? Paano ka nakarating dito? "

Napatigil ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang kakaibang boses na nasa likuran ko ngayon, parang malaking higanteng halimaw ang nagmamay-ari ng boses na yun. Hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko at nanginginig ang buong sistema ko sa katawan. Masyadong nakakatakot ang boses nya.

" Hindi pweding makakapasok dito ang mga hindi maharlika! "

Galit na sabi ng nakakatakot na boses.

" Huwag kang bastos at humarap ka sa akin, taksil. " Sigaw nya.

Mas lalong nanginginig ang tuhod ko, dahil sa galit na sigaw nya, napalunok ako ng ilang beses.

Unti-unti akong humaharap sa kanya, pero mas natakot ako ng makaharap ko na sya at makita ang kanyang itsura at anyo.

" WAAAAAAAHHH!!! MONSTER!! "

anaknamannginahingmanok!

Wala na akong maisip, kundi ang tumakbo palayo, pero langya! Hinahabol ako ng panget na halimaw na yun.

Shutangina!! Hinahabol lang naman ako ng isang aso? Lobo? O kung ano mang uri na hayop man 'yon. Ikaw ba hindi matatakot at tatakbo sa mukhang asong nagsasalita, sige nga!?!

May hayop bang nagsasalita ngayon! Eh! Sa fantasy lang naman yun nangyayari eh! At isa pa! Para syang halimaw na galit na galit at gusto kang kainin ng buhay any time. Hindi ba sya pinakain ng nanay nya?!

" Waaaahhh!! Hindi ako masarap kainin, asong panget! Tumigil ka na sa kakahabol sa akin, ayaw ko pang madetey! Huhuhuh!! "

( madetey - means madead or magutay ang katawan. )

Walangya! Hinahabol parin ako ng gutom na asong yun! Mas gugustohin ko pang si Edward nalang ang humabol sa akin noh! Mas kere ko pa ang pagiging Bella at maging bampira sa twilight, oh kaya naman si Jacob na isang gwapong lobo, daming abs n'un. Pero hindi ko kere ang panget na asong ito na humahabol sa akin. Mas gustohin ko pang kainin ako ng mga na gwagwapohang bampira at werewolf, sh*tlungs. =\\\\\=

Mamamatay ka na nga, gwapo parin ang nasa isip mo gaga ka! - mind

Chee! Mind your own beautiful business brain.

Nawala ang pagday-dream ko ng may humarang sa harap ko. Napatigil at napatingala ako sa mga nilalang na nasa harapan ko ngayon. Hindi sila katulad sa naghahabol sa akin, dahil ang nasa harap ko ngayon ay nakasuot nang kulay asul na balabal. Sa likuran nya, may kasama syang apat na lalaki na may hawak na sandata at nakasuot ang mga ito ng pangkawal or armour suits. Nakasakay sila sa kabayo, yung apat na armour ay kulay dark brown ang kabayo nila, at sa nakaasul naman ay kulay puti ang kabayo nito na may suot na parang bracelet sa noo nito, na may kakaibang simbolo ang nakaukit.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now