Fhaye's p.o.v
Music class...
"Class starting today, iisa ang time ng music class ninyo. From Sophomore to senior. Blah! blah! blah!" Paliwanag ni Ma'am Jane.
Pinagawa kami ng circle ni Ma'am. Truth or dare daw ang gagawin namin. Papaikutin ang bote na nilagayan ng flashlight ang bunganga para kung sino ang maturo ng light ay siyang gagawa sa truth or dare. About sa personal life ang truth at about naman sa music ang dare namin.
May nag-spinned na ng bote. Panay dasal ko na sana hindi ako ang unang matuturo pero sa huli, sa akin parin tumigil ang light. Sino bang nag-spin non at sapakin ko? Kaya hinanap ko ang nag-spinned at natuklasang si Kian pala. Di na sasapakin, jowain nalang."Truth or dare?" Tanong ni Ma'am Jane.
"Truth." Walang gana kong sagot.
"Tell us about your past and family." Sabi niya. Sa dinami-rami ng ipapasabi sa akin iyun pa?
"I was abandoned." Sabi ko at di na nagsalita pang muli. Kakaiba ang mga titig nila kaya ibinaba ko na lamang ang aking paningin.
Ako na naman ang nag-spinned ng bote at di na pinansin ang pananahimik nila. Tumigil sa isa kong kaklase ang light ng flashlight. Dare ang pinili niya at pinag-rap siya ni Ma'am Jane. Kahit di siya marunong napilitan siyang mag-rap.
Nagpatuloy ang truth or dare hanggang sa bumalik na naman sa akin ng light. Minamalas ba ako o nananadya lamang sila?Dare na lamang pinili ko. I don't like to talk about my past and my family. Na naging dahilan kung bakit nagiging misteryosa ako ng paaralang ito. No one knows about me and my family. Ang alam lang nila, I am Xhirra Fhaye Hedron. A scholar student of Micanovic High.
"Sing with guitar." Sagot ni Kian.
Tumayo naman ako at kinuha ang guitar na nasa gitna.
"Go Fhaye!" Sabi ni verse. Nginitian ko lang siya.
"Dapat para sa akin yan!" Sabi sa akin ni Blaze.
"Okay. Para sayo 'to." Sagot ko at umupo sa isang upuan habang hawak ang gitara. I strummed the guitar, adjust its tune then sing the song that's what friends are for.
"And I never thought I'd feel this way. And as far as I'm concerned, I'm glad I've got the chance to say. That I do believe I love you. And if, I should ever go away. We'll then close your eyes and try, to feel the way we do today. And then if you can remember. Keep smiling, keep shining. Knowing you can always count on me for sure. That's what friend are for..."
Feel na feel ko ang pagkanta at nakalimutang hindi lang pala kami nina Verse at Blaze ang nandito. Kaya naman na-conscious akong bigla maalalang marami nga pala kami. Samahan pa ng nakatunganga nilang mukha at may nakanganga habang nakatitig sa akin. Parang gusto ko na tuloy tumigil sa pagkanta.
"Ayoko na. Nahiya na ako." Sabi ko sa guro at umalis na sa inuupuan ko kanina.
"Ang daya di tinapos." Nagreklamo na naman sila.
"Ang ganda ng boses mo, ba't di ka nagsinger?" Senior 1.
"Oo nga. Magmodel ka na din. Sa tangkad at ganda mong iyan, bagay sayo." Senior 2.
Hindi ko alam kung saan ang gandang tinutukoy nila. O ba kaya malabo ang mata ng lalaking ito. Inakbayan ako nina Verse at Blaze at proud pang sinabi ni Blaze na "kaibigan namin to."
Inikot ko na muli ang bote at di na tiningnan kung saan tumigil ang light. Ilang sandali pa'y may narinig akong kumakanta ng kanta ng pambansang kamao na si Manny.
"Gagawin ko ang lahat para sayo."
