Chapter 25

11 0 2
                                    

Chapter 25: Spell of Shoul

Samarah's POV

HINDI ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa mga utak ng dalawang ito at pinaalam na sa lahat na isa silang royalty?

Ewan ko kung may mga paa ba ang utak kaya nasabi kong tumatakbo ito. Sa isip ko.

Hindi makapaniwala ang lahat sa nalaman maliban sa mga nakakaalam ang tungkol sa pagkatao ng dalawa. Ang iba nga humingi pa ng sorry sa mga nasabi nila ng malaman ang dalawang nilalang na hinuhusgahan nila ng ilang taon ay isa palang dugong bughaw.

Napabuntong hininga na lang ako at umiwas sa mga tingin ng mga estudyante ng Wizarlem Academy.

Sige na, mamatay kayo sa inggit!! Hah! Akala nyo ha! Mga judgemental kasi, 'yan ang napapala sa mga inggetira.

" Malapit na ang Blue Moon Festival. " Out of the blue na sabi ni Prince Leo.

Napalingon sa kanya si Anura at Shaniel.

" Two weeks to go. " Sabi naman ni Araku.

Blue Moon Festival?

Meron palang festival sa mundong ito, akala ko sa human world lang ang meron.

Napahalumbaba ako sa mesa at inisip ang posibleng meron sa Fiesta.

" It's also her birthday. " Boses ni Shaniel.

Ano kaya ang meron sa Fiesta?

" Whom? " France.

May mga street food din ba doon?

" Samarah. " Shaniel.

May mga palaro din ba?

" Paano mo nalaman? " Parker.

Meron din bang Carnival dito?

" Because she's the headmistress, duh!! " Fixie.

Meron din bang Fireworks sa mundong ito?

Ay malamang Samarah, may mga powers nga ang mga nilalang dito, isang pitik lang ng daliri nila, duh!! - my epal maid said.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng magulat ako sa malakas na paghampas ni Araku sa mesa. Buti nalang at alerto si Anura na nasa tabi ko at agad akong nahawakan sa braso.

" Araku, ano ba! " Sigaw ni Shaniel dahilan na mas lalong nagbigay nang attention ng lahat sa amin.

Paktay!!

Napatingin ako kay Shaniel at inilipat ko naman ang tingin kay Araku. Bakit parang may tensyon sa dalawang ito? Parang may something sa dalawang ito na tanging sila lang ang makakasagot. Ay ewan.

" Okay ka lang ba? " Tanong ni Anura na may pag-aalala sa tuno ng pananalita nya.

Tumango ako at umayos ng pagkakaupo.

" Nagulat lang ako. " Sabi ko.

Nakita ko ang pagpigil ng pagtawa nito at tinakpan ang bibig, may sinabi pa ito pero masyadong mahina.

" I'm sorry, hindi ko naman akalaing magugulatin pala si Samarah. " Narinig kong sabi ni Araku.

Napatingin ako sa kanila, ngayon ko lang naalala na may mga kasama pa pala ako.

" Tsk! Bakit mo kasi hinampas bigla ang mesa? " Sabi ni Prince Leo.

Tinignan naman sya ng lahat at hinintay ang sagot.

" I just cared away. " Kibit-balikat na sagot ni Araku.

Bigla kong tinakpan ang bibig ko at yumuko at patagong humikab, baka sabihin nilang boring silang kasama. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan humikab. Kanina ko pa nga ito ginagawa, hindi ko lang alam kung bakit ako napapahikab kahit alam ko naman hindi ako inaantok. Sakto naman ang tulog ko, pero parang pagod na pagod ang katawan ko.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now