12: Magpakalayo-layo

117 15 0
                                    


Fhaye's p.o.v

Wala akong ganang pumasok kaya parang ang bigat bigat ng mga paa ko habang naglalakad pababa sa hagdan.

Bahagya akong natigilan makita si Luijen na nakasandal sa gilid ng pader. Ang sama ng tingin sa akin. Dalawang araw na nga siyang absent tapos ngayong papasok na siya para na akong kakainin sa galit. Ano na naman bang kasalanan ko sa kanya?

Nilagpasan ko na siya nang bigla na lamang siyang nagsalita.

"Wag na wag kang magpapasok ng bisita dito. Tandaan mo, hindi mo ito bahay."

"Alam ko." Saka kailan ba ako nagpapasok ng bisita dito at bigla na lamang akong pagsabihan ng ganito?

Ah, baka noong pagdalaw ni Blaze dito. Pero napakatagal na non a. Bumait pa nga siya sa akin magmula no'n kaya bakit nagagalit na naman siya ngayon?

Pagdating ko sa school nakita mo si Kian na naghihintay sa may gate.

"Hi Fhaye." Bati niya at binigay ang dala niyang bulaklak at may kasama pang tsokolate sa akin.

Bakit niya ba to ginagawa? Nanliligaw ba to? Pero wala naman siyang sinabi a.

"Para saan to? Di ko naman birthday a."

"Sumasabay lang sa uso. Puno na kasi ang locker mo kaya naman sa personal ko na lang binibigay."

Nakakapagtataka lang. Ano bang nakita ng mga namimigay ng mga gift sa akin e di naman ako mabait? Di naman kagandahan. Di rin naman katalinuhan. Nangunguna man ako sa klase pero di ko naman feel na matalino ako. Nagrereview lang kasi ako kapag may test o may final exam na. Kapag wala, halos di ko na rin nasisilip ang mga lessons namin. Pagkatapos naman ng exam, kung ano man ang naiwang kaalaman sa utak ko mabubura na lahat kaya di ko masasabing matalino ako. Di ko feel. Kaya nakapagtataka masyado kung may magpapakita ng motibo na gusto ako.

Di ako makahanap ng dahilan kung bakit nila ako magugustuhan. Hindi ako palasalita sa iba. Hindi rin pala kaibigan. Tipid na ngiti lang din ang ibinibigay ko sa mga bumabati sa akin. Saka kung sasabihin nilang maganda ako, di ko feel. Di ko masasabing maganda ako, di ko rin masasabi na panget ako. Basta sakto lang.

"May problema ba?" Tanong ni Kian mapansing nakatulala lang ako.

"Wala naman. Salamat dito."

"Busy ka ba mamaya? Pwede mamasyal ulit tayo?"

"Pasensya na. May gagawin pa kasi ako."

"Kung ganon, ako na lang ang mamasyal sa inyo." Naalala ko tuloy ang sinabi ni Luijen sa akin kanina.

"Hindi pwede. Hindi ko naman bahay yun. Sa may-ari ka magpaalam."

"But you still live there."

"Nakitira lang ako." Sagot ko.

"Kaya ba pinagbawalan ding bumisita si Throne kanina?"

"Ano?" Anong pinagbawala si Throne?

"Narinig ko kasi na susunduin ka daw niya kaso tinaboy siya ng mga gwardiya niyo."

Kaya siguro sinabihan ako ng ganon ni Luijen kanina dahil may bisita ako. Paano naman nalaman ni Throne kung saan ako nakatira?

***
Third person's p.o.v

"Luijen. May sinabi ka na naman ba sa kanya?" Tanong ni Kian kay Luijen at sumabay ng lakad dito.

"Wag mo nga akong kausapin. Wala ako sa mood." Sagot ni Luijen at nauna ng maglakad.

"Nag-away ba sila?" Tanong ni Jeff kay Rex. "Bakit galit si Luijen kay Kian?"

"Baka galit siya kay Fhaye. Alam niyo na mainit ang dugo ng isang yun sa kanya. Walang oras na di no'n inaaway si Fhaye basta magkatagpo ang landas nilang dalawa. Alam na ng buong KingZi na inampon ng mga Micanovic si Fhaye. At maituturing na rin itong stepsister ni Luijen.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon