2: Adopted

171 17 1
                                    


Chapter 2: Adopted

Bumalik na kami sa classroom. Umidlip muna si Verse ako naman nagbabasa ng libro.

Bigla na namang may humalik sa pisngi ko. Tiningnan ko kung sino. At ayan na naman yung nakangising si Blaze. Blaze is like a brother of mine. Classmate ko siya since grade 4, before maghiwalay ang parents ko at magkaroon ng sari-sariling pamilya. Blaze called me dati mommy at baby naman tawag ko sa kanya kasi nagbe-baby talk pa rin siya kahit grade 4 na.

Kumakandong pa siya sa akin minsan. Kinukurot ko pa ang pisngi niya at hinahalik-halikan kahit saan. Gano'n din ako kay Verse kaya madalas silang mag-away dahil nag-uunahan kung sino sa kanilang dalawa ang kandungin o buhatin ko. Sabay sabay din nila akong kinikiss at niyayakap.

Madalas nga lang pinapaiyak ni Blaze si Verse kasi iyakin si Verse at bully naman si Blaze. Marami akong alam tungkol sa kanila pero wala silang alam tungkol sa buhay ko. Malihim ako kahit sino at kahit pa sa kanilang dalawa.

Dissmissal...

Sinundo na si Verse sa Mommy niya. Or let us say adopted Mom. Inampon kasi siya ng pamilyang Yiu.

"Fhaye! Antay!"

Patakbong humabol sa akin si Blaze. Di niya alam na magkapitbahay lang kami.

Nasa kalsada na kami nang huminto ang army jeep. Bagong version ng army jeep.

"Uy sakay na kayo!" Tawag ni kuya Jake sa amin. Isa sa mga sundalo.

Madadaanan kasi nila ang village namin bago makarating sa kampo nila.

"Dito lang po ako. Sige salamat." Sabi ko at bumaba na. Sumunod naman si Blaze. May pera yan pero nakikisakay din sa army jeep o police car na napadaan sa village namin.

"Oy! Doon ang daan papunta sa inyo, ba't ka sumunod sa akin?"

"Ihahatid kita sa inyo."

"Di nga pwede. Umalis ka na nga."

Nagkamot siya ng ulo at dumaan sa ibang direksyon. Palingon-lingon pa siya. Nang mawala na siya saka ako naglakad papunta sa bahay namin.

"Mom! Dad! Andito na po ako!" Tawag ko pagpasok sa bahay.

Naratnan ko sila sa sala. I kissed them on cheeks.

"O siya, magbihis kana. Darating sina Kuya Andro mo." Sagot ni mommy.

"Si Luijen, di mo ba nakita sa school?" Dad asked.

"Nakita po, kasama po niya ang barkada niya." Sagot ko.

Si Luijen ang bunso nila. 16 years old. Inampon nga pala ako ng pamilyang ito, since wala na akong mapuntahan noon. Lalo pa't pawang may mga business at trabaho na yung mga anak nila.

Sina Andro 26 years old at ate Alexa 24 years old ang namamahala sa business nila sa America. Si ate Luiza 18 years old, isang model sa Korea. Si Beverly 20 years old nasa France. Si kuya Willy 22 years old model at artista sa Japan. Do'n din siya nag aaral at gumraduate.

Sina Ate Beverly at kuya Willy ang nagrecommend sa akin para ampunin  ng pamilyang ito para di na mangungulila sa kanila ang parents nila.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon