2 years later.
"Babalik na tayo sa Pilipinas." Sabi ni Mrs. Monteverde kay Blaze.
Hindi umimik si Blaze. Ano pa bang babalikan niya sa Pilipinas? Wala na si Fhaye. Wala na siyang babalikan pa. Kung kailan wala na ang kaibigan niya saka pa nila sasabihin na babalik na siya?
"Hindi ko siya nailigtas dahil wala ako sa tabi niya. Kung sana'y nandoon pa ako hindi niya maisipang umalis. Hindi sana siya mapapahamak." Ito ang nasa isip ni Blaze sa bawat oras na maalala niya si Fhaye.
Kailangan nilang bumalik sa Pilipinas dahil nasa Pilipinas ngayon ang investor na hinahanap nila.
Napabuntung-hininga naman ang ina ni Blaze makitang nagsuot lamang ng headphone ang anak at di siya pinansin. Magmula noong mabalitaan ni Blaze na namatay si Fhaye, hindi na ito nakikipag-usap pa sa kanila. Masyado na rin itong cold sa kahit sino at ni minsan hindi na nila nakikita pang ngumiti. Napapadalas na rin ang paglalaro nito sa mga online games.
Sa gawi naman ni Verse, kasama niya ngayon si Aeron. "Babalik ka ba sa Pilipinas?" Tanong ni Aeron sa kanya.
"Wala na akong babalikan pa. Wala na siya. Ang sabi niya hihintayin niya ang pagbabalik ko. Pero hindi niya ginawa. Wala na siya." Sambit niya at napayuko.
"Bakit di nalang ako ang namatay? Bakit niyo pa ba ako iniligtas?" Muli na namang tumulo ang kanyang luha. Iniisip niya na kung hindi sana sila umalis, may isa sa kanila ang mapupuntahan ni Fhaye. Hindi na nito kailangan pang sumakay ng bus at mamamatay.
"Bakit di niyo agad sinabi sa aking wala na siya? Bakit?" Isang taon pagkatapos ng operasyon niya saka niya nalamang wala na si Fhaye.
"I'm so sorry. Kakagaling mo lang sa operasyon noon. Kaya hindi namin sinabi sayo. Im really sorry." Nakayukong paghingi ng paumanhin ni Aeron.
"Wala kang kasalanan. Kasalanan ko ang lahat."
"No. Hindi mo iyon kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo okay?"
***
"Ang ganda mo talaga. Tingnan yko o. Bagay na bagay tayo." Sabi ni Edrian at idinikit ang mukha sa pisngi ni Fhaye. Tinulak naman ni Fhaye ang noo ni Edrian.
"Tumigil ka nga." Natatawa niyang sambit habang kaharap nila ngayon ang mga posters nilang dalawa ni Edrian.
"Mabintang-mabinta ang mga products namin magmula noong ikaw ang ginawa naming model."
"Tsk. Alam ko. Pero kailangan pa bang idikit mo iyang mukha mo palapit sa mukha ko?" Sabay pitik sa noo ni Edrian.
"Tinitiyak ko lang kung sinong may makinis na mukha no. Ngayon alam ko na."
"Na mas maganda ako?"
"Na mas makinis ang mukha ko." Sabi ni Edrian sabay kindat. "Alam ko na. Na bagay tayo."
Napaikot na lamang si Fhaye sa mga mata.
Ilang sandali pa'y pinatawag sila ni Edmund sa office nito.
"Maraming nagrequest kung maaari ka bang magperform ngayong birthday ni Edrian. Ipapakilala ko na din siya sa lahat bilang tagapagmana ko, maaari ka bang tumugtog ngayong birthday niya?"
"Ayos lang po. Hindi naman mahirap iyang request niyo." Sagot agad ni Fhaye. Palage naman na siyang nagpeperform sa mga events. Madalas kumakanta siya o ba kaya tumutugtog ng piano.
"Kung ganon handa ka na bang bumalik bilang si Fhaye Hedron?"
"Po?" Hindi niya inaakalang sa Pilipinas pala gaganapin ang birthday party ni Edrian.
BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Teen FictionKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...