Chapter 9

3 1 0
                                    

Chapter 9: First Day. First Meet.

Samarah's POV

Wala na yatang makakatalo sa tag of war, ng dalawang nasa harapan ko ngayon.

" Sabing akin to eh! "

" Marami pa naman iba dyan! "

" Ito nalang ang natitira, kumuha ka ng ibang parte. "

" Eh! Gusto ko yung hita eh! Anong magagawa mo?! "

Akala ko sila ang masu-surpresa sa pagdating ko, pero ako pala ang masu-surpresa sa nakikita ko ngayon.

Hita lang ng manok? Pinag-aawayan nila? Dyosmiyo! Parang mababaliw ako ng 'di oras nito sa kanilang dalawa, kesa sa tatlong panganib na maaaring ipapataw sa akin. Sobrang gulo sa loob ng dorm, parang may bagyong dumaan sa sobrang kalat. Hindi yata nila napansin ang presinsya ko at patuloy parin sa paghihilaan ng pagkain.

Hindi parin sila tumigil sa pagbabangayan. Naglakad ako at pinalaki ko ang pagbukas sa pinto, napatingin ulit ako sa dalawa. Humugot ako ng lakas ng loob, at napangisi sa naiisip kong kalukuhan. Pabagsak kong isinara ang pinto, na naging dahilan ng pagtigil sa dalawa. Sabay napalingon sa kinatatayuan ko ang dalawa at parihong nagtataka sa presinsya ko.

" Hindi ba uso ang kalinisan dito? " Mala-seryosong sabi ko at napatingin sa magulong sala.

Good job, Samarah! Pwede ka nang mag-artista sa galing ng pag-acting mo.

Ganito ba talaga ang ugali ng mga nilalang dito?

" P-pagpasinsyahan mo na ang dormituryo namin, m-medyo m-magulo, hehehehe!! " Sabi ng isang babae.

Mahaba ang buhok nito na may pagka-curl sa ibaba, may bulaklak din sya sa kanang tenga. Light pink ang labi, red pinky cheeks, and also she have a beautiful Violet eyes with also long eyelashes. Perfect kind of girl. Pero isip bata rin. I like her. Mukhang magkakasundo kami sa ibang mga bagay.

" Ikaw ba yung bagong makakasama namin sa dormituryo? " Tanong naman ng isa pang babae.

Mahaba din ang buhok nito na nakatali gamit ang pulang laso, may maputlang balat, at kasing pula ng dugo ang labi. Parang laging may lamay sa kanila dahil sa outfit nitong nakaitim.

Tumango lang ako sa tanong nya.

" Pwede ba natin linisin ang kalat, bago tayo magpakilala. Hindi kasi ako sanay na magulo ang paligid. " Saad ko.

" Pariho pala kayo sa isa pa naming kasama, wala nga lang sya ngayon. " Bulong na sabi nung babae na may bulaklak.

Nagsimula na kaming maglinis, kweninto din nila sa akin kung paano nagsimula ang pag-aagawan nila sa pagkain. Kaya naman pala sila nag-aaway dahil ngayon lang ulit sila makakain ng lutong bahay, lagi daw sila sa kainan/cafeteria kumakain dahil pariho silang hindi marunong magluto. Ngayon lang din daw ang pagbabalik ng kasama nila dahil may mahalagang mission itong ginampanan.

" Grabe nakakapagod pala ang ganito! Sa laki ba naman ng Dormituryo, hindi ka ba pagpapawisan? " Nakaupong sabi nung babaing may bulaklak.

Hindi ko pa sila kilala kaya, yun nalang tawag ko sa kanya.

" Ako nga pala si Cian Fixie, Fixie na lang. Isa pala akong Fairy, kita mo naman may bulaklak sa tenga ko. " Nakangiting sabi nya at tinuro pa ang bulaklak sa ulo nya.

Tumango lang ako bilang tugon. Wala ako sa moon ngayon.

Sino bang nagsabi sayong tumulong ka sa paglilinis! -- page-epal ng isip ko.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now