Nagi-guilty ako. Talaga namang sobrang guilty ako kay Throne. Kita ko kasing sobrang lungkot ng mga mata niya noong marinig niya ang sinabi ko.
Di ko tuloy alam kung tama ba yung ginawa ko o mali? Dahil sa ginawa ko, naririnig ko na pinag-uusapan na naman kaming dalawa sa buong campus. Ang masaklap kasi pinagtatawanan nila si Throne at iniinsulto.
After ng klase narinig ko ang usap-usapan na may kasuntukan daw si Throne kanina dahil tinukso siya ng kaklase niya sa pagkabasted niya. Napuruhan yung sinuntok niya kasi naman na hospital daw ito at posible pa na mai-expell si Throne.
Naisipan kong puntahan si Throne. Pero bago yun lumabas ba muna ako at bumili ng isang pack ng band-aid.
Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng bintana ng kanilang classroom. May putok sa labi at maging sa kanang kilay. Nakatingin lamang siya sa sahig.
"Im sorry." Napaangat siya ng tingin marinig ang boses ko. Nakita ko ang dumaang tuwa sa kanyang mga mata ngunit napalitan din ng lungkot.
"Wala kang kasalanan." Sagot niya na nakaiwas tingin.
"Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto. Saka di ko rin alam kung ano ang dapat sanang gawin ko para hindi ka tutuksuin at ipahiya ng iba." Nabigla naman kasi ako sa pagtatapat niya. Kaya di ko na rin pinag-iisipan kung ano ang dapat kong isagot. Ngunit ayaw ko naman siyang umasa kaya naman diniretso ko na siya. Hindi ko alam na pagtatawanan pala siya ng iba at matutukso pa.
Nasira ko na ang imahe niya dati at nadagdagan na naman ngayon. Hindi naman talaga siya ganoon kasama para umani ng pangungutya at pang-iinsulto mula sa iba nang dahil lang sa akin.
"Kasalanan ko kasi mapusok ako at di marunong magtimpi. Wala kang kasalanan."
Inabot ko ang dala-dala kong pakete ng band-aid na binili ko kanina bago siya puntahan.
Hindi niya inabot kaya ako na lang ang naglagay ng mga band-aids sa mga bruises niya.
"Wag mo itong bigyan ng malisya. Nagi-guilty lang ako kaya ginagawa ko ito." Sagot ko ngunit natigilan dahil sa mga flash ng camera at sa mga boses na naririnig ko.
"Wow! Ang sweet." Biro ng isang lalake na di ko mawari kung nagbibiro ba o nangpipikon. Kakaiba kasi ang ngiti e. Yung ngiting parang nanghihingi ng isang sapak.
"Pasuntok din ako." Biro din ng kasama niya sabay tawanan ng iba.
Tiningnan ko sila. Yung tingin na hindi naman masama ngunit napaka-cold. Mabilis naman silang napatigil sa pagtawa at nagsialisan na.
"Wag mo na silang pansinin. Hindi ka naman talunan. Saka inggit lang sila kasi gwapo ka." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng bahagya saka ako nagpaalam sa kanya at umalis na.
"Bakit mo naman siya pinuntahan Fhaye? Di mo ba alam na trending ka na naman ngayon?" Sabi ni Blaze sa akin.
"Hayaan mo na sila. Wala lang silang topic na mapag-uusapan kaya kung ano-ano na lamang ang ginagawan nila ng issue." Wala namang bigdeal sa ginawa ko bakit pa ba nila pinapalaki at pinag-uusapan?
"Pero sa ginawa mo para ka na ring nagpaasa ng tao. Tapatin mo nga kami. May gusto ka ba kay Throne?" Tanong ni Verse.
"Hindi no. Nagi-guilty lang yung tao kung ano-ano na iyang iniisip niyo." Sagot ko na direktang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Alam mo bang anak mayaman iyang si Throne?" Dagdag niya pa.
"Wala namang hindi anak mayaman sa Micanovic high. Ang mahal kaya ng tuition dito." Wala pa naman akong narinig na anak mahirap na nakapasok dito maliban sa akin.

BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Novela JuvenilKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...