Chapter 7

2 1 0
                                    

Chapter 7: MAGE

Samarah's POV

Napaupo ako at para bang nanggaling ako sa masamang panaginip habang habol-habol ko ang aking paghinga. Napapikit-pikit pa ako ng mata, medyo blurry pa yung paningin ko, pero 'di nagtagal unti-unti din naman ito lumilinaw.

Napatingin ako sa paligid. Teka! Hindi naman ito yung kwarto ko hah?! Napalingon ako sa kaliwa ko, pero laking gulat ko kung sino yung taong nasa harapan ko ngayon, hindi ako makapaniwala na yung taong ilang araw ko ng hindi nakita ay nakatayo sa harap ko ngayon.

" B-be-bessie!? "

Teka! Patay na ba ako?

Nakita ko syang ngumiti sa akin, may isang butil ng luha ang tumulo sa kanang mata nito at sabay sabing.

" Welcome back, Arah! "

Napatulala ako ng ilang sigundo at biglang nanglaki ang mga mata.

So?

I'm dead?

Tsugi na talaga ako?

Dedot na?

Detey na talaga?

I am a ghost?

Waaaaaaahhhhh!!!!!!! No!!

" I know what you're thinking! "

Waaaaahhh!!! Hindi!!

Ibig sabihin patay na talaga ako?! Hindi pwede! Marami pa akong mga pangarap sa buhay, gusto ko pang pakasalan si Lee Min Ho, maging fiance si Kim Bum, maging boyfriend si Kim Soo hyun, mag---

" Stop it, will you!! Buhay ka pa, OKAY! You're still alive. " Inis na sabi nya at tamad na tinignan ako.

" Nanaginip lang ako! " Sabi ko sabay pagsampal sampal ko pa sa mukha ko.

*paaakk*

" Huhuhu!! Bakit mo ako binatukan? Inaano ba kita!? " Mangiyak-iyak na sabi ko at napakamot sa ulong binatukan nya.

" Gaga! Malamang gising ka, at FYI lang, Arah! Buhay ako at hindi pa ako patay. Kita mo naman, nasaktan ka at hindi ka nananaginip! Masakit diba?! " Pang-aasar nya, napanguso naman ako sa kanya.

Paano naman nya nalaman sinabi ko na patay sya? Kung sa isip ko lang yun sinabi?

" Babatukan na talaga kita, Arah! Wag kang mag-isip, lumalabas sa bunganga mo ang iniisip mo. Para kang baliw. " Sabi nya at tinignan ako ng masama.

" Ganyan ba ang epikto nang kwentas ng yung ina?! Nagiging baliw?! "

Napatingin ako sa nilalang na katabi ni Bessie, nagulat ako kung anong klasing nilalang ang nasa harapan ko ngayon.

" A...Aah... AHAAAAAAASS!!! KYAAAAAAHHHH!!! Ilayo nyo sa akin yan. "

Nagtago ako sa kumot at dun umiyak. Nanginginig ang mga kamay ko, at para akong kinakaposan ng hangin?! Hindi ko alam pero, sa t'wing may nakikita akong ahas, parang unti-unti nila akong pinapatay, feeling ko kasi parang hinihigop nila yung kaluluwa ko palabas ng katawan ko. Hindi naman ako takot sa nakakadiring ipis at daga, pero wag lang ang mga Ahas, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nakakita ako ng ganong hayop? Tanging ang parents ko lang at kina kuya at Bessie lang ang nakakaalam kung ano ang kinatatakutan ko. Bata pa lang ako, ito na talaga ang kinatatakutan ko noon.

Bigla naman akong may naramdaman palapit sa akin at umupo sa kama. Naalarma ako at napalayo sa kanya.

" Hey! Hey! Easy! It's me, Samarah! Ako lang ito! Ako lang ito! Okay! Wag ka ng matakot. "

Wizarlem AcademyWhere stories live. Discover now