Chapter 23: First Kiss
Samarah's POV
Ang bilis nang tibok ng puso ko ng makita ko kung paano ginamitan ng mahika sina Anura at Fixie sa harap ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa bigla.
Hindi man lang sila lumaban, hinayaan lang nilang atakihin sila ng kalaban.
Bakit??
Napatingin ako sa babaing nakatayo ilang pulgada lang ang layo sa amin may dalawa pa itong kasama, nakangisi na ito at parang ang saya-saya nya na may nasasaktan syang nilalang sa harapan nya.
Bakit nya ginagawa ito sa kauri nya?
Ibinaling ko ang pansin ko kina Anura at Fixie. Dumaloy ang dugo sa sugat na nasa noo ni Fixie, dahilan para kumalat ito sa ibang parte ng mukha nya. Nasugatan naman sa braso si Anura, kaya hawak ng isa pa nyang kamay ang sugatan nitong braso.
Bakit hinarang nila ang mga sarili nila at salubongin ang mga tira, na dapat ay sa akin?
Bakit nila ako pinoprotektahan?
Ano bang nagawa ko at nangyayari ito sa mga kaibigan ko?
May nagawa ba ako kaya pati ang mga malapit sa akin nadadamay sa kasalanan ko?
Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko, pati paghinga ko hirap ko nang palabasin. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko at gusto nang bumigay ang mga tuhod ko, pero nanatili parin akong nakatayo at walang nagawa kundi ang tignan na lang ang dalawa na nasa harapan ko.
Kahit likod lang nila ang nakikita ko, alam kong naghihina na sila sa daming sugat ang natamo nila dahil sa pag-ataki.
Ilang oras na din ang nakalipas. Hindi ko alam kung saan galing ang malalaking sugat nila na para bang may espadang dumaplis sa mga balat ng mga ito. Nakikita ko din ang galaw ng mga balikat nila dahil sa paghabol ng kanilang hininga.
" Hindi parin kayo nadadala? " Tumawa ng malakas ang babaing nag ngangalang Kasandra. " Sa tingin nyo!? Sa ginawa nyong pagharang sa mga sarili nyo sa kanya, hindi din sya masasaktan? " Mas lalo syang tumawa na nagdulot ng pagtahimik ng lahat na nandito.
Naghihintay sa susunod na kaganapan.
" Naubos na ang lakas nyo kaya, wala na kayong magagawa kundi ang saksihan kung paano ko sya pahirapan. " Nakangising sabi nya at tumingin sa gawi ko at ngitian ako ng may mala-domonyong ngiti.
Humakbang ito ng dalawang hakbang at tinuro ako.
" Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo! " Galit na sabi nya. " Papatayin muna kita bago ang mga kaibigan mo. "
Napasinghap ako at napatingin sa nakangisi nyang labi.
Bigla akong napatulala, may mga imaheng biglang lumitaw sa utak ko at gumalaw ang mga paa ko paatras sa aking nakita.
" 'Wag mong idadamay ang kapatid ko dito!! "
Si kuya.
" Sa tingin mo hindi sya masasaktan!? "
Humakbang ito ng tatlong hakbang at tinignan nya si kuya habang nakangisi ang mga labi nito.
Hindi ko sya kilala. Sinong taong ito? Bakit nya kami gustong patayin?
" Papatayin muna kita bago ang kapatid mo. "
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
DiversosWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...