Napatingin kami sa kumakanta. Si Luijen pala.
"Kung ito ang dahilan upang magkasundo tayo. Ito ang tanging paraan na naisip ko. Upang magkaisa damdamin mo..."
Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa gawi ko.
“damdamin ko.”
Makakanta na nga lang bakit ako pa tinitingnan? Sinamaan ko siya ng tingin.
"Para sayo, ang laban na to. Di ako susuko. Isisigaw ko sa mundo. Para sayo, ang laban na to."Sa dinami-rami ng dapat niyang tingnan ako pa. Sarap niyang batuin ng tsinelas.
Flashback.....
Puyat ang lahat dahil sa welcome party ng mga Micanovic. Pag-alis ni Kian sa silid ko, lumabas narin ako ng silid. Nag tungo ako sa likod ng mansyon dahil masyadong tahimik kaysa sa loob na ang ingay ng music. When I heard a conversation.
"Luijen, magkapatid tayo alam mo yon." Rinig kong sabi ni ate Luiza.
"No! We're not. You know that."
"But still—"
"Yuo love me too right? Kaya kitang ipaglaban. We love each other."
Nakita kong niyakap ni Luijen si ate Luiza.
End of flashback.
Kaya naman, sigurado akong para kay ate Luiza iyang kanta niyang yan. Bagay naman sila. Lumaki man si ate Luiza sa mga kamay ng mga Micanovic pero di naman sila magkadugo ni Luijen kaya pwede naman silang magkatuluyan.
Natauhan akong bigla nang may nag-abot sa akin ng bulaklak at chocolate. Sina Verse at Blaze pa ang unang kumain ng mga chocolates. Mga walangya. Bulaklak at wrapper na lang ang tinira? Aanhin ko ba ang bulaklak? Makakain ba to?
"Saan kaya galing to? Walang name eh." Tanong ko.
"Secret admirer 'ata." Sagot ni Verse na busy sa panguya ng chocolate.
Babae kasi ang nag-abot kaya di ko alam kung kanino galing ang bulaklak at mga tsokolate na ito.
"May karibal na naman ako. Sige lang basta may tsokolate. Sana may isa pa." Langya talagang Blaze na to, pinapamigay ba naman ako.
Mabilis lumipas ang mga araw at oras. Ngayon naman, papasok na ako sa school pero may humarang sa aking azyma girl member.
"Layuan mo si Blaze dahil di kayo bagay. Scholar kalang. Akin lang siya kaya layuan mo siya." Sabi ng isang magandang babae at ang cute sana kaso ang sungit
"Bakit sino ka ba?" Mahinahong tanong ko.
"Ako lang naman ang girlfriend at fiance nya."
Kafififteen palang ni Blaze a, may fiance na? Saka mukhang fifteen years old palang din ang babaing ito.
"Ah gano'n ba. Friend ko lang si Blaze at walang hihigit pa don. Hindi ko naman siya inaagaw sayo eh."
"Lage niyang kinakansela ang date namin dahil sayo. Pag magkasama kami ikaw lagi ang binabanggit niya. Nasasaktan din ako alam mo ba?"
Mukhang iiyak pa yata to. Naluluha na kasi habang sinasabi ang mga bagay na yon.
"E di siya pagsabihan mo wag ako." Ako ba naman ang pagsasabihan e sila ang may problema. Saka kasalanan ko ba kung bukambibig ako ng boyfriend niya? Kaya lang, girlfriend ba talaga siya ni Blaze? Bakit wala siyang sinabi sa amin ni Verse?
***
{✓}
BINABASA MO ANG
Where Should I belong? (On Going)
Teen FictionKwento ng isang babbaeng tinalikuran ng pamilya. Kinupkop ng Micanovic family at itinuring na tunay na pamilya maliban sa isa. Ang bunsong anak ng mga Micanovic na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, taboyin at tawaging gold digger. Takot...