8: Nanenermon

129 14 0
                                    


Fhaye's p.o.v

Hinatid ako ni Kian sa bahay. Siya nga pala ang kasama ko kanina pa.

    "Hanap lang kami ng hanap nakikipag-date lang pala." Si Luijen yan. Nagsisimula na naman sa paghahanap ng mga maibabatong mga salita sa akin.

    Kinausap ni mama si Kian. Ako ito naiwan kasama ang unggoy na 'to.

    "Alam mo bang hindi ako nakapunta sa photoshoots ni Luiza dahil sa paghahanap sa'yo?" Kaya pala nagalit to eh.

    "At bakit mo naman kasi ako hahanapin? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam? As if namang may pake ka." Sagot ko din. Bigla niyang hinablot ang pouch ko at tinapon sa may fountain.

    "Ba't mo tinapon? Bigay sa akin yon eh." Nakakainis talaga siya.

    "Palibhasa basura lang ang tingin mo sa akin. Ano pa kaya sa mga gamit na bigay sa akin? Wala ka talagang puso. Kahit kailan katulad ka sa kanila. Walang pakialam kung masasaktan man ako o hindi. Ganon ka eh. Ang bait mo! Sobrang bait." Sarkastiko kong sabi at lumusong na sa tubig.

    Inabot ang pouch na nakalutang sa tubig. Nang maabot ko na, umakyat na ako. Papasok na sana ako ng mansyon pero natisod ako. Ang buong akala ko mapasubsob ako sa floor pero may humawak sa baywang ko.

    "Di ka talaga nag-iingat." Tinulungan niya ako? Wala siyang puso diba? mabilis akong tumayo ng maayos at lumayo kunti sa kanya.

    "Basa ang coat mo at sapatos." Sabi niya pa.

    Hinubad ko nalang yung coat ko saka yung shoes ko. Mahirap na at magagalit na naman ang boss na to dahil mababasa ko ang sahig niya.

    "Ganyan suot mong namasyal?" Galit niyang tanong. Di talaga marunong pagsalitaan ako ng mahinahon. Kailangan talaga galit palage.

     Napatingin naman ako sa sarili ko. Wala naman akong napansing mali.

    Ang sexy ko kayang ting-ahm... ang nipis pala ng damit ko. Parang see through lang.

    "Nakacoat akong lumabas." Sagot ko. Hindi naman lumabas ng nakaganito kasi may coat naman ako. Bago paman ako pumasok sa mansyon pinasuot niya sa akin ang coat niya na ikinakunot ng aking noo.

    Tinalikuran niya na niya ako at nauna ng maglakad papasok. Pumasok na lang din ako.

    Nakita kong kausap parin ni mommy si Kian. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

    "Buti nakita mo siya. Malungkot ang batang yon. Kung sakaling gusto mong pumasok sa buhay niya, mahihirapan ka dahil maliban sa amin at ng dalawa niyang kaibigan, wala na siyang pinapasok pa." Sabi ni mommy na ang 'pinapasok pa' lang ang narinig ko ng maayos.

     Humingi ako ng pasensya kina mommy dahil pinag-alala ko sila saka pa umakyat sa kwarto ko.

***

    "Kyaaah!" Nahulog pa talaga ako sa kama ko. Pa'no ba kasi pagising na pagising ko, may mukha na bumulaga sa mukha ko.

    "May expression ka rin pala pag magulat. Hahaha!" Sabi ni Luijen sabay tawa ng malakas.

    "Hoy Luizenfer! Ginagawa mo sa kwarto ko?" Tumatawa pa rin yung ugok. Tawa na kay Luiza niya lang pinapakita.

"Wala akong ginawa sa kwarto mo aswang." Tukso niya pa. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at tumayo na.

    "Anong nangyayari at may sumisigaw?" Tanong ni mommy na nasa labas na ngayon ng kwarto ko.

    "Pano po kasi, pagdilat ko may panget na mukha ang sumalubong sa akin." Sagot ko agad.

Where Should I belong? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon