Chapter 26: The Unknown Forest
Samarah's POV
HINDI sumagi sa isip ko na mangyayari ang ganito sa buhay ko. Hindi ko naisip na may mga nilalang na bubuo sa pagkatao ko.
Mga nilalang na babago sa buhay ko.
Magkaroon ng mapagmahal at matalik na kaibigan na totoo sa akin, pero hindi ko rin akalaing na may darating ding mga bagong kaibigan na gugulo sa buhay ko pero sila din ang nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo.
Dahilan para lumitaw ang mga katanungan sa isip ko.
Bilang lang ang totoo at mayroon ding naman hindi. May mga pagkakataon talagang nabibiyaan ka ng kaibigan makasama mo habang buhay, pero mayroon din namang hindi din nagtatagal. Dahil siguro para maramdaman natin kung paano masaktan na maiwanan, dahil para sa susunod na mga tao/nilalang na darating sa buhay natin, madali na sa ating tanggapin ang sakit, na hindi din sila magtatagal sa buhay natin.
Pero para sa akin, wala pang hihigit sa tiwala at pagmamahal na ibinigay sa akin ng pamilya ko, pero nawasak dahil sa madilim na trahedya ng nakaraan ko.
Sa daming gumugulo sa utak ko, isa lang ang tanong na pumukol sa isip ko.
Ano ba ang katayuan ko sa lugar na ito? Ano bang silbi ko sa mundong ito?
Inilibot ko ang pangingin sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang mananatili at sino ang aalis. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap, siguro hahayaan ko na lang ang kapalaran ko na magdisesyon para sa akin, dahil sya lang naman ang nakakaalam kung anong mas makakabuti para sa akin.
Psh! Wala talagang pinipiling oras ang kapalaran! Kung tao lang ito, noon pa lang baka pina salvage ko na.
Napaangat ako ng tingin at sinundan ng tingin ang biglaang pag-upo ni Shaniel sa tabi ko. Napalingon sya sa gawi ko at kunot-noo nya akong tinignan.
" May sasabihin ka ba? " Tanong nya na mas lalong nagkasalubong ang dalawa nyang kilay sa ginawa nya.
" Hah!? Teka nga bakit ba sa tuwing napapatingin ako sayo, ganyang agad ang tanong mo? " Sabi ko at napaharap sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang araw na lang ang itatagal ko sa mundong ito. Ito na lang ang magagawa ko para sa kaibigan ko. Ang titigan sya sa mukha at alalahanin ang bawat parte ng mukha nya.
Tinaasan lang nya ako ng kilay at biglang nagseryoso.
" Sa lahat ng nilalang na kilala ko, ikaw lang ang nilalang na hindi ko mabasa ang mga mata. " Tinignan nya ako sa mga mata at nag-isip. " Lalo na't ganyan ka makatingin sa akin. " Sabi nya.
Alam kong nahihiwagaan na sya sa pagkatao ko, pero alam ko ding hindi nya ako kayang pagdudahan ng isang bagay na hindi ko kayang gawin. Sa lahat ng tao o nilalang na nakilala ko, sila lang dalawa ni kuya ang pinagkakatiwalaan ko. Kahit ako hindi ko alam kong sino ba talaga ako.
" Eh!? Diba nga nahulaan mo ang mga iniisip ko?! " Sabi ko.
Sinabi sa akin ni Anura ang tungkol sa ibang senses ng mga taga-pangalaga, nalaman ko din ang ibang kakayahan ng mga ito kung paano mabasa ang iniisip ng mga kaharap at kausap nito.
Si Prince Leo, gamit ang kilos ng isang nilalang kaya nitong basahin ang galaw at gagawin nito, si Shaniel naman ay sa pagtitig sa mga mata. At panghuli ay si Raiden kaya nitong maramdaman ang nararamdaman ng isang nilalang. Pero ang taga-pangalaga ng Hangin, wala pang nakakaalam kung ano ang kakayahan at ano kaya nitong gawin.
YOU ARE READING
Wizarlem Academy
RandomWIZARLEM ACADEMY A Place where WITCHES, WIZARDES and ELEMENTALIANS exist. A Place where their ABILITIES can enhance and control. A Place where MONSTERS and CREATURES is real. Samarah Shella Kim, an ordinary girl with an ordinary life. The girl, who...