Chapter 5: Mystery World
Samarah's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw galing sa labas ng terrace. Naginat-inat ako at napahikab na rin, bagong araw, bagong buhay na wala si Bessie. Hindi ako sanay na wala sya dito sa bahay, hindi ako sanay na walang sisigaw at gigising sakin sa umaga para makapasok sa school.
Wait!? Napatingin ako sa orasan, nanglaki ang beautiful eyes ko ng makita ko ang alarm clock sa bed side table. Langya 15 mins. nalang at late na ako sa klase! Naluko na, absent na nga ako kahapon dahil sa nangyari sa akin, late naman ako ngayon. Tumakbo ako papasok sa CR at nagmadaling naligo, hindi na ako kumain dahil late na talaga ako sa school nagawa ko pa ngang gupitin yung buhok ko para langyan ng bangs. New life, new hair style na ang moto ko ngayon.
Pagkarating ko, swerte at wala pang Prof na pumasok sa room. Pero bakit nag-iingay at wala sa kanya-kanyang upuan ang mga classmate ko at may kanya-kanya business yata sila!?
" Oh!? Para yatang may Marathon sa labas, Samarah hah?! Wrong timing ka, hahaha!! Walang klase sa first and second subject natin, dahil may meeting ang mga teacher sa auditorium. " Sabi ng classmate kong si Lary ng makita akong nasa pinto at hingal na hingal sa mahabang takbuhan.
" Hu-wat?! Anak naman ng pusang iniri ni Ben Ten. Nagmarathon pa ako para hindi ma-late sa klase, nagpa-bangs pa ako, hindi kumain at lahat-lahat na, tapos ito lang ang madadatnan ko? Shutangina, nasayang lang ang effort ko para lang makapasok ng maaga, yun pala walang klase!? " Inis na sabi ko.
Tumawa nalang si Lary at pinagpatuloy ang ginagawa nya kanina. Pero may sinabi pa sya na nagpangiti sa akin.
" Nice hair hah! "
Pumasok nalang ako sa loob, pero sinususwerte ka nga naman, ngayon pa nagparamdam ang pagkalampa ko, nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa nasaksihan, tumawa na lang ako at tumayo.
" OK lang madapa, basta walang nakahalik sa lupa. Naniniwala ako sa kasabihan na, aanhin pa ni darna ang bato kung nabulunan naman sya!! "
Kahit nakakahiya, okay lang. Nasanay na rin naman ang mga kaklase ko sa pagiging lampa ko at madapuan ng kamalasan.
" HAHAHAHAHA!! "
Nagtawanan sila sa sinabi ko, ganyan talaga ako kapag lagi akong nadadapa, dinadaan ko lang sa tawa at pagbibiro. Walang patutunguhan kung iiyak kalang dahil sa pinagtatawanan ka, maki-ride ka nalang sa kanila at sabayan mo ng joke, at magugustuhan ka rin ng mga taong pinagtatawanan ka.
" Iba ka talaga Samarah, lodi na kita! Petmalu, hahahaha!! " Natatawang sabi ng isa ko pang kaklase.
Oh! Kitams. Daanan ko lang sa biro lodi na nila ako paano na kaya kung sikat na akong comedian?!
" Samarah, bakit hindi mo kasama si Shamae? At ilang araw na din kayong absent. " Aimee.
Si Aimee ang kaklase kong puro pagpapaganda ang inaatupag, pero mabait yan, sya lagi ang tinatakbuhan namin pagdating sa make-up.
" Oo nga! Absent din kayo kahapon. " Sabat naman ni Altea, na Best friend nya.
Ang happy go lucky sa school.
Napatingin ako sa kanya, nawala ang ngiti ko ng mabanggit nya ang pangalan ni Bessie, Shamae short for Shanylla Mae yan ang tawag sa kanya ng lahat.
" A-ah! Nagbakasyon lang, pinapunta kasi s-sya ng parent nya sa A-america. " Pagsisinungaling ko.
Ngumiti ako para hindi mahalata na kabado ako. Nakita ko naman ang pagtataka sa mga mukh nila.
" Huh?! Ang aga naman yata? Ang layo pa ng summer vacation natin. " Sabi naman ng isa pa namin kaklase, na hindi ko kilala.
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
RandomWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...