Chapter 15

8 1 2
                                    

Chapter 15: Mystery Guy


Samarah's POV

Nagising ako sa isang malalim na panaginip, inilibot ko ang aking paningin sa mga kasama ko. Tulog pa ang mga ito at ang himbig ng tulog nila. Nasa White River parin kami at dito na lang namin hinintay ang umaga para ipagpatuloy ang aming paglalakbay.

Babalik na sana ako sa pagkakatulog ng may mahagip ang mga mata ko sa isa sa mga puno dito, kahit walang sinag ng buwan nakikita ko parin ang bulto ng isang nilalang katabi ng isang puno, sa tulong nang nagliliwanag na mga halaman.

Napakunot-noo ako ng makita syang nakatingin sa gawi ko, tumayo ako at tinignan din sya. Nakita ko ang labi nyang nakangiti. Nababakas sa kanya ang galak at kaligayahan, kahit hindi ko nakikita sa buong mukha nya ang mga iyon dahil sa balabal na nakatakip sa mukha nya hanggang sa ilong. Tumalikod ito at nawala sa kadiliman.

Lumingon ulit ako sa mga kasama ko, tulog parin ito at hindi man lang naramdaman ang presinsya ng isang nilalang. Hindi ko alam kung bakit sinundan ko ang nilalang na iyon, pero pakiramdam ko parang kilala sya ng katawan ko. Kahit hindi ko nakita ang mukha nya, ang presinsya nya na mismo ang nagbigay sa akin ng dahilan kung bakit sumunod ang mga paa ko sa kinaruruonan nya.

Lumingon lingon ako sa paligid ng hindi ko na sya mahagilap. Tumigil ako sa pagtatakbo at naglakad na lang. Napatigil ang mga paa ko sa pagkilos ng may isang maliit na kubo ang tumambad sa akin. Gawa ito sa kahoy at ang tanging bubong lang nito ay gawa sa dahon ng niyog. Mukha na itong nilipasan ng panahon dahil sa iilang bahagi ng bahay ay sira na at butas-butas na rin ang bubong. Humakbang ako at napatingin sa paligid, wala man lang kahit na anong nilalang o mga hayop sa paligid. Tumapak ako sa isang baitang ng hagdan, kahit mahina lang ang paghakbang ko, nagbigay naman ito ng malakas na tunog dulot ng kalumaan ng bahay.

" May nilalang ba sa loob? " Sabi ko, pero tanging page-echo ng boses ko ang aking naririnig.

Naglakad pa ako patungo sa pinto, nakita ko na nakaawang pa ito ng kunti. Dahan-dahan ko itong binuksan at sa pagbukas ko ay wala man lang kahit na anong nilalang o gamit ang bahay. Tuluyan na akong nakapasok sa loob at inilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng kwarto. Ilang sigundo ang lumipas ay may maramdaman akong presinsya sa likuran ko.

" Sam. "

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang boses nya malapit sa aking tenga. Hindi ako makagalaw ng marinig ko galing sa kanya ang pagtawag nya sa dati kong palayaw. Sobrang lapit nito na kulang nalang ay magdikit ang aming katawan.

Iisang nilalang lang ang laging tumatawag sa akin ng gan'on. Tanging SYA lang. Ang lalaking 'yon lang ang nagbigay sa akin ng ibang pangalan.

Imposible!!

Paano!?

" Nandito lang ako, laging nakamasid sayo. Araw-araw, SAM. "

Sa paglingon ko sa kanya ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumakop sa apat na sulok ng bahay.



Princess Aqua's POV

" Nakita nyo ba sya!? " Agad na tanong ko ng hindi ko sya makita na kasama nila.

" Hindi. Hindi ko rin nakikita ang mga bakas nya. " Sagot ni Leo.

" I can't feel her present, too. " Saad din ni Araku.

Sh*t! Where is she?

Dumating naman sina Parker kasama sina Anura at France, hindi nila kasama si Cian at lalo na si Flame. I'm sure, hinahanap parin nila si Samarah.

Arah, saan ka ba pumunta?

Bakit bigla ka na lang nawala sa tabi ko?

Bakit wala ka na pagkagising ko?

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now