Chapter 20: Monster Pet HuntingSamarah's POV
" Seryoso?! " Hindi makapaniwalang tanong ko at napalingon kay Fixie na nasa tabi ko lang, sa balitang ipinahayag ni Anura sa amin.
" Oo, Samarah. Babalik na sila sa mga lungga nila. " Natatawang sabi ni Fixie.
Tinignan ko lang sila.
" Para naman hindi kayo Royalty ha! " Bulong ko na nagpakunot noo sa dalawa.
Ngumiti na lang ako at napahalumbaba.
Ibig sabihin, hindi na namin kaklase sina Bessie?
Bumalik na sila sa totoong classroom nila, na natapos ng ayosin dahil sa gulong nangyari noon. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa harap ng pisara sa loob ng kwartong ito.
Tatlong araw na rin ang nakalipas ng makaharap namin ang Magnegon --nakalaban ko nga ang mga ito-- at accidentally kong nahanap ang mahiwagang bulaklak. Natuwa nga sa akin si HM sa nagawa ko, kahit hindi ko 'daw' naipalabas ang kakayahan ko sa paglalakbay namin, ay mabilis ko namang nagamit at nakontrol ang mahika sa mahiwagang bulaklak na iyon.
Hindi daw basta-basta nagpapalabas ng kapangyarihan ang Flower of Life kung alam nitong panganib ang dulot nang may hawak nito.
Napatingin ako sa paligid ng biglang mag-ingay ang mga kaklase ko.
" Hindi na ako makapaghintay!! " Classmate 1.
" Ako din! " Classmate 2.
" Sana makasama ko man lang ng isang araw si Prinsipe Flame sa paghahanting. " Classmate 3.
Napalingon naman ako sa ibang banda kung saan naririnig ko ang mga sinasabi ng mga kaklase ko, --hindi ako chesmosa! Sadya lang talagang ang iingay nila ngayon dahil wala pa ang susunod na magtuturo--- ibinaling ko ang tingin sa dalawa, at nakita ko na may pinag-uusapan sila.
Napatingin sa akin si Anura ng maramdaman nitong nakatingin ako sa kanila, lumingon din sa gawi ko si Fixie.
" Anong meron? May nangyari ba? " Tanong ko.
Ngumiti muna sa akin si Fixie bago nito sinagot ang tanong ko.
" May mangyayari kasing 'Hunting your own pet' bukas. Hindi ba nasabi sayo ni PS tungkol d'yan? " Nakakunot-noong tanong nya.
Umiling lang ako sa sinabi nya.
PS ang tawag namin kay Shaniel, kapag may mga nilalang sa paligid at para na rin walang makakaalam na nakikipag-usap kami sa mga Royalties --kasama at kaibigan ko pa nga ang dalawa sa kanila eh! Hindi nga lang alam ng iba-- kahit na nasa iisang bubong lang kaming apat.
Napatingin ako kay Anura ng dugtungan nya ang sinabi ni Fixie.
" Isa lang naman ang dapat gawin eh! " Tumingin sya sa paligid kung saan may kanya-kanya grupong nag-uusap, pero pari-pareho ang pinag-uusapan. Ang 'Hunting your own pet' sabi nga nila. " Ibig sabihin, kailangan mong maghanting ng magiging Monster Pet mo. Kung sa madaling salita, kailangan mong kalabanin at mapaamo ang pet na mapili mong maging Pet Partner. " Nakangising sabi niya.
Napalunok ako sa narinig ko.
May ganito pa pala? Anong gagawin ko?
Baguhan lang ako at walang kaalam-alam sa mga ganyan. Lalo na't wala akong Abilidad o kakayahan, ang maghanting pa kaya ng halimaw.
Pero ang tanong, kakayanin ko bang maghanting ng pet kung mukha naman 'tong monster?
Ghad!
Ang gulo!!
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
RandomWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...