22: Mama

131 13 1
                                    

"Kung kaibigan lang ang turing mo sa kanya paano siya?" Tanong niya pa.

Ayaw ko na sanang isipin ang tanong niya pero paano nga kung seryoso si Blaze sa akin? Kakabahan talaga ako kapag naiisip kong gusto niya ako. Kaya lang hindi ako sigurado kung gaano niya ako kagusto. At ganoon din naman ako sa kanya. Hays. Blaze. Blaze. Blaze. Umalis ka naman sana sa isip ko kahit sandali lang.

Umalis na rin si Aesha Mapansing wala akong maisagot sa tanong niya.

Ilang minuto rin akong nakatulala. Hanggang sa may nagsalita sa aking likuran.

"Need someone to talk to?" Napalingon ako at nakita si Kian. Naalala ko bigla ang sinabi ng kapatid niya sa akin noon.

"I want to be alone." Mahina kong sagot. Wala kaso akong ganang magsalita at mas gusto kong mapag-isa. Pero umupo parin siya sa tabi ko.

Hindi naman siya nagsalita at tahimik lamang kami pareho.

"I'm sorry." Maya-maya pa'y sambit niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ako nakapagsorry sa ginawa ng kapatid ko sayo dati kaya I'm sorry." Sambit niya na diretso ang mga matang nakatingin sa akin.

"Wala na yon. Wag mo na yung isipin." Hindi ko naman na iniisip ang mga bagay na yun. Nakalimutan ko na nga sana kung di niya ipinaalala.

"Fhaye!" Tawag ni Blaze na papalapit. Kasama niya si Verse.

"Mauuna na ako sayo." Paalam ko kay Kian.

"Sige." Sagot niya sabay tango.

Sinalubong ko na ang dalawa at nakita kong nakasimangot na naman si Blaze.

"Ano na namang problema mo ha?" Tanong ko kay Blaze sabay kurot sa pisngi niya. Bigla-bigla nalang kasing sisimangot e.

"Hinintay mo ba talaga kami o nakikipagdate ka lang?" Tanong niya pa na parang nagtatampo.

"Selos na naman ang mokong to." Sagbi naman ni Verse at tinulak pa ang likod ng ulo ni Blaze gamit ang isa niyang daliri.

"Kulang lang yan ng candy." Sagot ko naman.

"Kiss kulang ko kiss." Sabay nguso niya at lapit sa mukha sa akin kaya tinampal ko ang kanyang noo.

"Tumigil ka nga diyan." Sagot ko matapos ilayo ang mukha niya sa akin.

Sabay na kaming lumabas ng gate. Sinalubong naman kami ni Aeron na tagasundo ni Verse.

"Mauuna na ako sa inyo." Paalam ni Verse sa amin. Tumango naman kami ni Blaze at kumaway sa kanya.

Nang makaalis na si Verse nagprisinta si Blaze na ihatid niya ako sa apartment ko nang makita ko si Luijen na papalapit sa gawi namin.

Kapansin-pansin ang eyebags niya. May problema ba siya? Hindi ba siya natulog kagabi?

"Fhaye. Bakit di ka umuwi kahapon? Saan ka ba nagpunta?" Tanong niya pa na parang nanenermon ng kapatid na matigas ang ulo.

Ayaw kong makita si Ate Luiza. At para saan pa para mananatili ako sa lugar na iyon? Magiging disturbo lang ako sa kanilang dalawa ni Ate Luiza. Buti sana kung nasa mansion sina mom at dad. Kaso wala e.

Napatingin siya kay Blaze at nagtitigan ang dalawa. May alitan ba ang dalawang to? Bakit kung makatitig sa isa't-isa kala mo matagal ng magkaaway.

"Umuwi na tayo." Sabi ni Luijen at akmang hawakan ang kamay ko pero hinila ito ni Blaze.

"Hindi na nakatira sa bahay niyo si Fhaye. Fhaye tara na. Ihahatid na kita." Hinila na ako ni Blaze palayo kay Luijen kaso hinila din ni Luijen ang kabilang kamay ko.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon