18: Picnic

186 14 2
                                    

Fhaye's p.o.v

Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nina Luijen. Narinig ko kasing dumating na sina mommy at daddy galing sa abroad kaya ngayon ko naisipang magpakita. Sa totoo lang kinakabahan ako. Iniisip ko kung ano kaya ang mararamdaman nila? Magagalit ba sila sa akin at kamuhian ako?

Ipinaalam na ng isang baguhang maid  na may bisita. Habang lumilipas ang ilang minuto lalo namang bumibilis ang kaba ko. Ilang sandali pa ay may mga yabag na akong naririnig.

"Sino ba ang bisita natin?" Natigilan ang nagsalita at gulat na napatingin sa akin.

"Fhaye? Ikaw ba yan?" Nanginginig ang mga boses niya habang sinasabi yun.

"Mommy."

"Fhaye." Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap sa akin ni mommy Lucy.

"Sino ba yan honey?" Nakita ko si daddy Jino na napatda sa kinatatayuan nang makita ako.

"Fhaye!" Tawag ni daddy sa akin.

"Buhay ka." Sambit ni Daddy habang yakap parin ako sa umiiyak na si mommy.

Punasok na kami sa loob ng mansion. Nakita ko si Luijen na mabilis na bumaba sa hagdan. Nakakagulat lang dahil bigla niya akong niyakap.

"Fhaye. Buhay ka nga. buhay ka Fhaye." Sambit niya.

Napapaubo ako sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

"Luijen. Hindi ako makahinga." Sabi ko. Naiilang parin ako sa kanya. Palage nga kasi kaming nag-aaway dati di ba? Kaya naman sobrang awkward sa bawat panahong bumabait siya sa akin.

Binitiwan niya ako at pinunasan ang kanyang luha. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at pinunasan ko ang mga luha niya sa pisngi gamit ang mga daliri ko.

"Sorry kung nag-alala kayo nang dahil sa akin. Sorry kung hindi ko nasabi na ligtas ako." Paghingi ko ng tawad sa kanya at kina mommy.

"No, no, no. Wala kang kasalanan. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo yun nagawa." Sagot ni mommy Lucy.

Ang inaakala ko talaga na kasuklaman nila ako. Hindi ko inaasahan na magpa-welcome party pa sila sa pagbabalik ko.

Kaya lang, pansin kong walang imik si ate Luiza. Kapag titingin naman siya, tipid na ngiti lamang ang binibigay niya sa akin. Sabagay, hindi naman kami close.

Dumating naman si Edrian kaya ipinakilala ko na din siya kina mommy at daddy.

Sumabay na rin siya sa dinner namin.

"Tikman mo to, masarap ang beef stake nila." Sabi ni Edrian matapos hiwain ang beef stake na kinuha niya.

"Salamat."

"Naalala ko si Blaze sa kanya." Biglang sabi ni mommy na ikinaubo ko. Agad naman akong inabutan ni Edrian ng tubig.

"Nagkita na ba kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong ni mommy.

"Opo. Magkasama nga po kaming namasyal kahapon. Wag po kayong mag-alala. Sa susunod dadalhin ko sila dito." Sagot ko.

"Mabuti naman yun para naman makausap din namin sila." Sabi din ni daddy.

"Maaari bang dito ka na muna titira kahit isang buwan lang. O kahit two weeks lang." Pakiusap ni mommy.

Pumayag naman ako kasi namimiss ko na din sila. Kahit papano, sila parin naman ang tumayong mga magulang ko.

Pagkatapos ng dinner hinatid ko na si Edrian palabas ng mansion.

"Salamat sa paghatid. Alis na ako." Nagulat nalang ako nang bigla niyang halikan ang aking noo saka mabilis na sumakay sa kanyang kotse.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon