Chapter 13: The Prophecy
Samarah's POV
Para akong isang anino na sunod ng sunod nitong dalawa. Ilang dipa lang ang layo ko sa kanila pero naiilang parin ako sa dalawang ito. Hindi ko akalaing kabilang pala sila sa ---
" Hoy! Talaga bang ganyan ka na lang lagi hah?! Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya ang dahi-- "
Nabalik ang diwa ko ng may marinig akong sumigaw. Napatingin ako sa harap kung saan nangunguna sa paglalakad yung dalawa.
" Tumahimik ka na nga! Ano bang paki ko sa hinayupak na yun?! Sino ba sya sa inaakala nya!? " Sigaw pabalik ni Anura at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kasigawan nito.
Napatahimik kaming lahat sa bangayan ng dalawang kasama ko, lahat na yata naghihintay kung ano man ang kasunod na mangyayari. Naghihintay kung may away na magaganap sa dalawang parang tigre at lion.
Umiwas ng tingin ang lahat ng tignan sila ng masama ni Anura at bigla na lang ito naglakad ng mabilis.
" Hayst!?! Kahit kailan talaga napakasinungaling nun!? " Sambit ni Fixie.
Nagtataka akong lumapit sa kanya at nagtanong.
" Anong meron at parang galit na galit si Anura? "
Tinignan nya naman ako at ngitian. Eh?! Change mood.
" Hayaan mo muna sya. Siguro sa kanya ka mismo magtanong, tanging sya lang ang makakasagot. " Sabi nya at naglakad ulit.
Bigla naman nya ako hinila nung hindi parin ako sumunod sa kanya. Kumapit pa ito sa braso ko na parang tuko at parang baliw na pangiti-ngiti sa harap ko.
" Ang sarap mo talagang hawakan Samarah. Ang lambot ng balat mo. "
Napatigil naman ako sa sinabi nya at tinignan sya ng may pagtataka. Bakit ba parang ang weird ng babaing ito? Pati balat ko iniintiresan nya.
" Bakit!? Ayaw mo bang pinupuri ka ng kahit sino? Kahit pa sa Maharlikang kagaya ko?! " Panunuyang sabi nya.
Napangiwi ako ng ibulong nya ang pangatlong tanong na iyun. Pssh! Pinaalala pa nya.
Ngumiti na lang ako ng pilit at umiwas ng tingin sa kanya.
Dalawang araw na rin ang lumipas ng malaman kong kabilang pala sila sa maharlika. At tagapag-mana ng kanilang kaharian.
Napag-alaman ko rin na kaya hindi kilala ng mga Estudyante dito ang dalawang nilalang na ito ay dahil hindi nila pinaalam na isa din silang maharlika. Ayaw nilang magkaroon ng special treatment and also they hate attention, kaya pala normal lang ang trato sa kanila ng mga estudyante dito, kaisa sa mga pinapakita ng lahat sa mga maharlika. This is the good news for me, I have a chance na makausap si Shaniel kahit sa dormitoryo lang pwede kaming makapag-usap, not in the public places baka maraming makakaalam about our past. Maybe kaya ako inilagay ni bessie sa dorm nila dahil siguro sa dalawa. Fixie and Anura.
I'm sure na hindi ako pakikialaman ng lahat or maybe baka sa dalawang ito nya ako pinagkatiwalaan na maging ligtas ako sa lahat, kapag nasa tabi ako ng dalawang kaibigan nya.
Pero hindi ko maiwasang kabahan kapag naisip ko yung kakaibang tingin ng iba sa akin, even that named Parker Braze.
" Gusto mo bang magwali-waliw muna sa Academy, Samarah!? "
Napatingin ako kay Fixie, nakatingin ito sa ibang direksyon, bigla naman ako napasunod sa tinitignan nya.
Napamangha ako sa nakita ko sa paligid.
There's have a lot of Fairiessss!! O.M!!! God!!
Heaven!!!
Para akong batang sabik na sabik sa isang laruan. Napatakbo ako sa napakalawak na lugar at may nag-iisang napakalaking puno sa gitna nito. Pinapalibutan nila ito at sinasabuyan ng kanilang magic dust. Hindi ko pala napansin na dito ako dinala ni Fixie.
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
RandomWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...