Blaze p.o.vPagkatapos akong hilahin ni mommy kanina lumabas na lamang ako. Hindi ko parin kasi maiwasang maalala si Fhaye kapag nakikita ko si Luijen. Parang gusto ko talagang basagin ang mukha niya sa tindi ng galit ko. Kaya mas mabuti pang umalis nalang. Kung alam kong nandito rin ang lalaking yun hindi sana ako pupunta kahit pipilitin pa ako nina mom at dad.
"Young Master, bakit kayo lumabas?" Tanong ni Mang Jerry sa akin. Ang driver namin.
"Pa-drive po muna paalis dito." Sabi ko sa kanya at sumakay na sa kotse.
Itinuon ko na lamang ang tingin sa labas ng bintana hanggang makalayo na kami ni Mang Jerry.
Ilang sandali pa'y natanaw namin ang Micanovic High.
"Ihinto mo."
"Pero po."
"Basta ihinto mo."
Inihinto naman niya ang kotse sa tapat ng gate. Madilim na kaya wala ka ng makikitang mga tao sa loob ngunit may iilang mga rooms ang nakabukas pa rin ang mga ilaw dahil may mga nag-eevening class kasi.
Napatingin ako sa kung saan banda ang cafeteria. May munting ilaw sa loob.
"Hirowie ako diyan."
"Ako ang nauna dito. Don ka nalang sa tabi ni Rome."
"Tabi nga kasi ako ni Fhaye."
Napangiti ako nang maalala kung gaano ko ipinagdamot kay Fhaye.
"Blaze. Ingat ka ha? Baka ikaw ang ishot nila sa ring ang liit liit mo pa naman." Napangiti ako ng mapait maalala ang mga sinabi ni Fhaye.
"Matangkad na ako Fhaye. Hindi na ako totoy. Kaso wala ka na."
"Tayo na po uncle." Sabi ko kay Mang Jerry. Agad naman niyang pinaandar ulit ang kotse.
Ilang araw din ang nakalipas. Walang nagbago sa buhay ko. Ngunit isang umaga habang nanonood ako ng TV nakita ko ang pamilyar na mukha.
Ang babaeng tumugtog ng piano sa birthday ni Edrian ay kamukhang-kamukha ni Fhaye.
Mabilis akong nagtungo sa tahanan nina Mr. Edmund Yu kaso wala sila don. Wala rin si Fhaye. Kaya naman nagtungo na lamang ako sa park kung saan kami tumatambay dati.
Umupo ako sa bench na inuupuan namin ni Fhaye. Naagaw ng pansin ko ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng fountain.
Hindi ko na ito pinansin kasi mas matangkad ang babaeng to kay Fhaye at may sexy body kumpara sa dating Fhaye.
"Fhaye. Nandito ka lang pala." Napalingon ako sa tumawag at nakita si Edrian na may hawak na dalawang ice cream.
Napatayo naman ako sa narinig habang binubundol ng kaba ang aking dibdib.
"Si Fhaye?" Tanong ko. Dahan-dahan namang lumingon ang babae at napansin kong parang elegant version lamang siya ni Fhaye.
"Siya ba talaga yan?" Ang nasambit ko at napatda sa kinatatayuan nang marinig ko ang sinabi niya nang magtagpo ang aming mga mata.
"Blaze?"
Blaze. Alam niya ang pangalan ko. Kung ganon siya nga si Fhaye?
"Fhaye. Ikaw ba talaga yan? Hindi ka ba multo?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.
"Blaze."
Kamukhang-kamukha nga niya si Fhaye. Nananaginip ba ako?
"Sinong maysabing patay na ako? Hindi pa ako mamamatay. Hinihintay ko pa kayo."
Sinampal ni Blaze ang pisngi niya. "Masakit. Di ka kapatid ni Fhaye?"
"Ako to. Ako talaga to Blaze." Ang naluluha niyang sambit.
Tumulo na rin ang luha ko at niyakap siya. Hindi ko inaasahan na darating din bigla si Verse.
"Fhaye. Blaze. Kayo ba yan?" Ang tanong ng babaeng nanginginig ang boses.
Napalingon kami kay Verse na may butil-butil na luha na dumadaloy ngayon sa mga pisngi.
Nandito rin si Verse. Nagbalik na rin siya. Nakaligtas pala siya sa operasyon niya. Hindi ako nananaginip.
***
Fhaye's p.o.v
Ang dalawang to kanina pa umiiyak. Ako ito kumakain ng ice cream. Si Edrian, umalis na muna.
"Tingnan niyo itong ice cream parang sipon niyo." Tukso ko sa kanila.
"Esh. Kanina ka pa. Inaasar mo lang kami." Sagot ni Verse at napanguso.
"Di pa ba kayo tapos gawing tissue iyang damit ko? Basang-basa na kaya ako."
Nakasubsob kasi ang mga mukha nila sa magkabilang braso ko. Bumalik yata sa pagkabata ang dalawang to. Niyakap ko silang muli. Sobrang namimiss ko kasi sila. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang tuwa sa puso ko.
"Namiss ka lang talaga namin. Akala namin na multo ka na." Sagot ni Blaze.
"Hindi naman kasi kayo nagmessage kahit minsan lang." Sabi ko. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi sila nagmessage sa akin noon.
"Pagkatapos ng operasyon ko hindi nila ako hinayaang makahanap ng paraan para makontak ka. Bantay sarado din ako. Hindi pa daw kasi ako maaaring gumamit ng social media at mga gadgets. Hindi ko alam na para pala di ko malalaman ang nangyari sayo." Paliwanag ni Verse.
"Grounded naman ako. Inalisan ako ng gadgets. Kapag magpapakabait daw ako ibabalik nila ako sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon. Kaya naman sinunod ko ang lahat ng sinabi nila. Ngunit ang resulta, pagkatapos ng isang taon nalaman kong wala ka na pala." Sagot din ni Blaze.
Ikinuwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa akin at kung bakit ako nagiging model.
"Ngayong magkakasama na ulit tayo, kalimutan na natin ang nakaraan. Babawiin na lamang natin ang mga araw na hindi tayo magkasama. Mamasyal tayo bukas." Sabi ni Blaze at sumuntok pa sa ere.
Natuwa ako dahil bumalik na ang saya sa kanyang mga mata. Hindi na cold at parang pasan ang mundo.
"Gusto ko mamaya na." Sabi naman ni Verse.
Kaya naman namasyal kami at pinuntahan ang mga lugar na di namin napasyalan dati.
***
BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Genç KurguKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...