Chapter 19

1 1 0
                                    

Chapter 19: The Flower

Third's POV

Pinag-isipan ni Samarah kung susundin ba nito ang sinabi ng matanda, pero ilang oras din ang nakalipas ng magawa na nyang magdesisyon at yun ay ang pumasok sa lugar kung saan napapalibutan ito ng hamog. Ilang beses syang napalunok sa kanyang laway bago nya ihakbang ang mga paa papasok sa sinasabing lugar.

Lumingon lingon pa sya sa bawat bahagi ng lugar pero tanging hamog lang ang nakikita nya, mga ilang hakbang pa lang ang kanyang nilalakad ay bigla nalang sya napaabanti ng mabilis na para bang may pwersang humihila sa kanya papasok sa madilim na gubat.

Napasigaw na lang sya sa bigla at biglang ipinikit ng madiin ang mga mata at hinintay ang kanyang katapusan.

=======

Sa ibang banda naman, sabay napatigil ang mga maharlika ng marinig nila ang sigaw ng isang nilalang.

" You rinig that!? " Gulat na tanong ni France.

" What do you think? Kaya nga tayo tumigil diba!? " Pamimilosopo ni Anura sa kanya.

Tinaasan lang sya ng kilay ni France at pinaikotan ng mga mata.

Nabaling ang tingin nila kay Shaniel ng bigla na lang itong tumakbo, kasunod naman nito si Cian na agad din sumunod sa Prinsesa, at sa isang iglap nawala din sa paningin nila si Anura. Nagtataka man ang lahat ay agad din nilang naintindihan ang nangyayari, alam ng tatlo kung kaninong boses ang nagmamay-ari na iyon.

Samarah's Screaming voice.


========

Napaubo si Samarah ng pumasok sa bibig nya ang ilang hamog nung napasigaw sya, pero agad din sya napatigil at napanganga sa kanyang nasilayan.

" Omo!! " Tanging nasabi na lang nya dahil sa galak.

Napangiti sya at napatakbo sa nagtataasang damo na para bang batang ngayon lang nakakita ng magandang laruan at sabik na hinawakan ito na para bang nakikipag-highfive sya sa kamay ng mga Fans nya --kung meron nga ba, inamoy-amoy pa nya ang mga bulaklak na nakakalat sa kapaligiran. Hindi nya akalaing may mas e-gaganda pa pala ang mundong ito.

" Paradise! " Bigkas nya at inilibot ang paningin sa lugar, at pumaikot-ikot pa ito.

Tumigil sya nang may kumuha ng atensyon nya, isang bulaklak, kulay ginto ito at parang diamante sa kinang ang patak ng tubig nito na mas lalong nagpapaganda sa kakaibang bagay, na para bang dinaanan ng ulan, dahil may bakas pa ito nang tubig, pero nakakapag-takang tanging ito lang ang nabasa.

Lumapit sya dito at tinitigan, hugis Rosas ang bulaklak at mahalimuyak ang bango nito, napansin nya na walang tinik ang tangkay nito.

Kapansin-pansin din ang kakaibang kulay at ganda nito, kinuha nya ito at napangiti sa ganda ng bulaklak, mas lalong lumapad ang ngiti nya sa kanyang naisip.

Inangat nya ang kamay na may hawak ng gintong bulaklak at inilagay sa likod ng kanyang tenga, sa ginawa nyang iyon parang gumaan bigla ang pakiramdam nya na para bang hindi sya nasaktan sa masasakit na salita ng Prinsipe kanina. Ibinaba na nya ang kanyang kamay at naglakad palapit sa mga iba't ibang bulaklak, bigla din nagliparan ang mga paru-paro na mas lalong napaganda sa tanawin.

Napangiti sya sa nasaksihan.

" Sana pweding tumira dito habang buhay. " Sabi nya.

Pero ang hindi nya alam, ang nakuha nyang bulaklak ay  ang 'Flower of Life'. Ang dahilan ng kanilang paglalakbay.

Unti-unting binabago ng mahiwagang bulaklak ang anyo ni Samarah, sa bawat paghakbang niya ay nag-iiwan ito nang bakas ng mga maliliit na bulaklak. May kulay asul ang pumaikot sa kanyang talampakan, hanggang sa balikat. Ang kaninang suot nyang pantalon ay napalitan ng mahabang saya na sumayad na sa lupa, ang kulay nito ay Light Green, na may halong Green sa dulong ibaba, may iba't ibang bulaklak din itong nakadesign. Sa may bandang dibdib naman nya ay may mga nakadesign na iba't ibang kulay nang mga paru-paro na kakulay ng kalikasan at napalitan ang kaninang suot na itim na T-shirt.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now