Chapter 10

2 1 0
                                    

Chapter 10: Elements

Samarah's POV

Inhale, exhale, inhale, exhale.

Relax Samarah! Wag kang magpapaapikto sa nakikita mo ngayon, kung ayaw mong tumanda ng maaga, dahil lang sa dalawang kasama mo ngayon na parang mga batang nag-aagawan ng laruan. -__- at ako yung laruan. Pinapanood narin kami ng mga estudyante dito sa hallway. Nakakahiya na nga eh! (_ _")

" Sa akin ka sumama Samarah, ililibot kita sa Academya. " Fixie

>_> ----> ako

" Wag kang sumama dyan sa tutubing yan, alam kung gutom ka na Samarah at pupunta tayo sa kainan, ililibre kita. " Anura.

<_< -----> ako

" Sa akin sya sasama, Anura. Patatabain mo lang si Samarah eh! " Naiinis na sabi ni Fixie.

" Bakit? Patatabain mo din naman sya ng katanungan mo diba? Alam kung tatanungin mo sya ng kung ano ano. " Galiit na sabi ni Anura at sinamaan ng tingin si Fixie.

Bigla naman nag-iba ang kulay ng mga mata nila. Anura's eyes turned to be a dark red eyes when she feel anger. At kay Fixie naman ay dark green kapag naiinis sya. Yan kasi ang nakikita ko kapag nagbabangayan na sila, sa puntong mag-aaway na talaga sila. >__<  Cool right!? But for me it's actually weird! I really feel that, I seen that eyes before.

" Pwede ba, tumigil na kayo!? Mas lalo nyong pinatataba ang utak ko sa inis sa bangayan ninyong dalawa. Gutom na ako at kapag ako, nagutom, hindi lang pagkain ang kakainin ko baka pati kayo kakainin ko. " Naiinis na sabi ko sa kanila at pwersahang hinila ang makabilang braso ko na hawak nitong dalawa.

Kulang nalang humiwalay ang braso ko sa katawan sa lakas ng pagkakahila nitong dalawa.

Tinignan ko sila ng seryoso at nakita ko ang sunod-sunod na paglunok ng dalawa at sila na mismo ang humila sa akin papuntang Cafeteria.

Tsk, weird people.

Pagdating namin sa Cafeteria, agad naman nagsalita si Fixie.

" Aah! Kami nalang ni Anura, ang kukuha ng makakain natin. Hehehe!! Ikaw nalang maghanap ng mauupuan. "

Naglakad na ang dalawa, nang makita kong papalayo na sila sa kinatatayuan ko ay naghanap na ako ng mauupuan, may nakita naman akong bakante at katabi ng malaking glass wall. Tanaw nito ang napakalaking garden sa labas at ang mga nilalang na ng kukumpolan dun. Kaya naisipan ko na dun nalang kami, mas maganda kasi pagmasdan ang view kapag malapit ka sa glass wall at makikita mo ang labas dito sa pwestong ito, masisilayan mo rin ang kagandahan sa labas gaya ng garden na nasa labas ng canteen.

Napahikab ulit ako, antok na antok na talaga ako.

Dahil siguro ito sa paggising ko ng madaling araw. Yumuko nalang ako at ginawang unan ang mga braso, ilang sigundo nahila na talaga ako ng kadiliman.

Prince Leo's POV

" Kamusta? Nagkaayos na kayo? " Tanong ko kay Aqua.

" Nagkaayos na kami, salamat talaga sa tulong mo, Leo. " Sagot nya. Tumango lang ako at ginulo ang buhok nya.

" Walang anuman, basta ikaw. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Napanguso naman sya ng ginulo ko na naman ang buhok nya. Ang sarap nyang asarin. (^_^) Pinaka-ayaw nya ang guluhin ang nakaayos nyang buhok. Ang rason ay ilang oras daw ang pag-aayos nya dito. Pero kahit simple lang ayos lang sa kanya, maganda parin sya.

" Tapos na kayo, maglandian? "

Napalingon kami sa likod, nakita namin si Flame na nakatayo sa likod namin at seryosong nakatingin sa amin.

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now